Chapter 9

1.3K 86 17
                                    

Chapter 9

Pagkagising ko kinabukasan, alas-otso na. Wala na si Magnus at maliwanag na maliwanag na sa labas. Nakaramdam ako ng gutom. Pero wala namang pagkain sa loob ng kubo. Wala ring ref. So, I have to go to my brother's house para makikain...

Nagsuot ako ng bra at pati ang boxer shorts ni Magnus para makalabas ako. Nakahiram naman ako ng tsinelas kaya iyon ang ginamit ko.

Nasa dulo ng koprahan 'tong kubo. Kaya kailangan ko talagang daanan ang mahabang lane ng coconut trees para makapunta sa bahay ng kapatid ko at ng pamilya nito.

I started to hear people breaking some coconut. Siguro nasa sampung lalaki na ang nakasalubong ko. Napapatingin sila sa 'kin. May ibang binabati ako at binabati ko pabalik. May ilang malisyoso ang tingin sa 'kin, kaya't iniirapan ko.

Nasa kalagitnaan na 'ko nang makita ko si Magnus. He's wearing a jogging pants again and long-sleeves tee. May inuutos siya sa dalawang matandang lalaki.

Napangiti ako at sinugod siya ng yakap mula sa likod. "Good morning, babe!"

I felt him stiffened a bit. Ngunit nang nakabawi ay lumayo at humarap sa 'kin. Nakita ko ang pagsasalubong agad ng mga kilay niya.

"What the hell are you wearing?"

"Hmm?" Napayuko ako sa suot ko. "Your shirt and boxer shorts. Pupunta ako kina Kuya. I'll ask for breakfast because we have no stocks pa pala in our little place."

"Bakit ka lumalabas ng nakaganyan lang? I let you wear that as a sleep wear. Not something you'll parade in broad daylight!" Magnus snapped. "Puro lalaki ang trabahador ko rito. Nag-iisip ka ba, Calysta?"

Nawala ang ngiti ko dahil sa unang bungad niyang sermon at galit. Wala namang revealing sa suot ko aside from my flawless legs! Alam kong makikita ako ng mga tao kaya nga nagsuot ako ng bra at shorts.

Napalabi ako. "I look decent, Magnus. At kung may mambabastos man sa 'kin, alam mo namang kaya kong lumaban. I can even destroy their lives." Nilakasan ko ang boses ko nang mapansing may mga lalaking nagta-trabaho ang nakatingin sa 'min. It's also a warning.

Matalim pa rin ang tingin sa 'kin ng asawa ko. Hindi na siya sumagot pero hinawakan niya 'ko sa braso at hinila ako hanggang makarating sa tapat ng bahay nina Kuya.

Naabutan ko ang dalawa kong pamangkin na naglalaro sa labas. Gummy and Jelly stopped from playing and looked at us.

"Ayoko na ganyan ang suot mo pagbalik mo mamaya," seryosong bilin ni Magnus. Hindi na nawala ang pagsasalubong ng dalawang kilay.

"Good morning, Tito and Tita!"

Binitiwan ako ni Magnus at pagharap niya sa mga bata, nakangiti na siya agad.

"Do you have food inside?" malambing niyang tanong sa dalawang bata. "Your Tita Caly's hungry."

"Yes, Tito! Maraming na-cook si Mommy!"

Hinawakan ako ni Jelly sa kamay. "Tita Caly, we have many food. Let's go inside."

Sumama na lang ako sa pamangkin ko. Pero bago ako tuluyang makapasok sa bahay ay nilingon ko si Magnus.

Nang magsalubong ang mga mata namin ay nag-flying kiss ako sa kanya at ngumiti. Bigla na lang siyang tumalikod pagkatapos magpaalam kay Gummy.

"Good morning, Caly. Kanina ka pa namin hinihintay. Nagluto ako ng pancakes, bacon, ham..." sabi ni Ate pagkakita sa 'kin.

DHS #2: Drowning DeeplyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon