Chapter 13

1.7K 121 26
                                    

Chapter 13

Present time...

Ngayong nasa harap ko ulit si Florian ay mas lalo lang tumitibay ang kasiguraduhan kong, sa wakas, wala na 'kong pagtingin dito.

Na kahit ilang beses pa itong iharap ulit sa 'kin, parang normal na lang. At kahit ilang beses kong balikan ang mga pagkakataon noon na pinangarap kong si Florian sana ang kapiling ko, umaapela na ang buo kong puso, kaluluwa, at pagkatao.

It's already Magnus.

Or maybe it has been Magnus all along. And I was just too obsessed over Florian because I never got him when I'm so used getting everything.

Kapag naiinggit ako sa ibang kaklase o tao noon--dahil mayroon silang mas magandang laruan, mas high-tech na laptop, mas magandang style ng damit--ay madali lang sa 'king bumili rin lahat ng ganoon. Kapag hindi ko nakuha agad, lalo akong nanggigil na kumbinsihin sina Daddy at Mommy na pagbigyan ako.

It used to be just material things. Pero tama si Lolo Eloy sa sinabi nito sa 'kin bata pa lang ako.

Ang inggit, lulunurin ka bago mo pa malaman. Mahihirapan ka nang makaahon.

Ang inggit, selos, o ano pang mga salita at damdaming nag-uugnay rito ay sasaktan ka. Pero ang mas nakakalungkot ay dahil ikaw mismo ang nananakit sa sarili mo.

Also, it was too late for me to realize na ginawa ko na palang bagay ang isang tao.

I treated Florian like a toy that I've been wanting to have but Kiara had him first. So, I was frustrated for years... Hindi ako sanay sa ganoon. Kaya tuwing nakikita ko ulit si Florian pagkatapos ng maraming taong pag-iwas ko, bumabalik 'yung pakiramdam na hindi ko ito nakuha kaya't naiinggit ako lalo.

I used Magnus like another toy to pacify me because I didn't get what I originally wanted. Thus, I selfishly agreed with our "set-up". And between the times that we are in a relationship, I really felt genuine joy. Hindi ko agad napansin na talagang nalunod na 'ko sa pagmamahal niya.

Kaya't ang laki ko talagang gaga dahil ganoon ang naging perspective ko sa mga bagay mula pagkabata ko.

I didn't realize sooner how people shouldn't be treated like a non-living thing and you don't take care of greed and envy.

And I finally saw what true love looks like...

A few days ago, I really did. When my brother and his wife asked Magnus and I for a favor...

"Isang buong hapon lang naman. Matagal na no'ng huli kaming nakapag-date ni Gertrude," sabi ni Kuya habang naka-akbay sa asawa nito. "Hindi naman kayo mahihirapan masyado sa mga bata."

"Kuya, you have four children! Paano namin silang sabay-sabay na babantayan ni Magnus?"

Napasulyap ako kay Magnus na nakikinig lang. Kagagaling lang niya sa koprahan. Mas maagang natapos ang trabaho niya ngayon. Kami sana ang may planong umalis at mag-date. Pero umuwi rin ng maaga si Kuya mula sa trabaho at kinausap na kami agad ngayon.

"Calysta, don't overreact. You can handle the children well. Tig-dalawa kayo ni Magnus. Sa kanya si Clover at Moby kung mas convenient sa 'yong bantayan ang mas malalaking bata katulad nina Gummy at Jelly. You'll just make sure they don't do anything dangerous and will eat on time."

Napasimangot ako. Nakahanda pa naman ang beach essentials ko dahil magsi-swimming kami sa dagat ni Magnus. At magaganda raw ang alon ngayon, baka mag-surfing lessons din kami.

DHS #2: Drowning DeeplyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon