Chapter 2

1.3K 79 14
                                    

Chapter 2

My infatuation for Florian Conrado grew stronger even after the JS Prom. Ang goal ko, sa susunod na prom pagka-4th year high school ay dapat si Florian na ang ka-date ko. Para hindi na kailangan ni Magnus na magpanggap na kuya niya.

Over the summer, ginalingan ko ang pagpapansin kay Florian. Lagi itong nasa CIC kahit bakasyon na dahil sa basketball practice. Si Magnus naman, lagi ring nasa Claveles High dahil gumagawa ng plano ang Student Council for the next school year.

"I'll be your secretary na lang, please?" I begged Magnus. Para may rason din akong makapunta palagi sa school at makita palagi ang kuya niya. Hindi puwedeng maghihintay pa 'ko ng birthday ni Magnus para magkita kami ni Florian ngayong bakasyon.

Tiningnan ako ni Magnus. "Are you sure...? Maraming tasks, Caly." Inayos niya ang salamin sa mata. "Baka mapagod ka..."

"It's fine!" I think, mawawala ang pagod ko basta't makita ko si Florian, makapag-"hi" ako, at bumati rin ito pabalik sa 'kin. "Sige na, please! Para makapanood din ako ng practices ng kuya mo!"

Napabuntong-hininga siya. "Mahahati ang atensyon mo. Bakit hindi ka na lang manood ng practice nang hindi ka kailangang maging secretary ko sa student council?"

"The security guards won't let me in kapag ganoon lang ang purpose ko, Mags. Alam mo naman gaano kahigpit ang Claveles!"

I pouted my lips and gave him my puppy eyes. "Please, please? I won't watch the practice game hangga't hindi natatapos ang mga kailangan nating gawin. Reward kong makita si Florian sa tuwing may matatapos tayong tasks sa council."

Tumitig sa 'kin nang matagal si Magnus bago siya tumango. "Alright. I'll submit your name to the council as my staff, so they can give you a gate pass..."

"Thank you very much, Magnus!" Niyakap ko siya sa leeg at dinikit ang pisngi ko sa pisngi niya. "You're such a babe!"

Sabay na naming kinuha ang report cards namin sa class adviser pagkatapos. As expected, top 1 si Magnus. Ako, nasa tamang spot lang. Top 13 out of 30 in our class.

Pero napasimangot ako nang makitang pang-top 15 naman si Aleksander. Yuck! Hindi ko matanggap na nag-aabot lang kami ng level! Nahuli pa si Alek last month na may kahalikan sa library at parang may ka-sex sa C.R.! Magkaibang babae pa ang partner niya!

Kadiri talaga ang mga high school boys madalas. Si Magnus lang ang matino, eh.

"We're just teenagers. Pero tingnan mo iyang pinsan mo, wala na sa tamang landas."

Napailing-iling si Magnus. "Kinakausap na siya nina Lolo. But I don't know why he keeps on playing around..."

"Buti ka pa at si Florian." Nginitian ko siya. "Tama lang na hindi kayo nagdididikit kay Alek."

"He's not all bad. Maloko at mas curious lang talaga si Alek when it comes to... girls and relationships? I don't know. Mana siguro kay Tito Favian, 'yung Daddy niya."

Napaismid ako. "Hindi na titino 'yang ganyan. I'm so glad you're different, Magnus. Lalo na si Florian. I know you both take life seriously! Pati sa girls and relationships sigurado!"

Kinikilig naman akong isipin na kapag naging boyfriend ko si Florian, he will always be faithful to me!

Mas napangiti ako habang naglalakad kami ni Magnus. Aasikasuhin na agad namin ang pag-register niya sa 'kin para maging staff niya sa SC.

"Loyal na loyal kayo sa iisang girl, for sure."

Napatingin sa 'kin si Magnus. "I'm sure."

Kinindatan ko siya at nag-thumbs up sa kanya. Wala na ring talo ang kung sino mang girl na magustuhan ni Magnus, ah! He's really a good, loyal, and smart guy! His girl would be lucky!

DHS #2: Drowning DeeplyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon