Chapter 11

6.2K 153 12
                                    




**


Tanghali na nang magising ako. Inabutan na ako ng madaling araw bago nakatulog sa sobrang pagiisip. Hindi ko na nga namalayang 3am na, eh, gising parin ako. Naghilamos lang ako at nag toothbrush bago bumaba. Pag labas ko palang naamoy ko agad ang nilagang baka na favorite ko. Nandito ba si mommy ngayon?


Dumiretcho ako ng kusina para tignan kung nandito ba talaga si mommy pero hindi—teka si riva ba 'to? Pinalibot ko ang tingin sa kusina at sobrang gulo talaga. Parang binagyo ang kitchen sink but i didn't know na magaling pala siyang magluto.


I checked her out from head to toe. She's still wearing a silk sleeveless nighties, exposing her flawless white legs. Naka messy bun ang buhok niya at naka apron. Humarap ito sa'kin na seryoso ang mukha. For the second time, napatulala na naman ako sa angking ganda niya. Partida na wala pa siyang make up nito pero hindi ko na mabilang ilang beses ko na siyang pinupuri sa isip isip ko. 


''Morning''  simpleng bati niya. Napahilig ako ng ulo at naupo sa upuan. 


No ashanti, no, wag kang papalinlang. Dapat naiinis ka diba? pero nandito ka ngayon, natutulala habang samut saring pinupuri siya sa utak. 


''I didn't know na marunong ka magluto'' sabi ko.


Kumuha siya ng malalim na bowl at sinalin ang ulam doon. Nasa hapag na din ang plates, rice and even water. So siya lahat gumawa nito? 


Ay malamang! kami lang naman nandito sa bahay.  



''Hindi naman talaga. I just need to learn it for someone. Cooking is not my thing'' nilapag niya ang bowl sa gitna ng table saka ako balingan ng tingin, ''All i want is to eat'' 


Bigla akong sininok sa sinabi niya. Hindi ko alam kung nang aakit ba siya o normal voice niya lang ba 'yon kapag umaga pero ang flirty kase ng tono. Napapa-double meaning ako o talagang malakas lang amats nito? Hindi ko nalang pinansin ang sinabi niya at sinawalang bahala dahil gutom na ako. Nagsandok agad ako ng kanin at ulam sa plates. Jeez! Amoy palang nakakagutom na. 


Umupo siya sa katapat kong upuan pero hindi ko na siya tinignan sa sobrang gutom. Sa kaartehan ko kase kagabi, hindi na ako kumain kaya eto tuloy para akong patay gutom tignan na hindi pinakain ng isang taon. 


''Slow down salazar, walang aagaw niyan sa'yo'' usal niya pero hindi ko siya pinakinggan.

Accidentally married with a Stranger  (GxG)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن