Chapter 8

6.5K 164 8
                                    




**



Nandito ako ngayon sa kusina at kasalukuyang nagluluto ng sinigang. I know this is her favorite ulam kaya nakaisip ako ng kalokohan na nakita ko lang din sa titkok. Good thing nalang na maaga natapos ang meeting nila sa school kaya maaga siya nakauwi ngayon. 


Kumuha ako ng konting sabaw gamit ang hawak kong sandok saka naglagay ng madaming sinigang mix na nasa sachet. Hinalo halo ko siya hanggang sa ma-dissolve yung powder. 


''It's payback time. Humanda ka sa'kin Riva'' i said and mischievously laugh. 


Naiisip ko palang na nag m-make face si riva, hindi ko na mapigilang hindi matawa. Umakyat ako dala dala 'tong sandok papasok sa study room niya. She's facing her laptop with a serious face, she also have a lots of paper works na nasa table. And i can say she's undeniably so sexy in that kind of posture. Umangat ang tingin niya sa'kin nang maramdaman niya akong pumasok saka nagtaas ng isang kilay. 


''Is knocking are out of your manners now Salazar?'' walang emosyong sabi niya.



ay ako pa talaga? 



''Ipapatikim ko lang sana sa'yo itong luto ko. Of course dalawa tayo kakain kaya gusto ko lang din malaman kung okay ba sa'yo yung lasa'' malapad ang ngiti kong sagot sa kanya. 


Inangat niya ang index finger niya, gesturing me na lumapit ako, ''Faster'' 


Gusto ko sana siya video-han kaso mahahalata ako non, sabihan pa akong weirdo na ipapatikim lang ang lasa, eh, naka video pa talaga. Inabot ko sa kanya ang hawak kong sandok na may lamang sabaw na agad niya namang kinuha at tinikman. 


After niya tuluyang malunok yung sabaw ay hindi ko na napigilan ang sarili kong matawa ng malakas after siyang mapangiwi dahil sa sobrang asim. May panginig effect pa yung katawan niya na akala mo bulateng inasinan sa kanto.


''HAHAHAHAHAHAHAHAH! ISA PA NGA RIVA! PAANO ANG ASIM KILIG?''


''WHAT THE FUCK SALAZAR!'' singhal niya. Kita kong namumula na ang mukha niya sa sobrang galit. 


''Sorry not sorry! Bleh! HAHAHA'' 


Accidentally married with a Stranger  (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon