Chapter 12

1.3K 94 20
                                    

Chapter 12

Two years swiftly came by after our college graduation. I took Harana's speech seriously. Lalo na sa career.

         Una kasi, parang hindi ko gustong pinagsisimula ako nina Daddy at Lolo sa lower position ng negosyo namin. I was placed lower than what I was expecting. At dumaan din ako sa thorough interview like all regular employees. Nainis ako pero nakukuha ko naman ang intention nila.

         I stayed in Sta. Carmina to work at the farm's admin. I did my best whatever tasks I was given. Kahit minsang pinagtanim ako ni Daddy ng mais at kamoteng kahoy, apat na beses sa isang buwan noon.

         Assistant product consultant naman na 'ko ngayon. I got promoted because I just earned my master's degree. Kahit hirap akong i-juggle ang graduate school at work, natapos ko pa rin.

         Siyempre kasama ko si Magnus kumuha ng master's dito sa Sta. Carmina. Dapat sa Manila siya, pero nanatili siya ng Sta. Carmina at nagtrabaho rin sa animal farm nila para magkasama pa rin kami.

         I greatly appreciate that Magnus stayed with me. Harana had to go to Manila after she graduated. Para doon na magtrabaho at manganak. At para makaiwas sa mga intrigera dito sa Sta. Carmina. Alek stayed here but religiously visits Harana and their child together.

         Nahihirapan kaming lahat sa set-up nila, pero kasama raw iyon sa consequences nila. Both Harana and Alek are working hard now for their baby girl, Aleksandra (or we call the baby, "Pichi". Aliw na aliw si Lolo Eloy sa bago nitong apo kaya laging nasa Manila ngayon.) Si Marvee rin nag-transfer ng pag-aaral sa Manilanoong graduating na kami hanggang sa doon na ito diretsong nagtrabaho.

         So, I truly admire Magnus for staying. Kahit mas magandang mag-masters sa Manila, he chose me. Ito na naman ako sa pakiramdam kong nahuhulog na talaga ang damdamin ko sa kanya. Because I think, its true na talaga this time! Hindi ako puwedeng magkamali.

         I didn't force anything like Harana advised in her valedictory speech.

         Hindi ko na masyado naiisip si Florian—na talagang hindi ko na nakikita dahil kahit holidays ay hindi na ito umuuwi sa Sta. Carmina. Kapag pumupunta naman ako ng Manila, babad din ako sa training at lagi kong kasama si Harana at Marvee.

         Hindi na rin ako kinakabahan kung makikita ko si Florian anytime soon. Kahit magbanggit si Magnus ng tungkol sa kapatid niya, wala na lang din akong interes. Hence, I believe I'm really over Florian!

         Napapitlag ako dahil biglang kumulog nang malakas.

         Napasimangot ako at lumapit sa bintana. Kanina pa humahagupit ang bagyo. Malakas ang hangin at masyadong marahas ang bagsak ng ulan. Hindi ko naman alam na ganito na kalakas ang signal number 1 ngayon sa probinsya namin!

         Hindi na pinapasok dito sa headquarters ng farm ang mga empleyado. Pero pumunta pa rin ako kaninang umaga para tapusin ang mga reports. Ang nasa isip ko kasi, nasa loob lang naman 'to ng lupain namin. Like, I can just walk my way home unlike the other employees that needs to commute.

         Pero lumubog na sa baha ang first floor at na-stranded ako sa second floor. Partly, this is my fault. I underestimated the storm. Nasanay akong parang wala lang ang signal number one na bagyo dati, eh. Pero iba na pala ang panahon ngayon.

         I already called Daddy and Mommy for help, pero hindi rin sila makapagpadala ng susundo sa 'kin dahil lahat ng service truck ay nagsasalba ng mga pananim.  Hindi naman puwedeng lumusong sa baha ang ibang sasakyan. Hindi rin daw sila makalabas ng bahay dahil sa taas ng baha na hanggang dibdib na. Maghintay na lang daw muna akong humupa.

DHS #2: Drowning DeeplyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon