Chapter 14

1.5K 109 7
                                    

Chapter 14

Six months later...

Kanina pa 'ko nakatingin sa screen ng laptop ko, pero wala akong ma-compose na email.

Sabi ng abogado ko ay ayaw na ni Magnus dumaan sa marriage counselling. Dahil doon ay inutusan na lang muna kami ng korte na magbigay ng sulat o email sa isa't isa bago umpisahan ang pagbubukas ng kaso ng annulment.

I was allowed to write down everything that I wanted to tell Magnus. Every thoughts and feelings. But I don't really have the right words...

Puwede ko pa rin siyang kumbinsihin na huwag ituloy ang annulment, pero hindi na. I want to respect the boundary he finally put for himself.

Mula nang umalis ako ng Siargao, hindi ko na nakausap ulit si Magnus. Naghiwalay kami nang mapayapa.

Yet I cry every day. Up until now.

Napilitan na 'kong aminin lahat kina Harana at Marvee ang nangyari mula sa pinaka-umpisa. All that happened in the last ten years I recalled, so they'll understand why Magnus deserved freedom and why I choose to let go although I'm in love with him.

Hanggang sa nakarating na rin sa mga magulang ko ang tungkol sa hiwalayan namin ng asawa ko. Hindi na rin nakatiis si Kuya Cerek na hindi magsabi sa kanila.

Daddy got mad. Mommy was disappointed. But later on, they let me rest and helped me to cope up. Inuwi muna nila ako sa Sta. Carmina at doon muna pinagtrabaho kung gusto ko. Nang nalaman ng iba pa naming kamag-anak, wala naman akong narinig na kahit ano sa kanila.

Lalo na kay Lolo Eloy.

My in-laws tried to reach me before, too. I politely declined to their invitations and asked them to be with Magnus' healing instead. Wala na rin akong naging balita kina Florian at Kiara. Hindi rin naman masyadong nagsasalita si Alek kay Harana kung ano na'ng nangyayari sa mga Conrado ngayon.

Sinara ko muna ang laptop ko. Lumabas ako ng beach house at pumunta sa dalampasigan.

Nasa Baler, Aurora kami. Nagbabakasyon si Lolo ngayon para makapag-relax muna malayo sa trabaho. Kasama rin sina Mommy at Daddy. Sinama rin nila ako dahil ako raw ang mahilig mag-beach.

Pagkatapos ng bakasyon na ito ay babalik na rin ako sa Manila para i-assume ulit ang posisyon ko bilang CTO ng kompanya. Malapit na rin ang kasal ni Harana kaya tutulong pa 'ko sa mga kailangan pang ihanda.

Umupo ako sa buhangin at tumitig nang matagal sa malayo. I can both view the clear skies and blue sea...

"Calysta, apo?"

Napalingon ako at nakita si Lolo na naka-khaki shorts at floral button polo. "Lolo Eloy..."

Ngumiti siya at tumabi sa 'kin sa buhanginan. "Tulog lang ako nang tulog sa loob. Mas mahangin pala dito at maganda ang tanawin, ano?"

Ngumiti ako. "Yes, Lolo. I love the view here!"

"What do you like watching better? The sky or the sea?"

Napakurap ako. Ngumiti sa 'kin si Lolo na hinihintay ang sagot ko.

Oo nga, ano? Hindi ko kahit kailan naisip iyon.

"Hindi ka rin makapili, apo? Maging ako man!" Tumingala si Lolo. "Masarap abutin ang langit. Siguradong marami-rami tayong umaasam na mahawakan ang mga ulap, makalipad..."

Tumingala ako. "I think so, too, Lolo. May eroplano naman na at iba't ibang sky activities."

Tumango-tango siya. "Pero hindi lahat nakakasakay ng eroplano o kayang makapagbayad para sa sky activities. Kaya kaunti pa lang talaga ang nakaka-abot ng himpapawid."

DHS #2: Drowning DeeplyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon