Chapter 28

5.8K 137 10
                                    



**


Pagkababa ko palang galing sa sasakyan, sinalubong agad ako nila keena at kiara ng yakap habang ang dalawa naman ay nakasunod lang sa likuran. Base palang sa mga pagmumukha ng mga 'to halatang magiging OA na at hindi nga ako nagkamali. Sa sobrang hihigpit ng mga yakap nito akala mo, galing akong abroad ng isang taon. 


 ''I miss you!'' si vince na nakatayo at grabe sa lapad ang ngiti, at katulad ng ginawa ng tatlo ay yinakap din ako


Sa sobrang higpit ng yakap ni vince halos hindi na ako makahinga. Kung hindi pa siya aawatin nila yael ay hindi pa talaga siya kakalas. Grabe naman ang pagkamiss ng mga 'to, akala mo galing akong ibang bansa na nag stay ng isang taon sa sobrang over!


''Gago ka talaga vince! Balak mo pa atang i-suffocate si ash sa ginagawa mo e'' suway ni kiara.

''Bawal ba maging masaya? Epal ka talaga kia.''

''Oh tama na 'yan. Kung maka-miss kayo para akong OFW na kakabalik lang sa pilipinas, sobra sa pagka-oa.'' natatawang sambit ko, ''Anyway, Congratulation sa pagkapanalo! Sabi ko sa inyo e, kaya niyo 'yan kahit wala ako."' and totoong masaya ang puso ko dahil nakaka-proud talaga sila.

''It's all thanks to you our leader, of course. Magaling ba naman gumiling kahit prino-problema na''

''Tama ka diyan kia. Ako nga din gilingan mo'' pagsingit naman ni yael.

''Gago! Ipasok kita sa grinder nang maigiling kita''

Kumindat si yael sabay ngumuso, ''Kiss ko mamaya ha?''

Namumula na ang pisnging tumalikod si kiara saka umirap na akala mo'y hindi niya din gusto kaya natawa at napailing nalang kaming tatlo sa bardagulan ng mag jowang 'to. Yes, mag jowa na sila and lately ko lang din nalaman. Hindi ko nga akalaing magkakaroon ng relasyon 'tong mukhang aso't pusa sa sobra kung mag asaran noon, pero maybe you can't really predict what's ahead of you kaya eto ngayon, naghihingian na sila ng kiss sa mismong harap ko.

Pagkalabas ni riva sa loob ng kotse ay sabay sabay siyang binati ng apat. Naisipan kong isama si riva dito ngayon sa Children Safe Home Orphanage para mag donate at mamahagi ng new toys and clothes for them. Buti nga nakahabol pa kami ni riva ngayon dahil ito na ang huling orphanage na bibigyan ngayong araw.

''Hindi mo naman sinabing isasama mo ang asawa mong maganda ash'' bulong ni keena.

Hindi ko na nasabi sa kanila na isasama ko si riva dahil bukod sa nakalimutan ko talaga, eh, ako ang nag drive kanina all the way here from tagaytay.

''Sinama ko na para naman maranasan at malaman niya ang lagi nating ginagawa. Besides, wala namang pasok ngayon saka ayokong maiwan siya mag isa sa bahay 'no''

''Sabagay. Pero sa ikli ng pasensya ni ma'am sana hindi siya mainis sa kalikutan ng mga bata, alam mo naman mga bata ngayon doon lang nagiging masaya''

Bahagya kong nginitian si keena, ''She loves kids. Proven and tested kay xyril''

Sabay sabay na kami pumasok sa loob at ang unang sumalubong sa amin ay ang mga madre at iilang staffs na nagaalaga sa mga bata, ''Good afternoon Ma'am and sir. Malugod po kaming nagpapasalamat na napili niyo ang Children Safe Home Orphanage na sobrang nangangailangan po talaga ng tulong para sa mga batang naulila na dito'' bati ng isang madre na sa tingin ko ay ang head nila.

Accidentally married with a Stranger  (GxG)Where stories live. Discover now