Chapter 10

1.2K 73 20
                                    

Chapter 10

Years ago...

"Arsenio Florian Yarcia Conrado the Third. Bachelor of Science in Agribusiness, Summa Cum Laude. Best Athlete of the Year. Best in Thesis Awardee. Yitro Claveles Scholarship Recipient for Graduate School."

Malakas na palakpakan at hiyawan ang nakuha ni Florian pag-akyat nito ng stage. He's really quite famous around the campus. Now, he graduates with the highest honor and more impressive awards.

Napangiti ako nang maliit at tahimik na pumalakpak. I attended today because this is the last time I'm going to see him. According to Magnus, didiretso agad ng Maynila kinabukasan si Florian para asikasuhin ang pag-e-enroll nito sa isang sikat na university, for his master's degree. Isasabay nito iyon sa trabaho. Kasama raw nito si Kiara na kukuha rin ng masteral.

Ilang taong mananatili ang mga ito sa Maynila at minsan-minsan lang daw uuwi rito sa Sta. Carmina.

I felt sad at first. Although it's for the best. Lalo na sa kanila. At sa 'kin din.

Dahil mas makakatulong sigurong mawala na talaga ang feelings ko kay Florian kung hindi ko na siya nakikita palagi. As he moves forward, I should, too.

I should stop mourning over my unrequited love. I should stop obsessing over someone that I didn't even had any romantic relationship with. I should stop acting like an ex-girlfriend that was dumped!

Hindi puwedeng stuck lang ako kay Florian. We don't get what we want most of the time. So, I got to live with that.

Nangilid ang luha sa mga mata ko bigla. Buti na lang at hindi ako kasama sa crowd. Nakatago lang kami sa likod ng audio room ng campus auditorium.

Naramdaman ko ang mga braso ni Magnus sa balikat ko. Slowly, he pulled me inside his arms. He let me hide my crying face against his chest.

Hindi naman ako masyadong umiyak. Pero ilang patak din ng luha ang bumagsak. I promise this is going to be the last time I'll tear for Florian.

Mas nasasanay na rin naman ako kay Magnus. Nag-anniversary na rin kami at kahit papaano, malaking tulong ang relasyon namin as distraction. Na-appreciate ko naman si Magnus, eh. He's like a best friend and intimate lover all-in-one. Pinaparamdam niya sa 'kin lagi na hindi man ako gusto ng iba, lagi naman niya 'kong gusto.

Nang matapos na ang graduation, umalis na rin kami ni Magnus.

"You should better go home, Mags. Kasi graduation party ng Kuya mo. You shouldn't miss it."

"Hindi naman ako masyadong hahanapin doon." Nagmamaneho na siya para ihatid ako pauwi.

"It's an important occasion to your family. Siyempre masaya kapag kumpleto kayo. I'm okay naman na. I will just stay in my room. Pupunta naman si Harana at Marvee mamaya kasi may little pajama party kami," pangungumbinsi ko pa kay Magnus. Halata kasing ayaw niya kong iwan dahil malungkot ako.

Actually, I'm invited in Florian's graduation party. Si Kiara ang nagbigay sa 'kin ng invitation. At first, I confirmed that I'll attend. But later on, I realize that I would just hurt myself. Kahit pa magkatabi kami palagi ni Magnus doon panigurado.

Last na talaga 'yung sa graduation ceremony kanina. Kailangan ko na'ng umpisahang masanay na hindi nakikita si Florian.

Napasulyap ako kay Magnus na halatang nag-iisip habang mabagal na nagmamaneho. Mas maganda kung wala na'ng kahati sa atensyon ko si Magnus. Siya ang boyfriend ko, no matter what benefits we both get in this relationship.

DHS #2: Drowning DeeplyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon