Chapter 6

6.9K 170 12
                                    




**


''Pass your index cards'' ma-awtoridad ang boses na sabi ni riva. Prente itong nakaupo sa chair habang nakahalukipkip 


''Hoy, kaano ano mo si ma'am?'' tanong ni keena pagkapasa ng index card. 


Alam lang kase nila ay kasal ako pero hindi nila alam kung kanino lalo na't hindi ko alam kung natataanda ba nila si riva that night.


''Oo nga, salazar si ma'am tapos ikaw salazar din, tita mo siya?''   kung alam niyo lang. 


''Tanga, walang kapatid na babae si tito ashton. Baka ka-apelyido lang'' ganon nalang sana, kaso siya ang asawa ko sa papel mga teh.


Napabuntong hininga nalang ako. Until now hindi parin ako makapaniwalang may asawa na ako. Pinagtataka ko pa kung bakit surname ko ang ginamit niya ngayon kung pwede niya naman sabihin ang kanya, tutal wala namang nakakaalam e. 


Pagkatapos ng pasahan ng index cards, tinuon ko ang atensyon ko kay riva na nasa harap. Nakatingin din ito sa'kin ng napakalamig. Kung paano niya ako tignan tuwing nagkikita kami ay walang pinagbago parin, para talaga siyang nag b-business ng isang truck na yelo. 


Nang mag uwian na ay bay sabay kaming tatlong lumabas ng room after makalabas ni riva. Nag offer pa ako sa kanya ng tulong kase may dala siyang laptop at iilang libro but she refused. Hindi ko na siya pinilit pa dahil madali lang naman ako kausap e, bahala siya.


Wala ako sa sariling tinutungo ang cafeteria habang ang mga kaibigan ko ay may sari-sariling mundo. Paano nalang kung malaman lahat ng nandito sa campus na ang isang studyanteng si Ashanti Louise Salazar ay may asawang professor na si Riva Soleil Cleomente? Ano nalang sasabihin nila? Paniguradong pag p-piyestahan kami pag nangyare 'yon. 



''Babe!'' sigaw ni cera, isa sa mga nakalandian ko noon ''Gosh. I missed you! I haven't seen you since mag start ng class'' nakangusong pinupulupot ang kamay niya sa batok ko


''Paano ba 'yan ash, mauuna na kami sa'yo ha? Gutom na kami e'' linapit ni yael ang mukha niya sa tenga ko, smiling michievously ''Goodluck!'' 


Nakakunot ang noo kong lumayo sa kanya. Si tanga nakangising naglalakad papalayo sa direksyon ko kasama ang kambal. Hindi ko nalang siya pinansin at binalingan ng tingin si cera


''I'm busy cera'' tinanggal ko ang kamay nito sa batok ko, ''Saka isa pa wag mo na ako lapitan pwede? mamaya sunggaban na naman ako ng sampal ng girlfriend mo. Tss'' 


Cera is one of my fling for almost a month before. Hindi ko alam na may girlfriend pala 'tong babaeng 'to. Nakita kase kami ng gf niya na naghahalikan sa isang bakanteng basement kaya ayon nasampal ang maganda kong mukha. 


''I broke up with her babe. I don't really love her because..'' lumapit ito sa tenga ko at bumulong ''You're the one i w—'' 

Accidentally married with a Stranger  (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon