Chapter 5

1.1K 76 17
                                    

Chapter 5

Pagbalik ng klase by January, hawak-kamay kaming pumasok ni Magnus sa classroom.

Nagulat ako nang biglang umingay at nagtilian ang mga kaklase namin. Sina Nadine ay tinuturo pa ang mga kamay namin ni Magnus.

"Sabi na, eh! Kunwari pa kayong best friends!" sigaw ni Alek. "Nice one, Mags!"

Umikot ang mga mata ko. Actually, I like the attention. Ganito pala 'yung feeling na mag-show off ng isang relationship. It's fleeting. Mukhang maraming naiinggit sa 'kin or sa 'min.

"Buti, lumantad na kayo!" sabi ni Nadine. "Pero matagal naman na naming halata!"

Huh? Paanong matagal? Holiday break naman na ng hinayaan ko si Magnus na maging boyfriend ko. And it took me the whole break, para masanay akong boyfriend siya.

Umupo na kami ni Magnus sa upuan namin. Nawala rin naman ang atensyon sa 'min nang inilabas ni Magnus ang project namin na ipapasa mamaya. Biglang naalala ng mga kaklase namin na hindi pa pala sila tapos at naghahabol sila.

"Thanks for helping me with my project, b-babe..." Okay, I'm still practicing with the endearment. Hindi kasi ako sanay na ganoon ang tawag kay Magnus.

Gusto ko lang naman gayahin kung anong naririnig kong tawagan nina Florian at Kiara. Pumayag si Magnus, since he liked calling me that, too.

"You have to present this later. Do you want me to assist you?" seryosong tanong niya.

Tumango naman ako. "I'll use the projector, pa-set up na lang later. Tapos you take pictures of me for documentation. Para may plus points ako sa portfolio."

Tumango si Magnus. Actually, gawain naman palagi namin 'to tuwing may project at reporting. So far, all I can feel is mag-best friends pa rin kami. Pero may holding hands lang. O kaya minsan, we kiss if I want to...

For three straight weeks, I can say that Magnus is not bad for a boyfriend. Matagal ko na'ng alam na mabait siya at laging mapagbigay sa 'kin. Nagulat lang siguro ako na mas malambing pala siya bilanf boyfriend.

I still don't like him romantically since we both know na parang matagal pa 'kong makaka-get over kay Florian. I can't assure him, too, that I'll fall for him. But we'll just go with the flow.

I was able to present my project and got a high mark. Walang flaws ang reporting ko, thanks to Magnus' assistance.

"Good job, Miss De Haro," the teacher praised me.

"Inspired 'yan, Miss!"

"Ganyan pala kapag may love life!"

"Magnus, give Calysta a kiss!"

"Kiss! Kiss! Kiss!" pinakamalakas na kantiyaw ni Aleksander habang nakikipagtawanan sa mga kaibigan nito.

Naikot ko ang mga mata ko at bumalik sa upuan ko.

"Calm down, class! Calm down. First time niyo bang makakita ng magkasintahan dito sa classroom? Kayong mga bata kayo. Alright! For the presenters tomorrow, get ready. Calysta De Haro is now your standard in reporting!"

Napangiti ako at napatingin kay Magnus. He smiled and his eyes looks proud of me. Tumaas pa ang kamay niya at marahang hinagod ang likuran ko.

Pagkalabas ng teacher ay agad namang pumasok ang class adviser namin. Umayos kaming lahat ng upo at naglabas ng notebook.

Maraming announcements at reminders ang class adviser para sa last ten weeks namin as high school students. Medyo sumakit ang kamay ko sa pagsusulat agad. Ang dami talaga kasi at dictated lang kaya nagmamadali ako.

DHS #2: Drowning DeeplyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon