Substitute Bride ♡ Part 1

181 2 0
                                    

Matagal na sina Aubrey Hidalgo at Gabriel Hillton na engage.Dahil na rin sa pamilya nila.Nong engagement nila 3 yrs ago di nagpapakita si Gabriel.Ang alam ng lahat disfigured ang mukha nito.Dahil sa isang plain accident daw.Si Gabriel ang bunsong anak ni Senyor Hillton.At anak daw sa labas kaya bastardo ang tawag nito ng pamilya nito dito.Kaya naging ruthless man si Gabriel.Siya man ang bunso takot ang mga kapatid nito dito.Dahil nga brutal na nilalang ito.Sa kwento ng mga tao natakot naman si Aubrey.At isa pa may affairs sila Gilbert Montes.Ang pamangkin ni Gabriel mismo.Inagaw lang niya ito kay Vanna.Dahilan na rin nagpakalayo layo na ito.Ngayon ikakasal na si Aubrey kay Gabriel.Kelangan niya ang tulong ng kapatid.
"Mommy kumbisihin mo si Daddy na si Vanna na lang ang ipakasal kay Gabriel.Please Mommy ayoko makasal sa disfigured na nilalang.At parang prison ang bahay niya.Nasa gitna pa ng kagubatan.Please Mommy kausapin mo si Daddy."dalawang araw na lang ikakasal na si Aubrey sa notorious na anak ni Senyor Hillton.
"Kung sabagay mas bagay si Vanna sa lalaking iyon anak.Sige gagawa ako ng paraan."bumaba na sina Angelina at ang anak niyang si Aubrey sa dining kung saan nandun na si Carlos at Vanna tahimik na kumakain.Umuwi si Vanna para umattend kahit papaano sa kasal ng half sister niya.
"C-carlos may pakiusap sana ako sayo."napapalunok si Angelina takot din siya sa asawa niya.Secretary lang siya nito at naging kabit.Nang mabalo si Carlos Hidalgo.Naging second wife na siya nito dahil na rin may anak silang dalawa si Aubrey.Pero di na siya pinakasalan ni Carlos.Bagaman feeling niya talaga siya na si Mrs.Hidalgo.
"Ano na naman kalokohan ng anak mo Angelina.?Or gusto mo na naman ba ng pera.?"kumunot ang noo na tanong ni Carlos.Maluho ang mag ina na ito at walang ginawa kundi magwaldas ng pera.Yong asawa niyang namayapa may malaking hospital na pinamana kay Vanna.Pero itong si Angelina hikahos pa kesa sa daga.
"D-daddy gusto ko wag nang ituloy ang kasal namin ni Gabriel.Please Dad di ko siya mahal.At isa pa nakakatakot siya kamo.Ni minsan di din niya ako pinahalagahan.Kaya sana si Vanna na lang ang papalit sa akin bilang asawa ni Gabriel Hillton."di na makapahintay si Aubrey sa Ina niya.
"Aubrey are you sure.?Balita ko favorite ni Senyor Hillton ang fiancee mo.?Mas pipiliin mo ba ang scumbag na si Gilbert Montes.?"sarkastikong tanong ni Vanna sa half sister niya.3 yrs ang tanda niya dito pero parang matanda na ito tingnan kesa sa kanya.Siguro dahil sa laging naglalagay ito ng makapal na make up.Isa siyang Dermatologist at surgeon.Kaya di niya maunawaan kung bakit di na lang nagpaplastik surgery si Gabriel Hillton kung disfigured nga ang mukha nito.?Curious talaga siya sa fiancee ni Aubrey.Masyadong mahiwaga kumbaga.
"What are you crazy Aubrey.?Bukas makalawa na ang kasal ninyo ni Gabriel.!"tumaas ang timbre ng boses ni Carlos.
"Daddy ke aga mahighblood ka relax.Kung ayaw ni Aubrey papayag na akong maging substitute.But then may condition ako.Dapat ipasa mo sa akin mismo ang titulo ng mansion na ito."demand naman ni Vanna total wala naman siya bf ngayon.Yong si Gilbert matagal na niya itong kinalimutan.5 yrs na ang nakakaraan ng hiwalayan niya ito.At gusto din niyang ipakita dito na wala na itong saysay sa kanya.Pinagkakalat kasi ni Gilbert na until now mahal pa niya ito.Ito na ang opportunity niya na magrevenge pati sa mother at sister ni Gilbert.Na bff daw ni Aubrey pareho ang ugali ng mga ito.
"T-talaga Vanna thank you so much.!"masayang niyakap ni Aubrey ang kapatid.Dahil ayaw niyang maging imperno ang buhay niya.
"Hey ginagawa ko ito for my own benefits ok.!"tinulak agad ni Vanna ang kapatid.Ni minsan di niya kinikilala itong kapatid.Ganun din naman ito at nagawa pa nitong agawin si Gilbert sa kanya noon.
"Walang problema si Senyor Hillston naman.Actually si Vanna ang gusto niyang maging fiancee ni Gabriel.But din pursigido si Vanna na mag aral sa US.Kaya sabi ko na lamang si Aubrey ang ipaengage sa kanya.Since sinalba tayo ni Vanna sa kahihiyan.Deserve din niya ang mansion na ito."walang problema iyon kay Carlos.Since panganay na anak niya si Vanna or Vanessa Ann Hidalgo.
"N-no I mean saan kami titira ni Aubrey ha Carlos.?"di maderetso ni Angelina ang asawa niya na wag ibigay kay Vanna ang mansion mismo.
"Will Tita Angelina di ko naman kayo pinapaalis mag Ina.Will deal or no deal basta yon ang Condition ko."taas kilay ni Vanna kahit patay na ang Mommy Vangie niya.Ito pa rin ang asawa ng Daddy niya.Dahil nga di naman kasal sina Carlos at Angeline.
"Angelina may karapatan ka bang kumontra.?Kesa ipahiya tayo ng spoiled mong anak.No big deal na ibigay ko ang titulo kay Vanna."Desisyon na ni Carlos.
"Mommy ibooked mo na lang ako ng ticket.Pupunta ako sa France para doon muna mag stay."may bussiness trip kasi si Gilbert doon.Dahil sa kasal nila ni Gabriel nawalan sila tuloy ng komunikasyon.Since pumayag na ang kapatid niya.Malaya na siya sa disfigured na si Gabriel Hillton.
No choice naman si Angelina.Naiinis siya dahil until now hindi pa siya Mrs.Hidalgo.Alibi ni Carlos no need na yong legalities daw.Pero disadvantage iyon kay Angelina.Dahil di niya mahahabol kahit ang mansion na tinirhan nila sa loob ng 24 yrs.
Samantalang minomonitor ng mga tauhan ang buhay ng fiancee niyang si Aubrey Hidalgo.Alam niyang may secret affairs ito kay Gilbert Montes.Pamangkin niya ito anak ng panganay na kapatid niya.Apat silang magkakapatid pero only boy lang siya.Kaya syempre siya ang favorite ng parents niya.3 yrs ago namatay ang Mama nila.Kaya pinagbigyan niya ang huling hiling nito na mag asawa na.Ang gusto niyang maging asawa si Vanna dahil sobrang matured ito kumpara kay Aubrey.Pero pinili nitong mag aral sa US.Will may sariling cosmetic factory na ito.At isa din itong surgeon kaya wala sa kalingkingan sana si Aubrey kay Vanna.Pero sabi ng tatlong mga bruha niyang ate na si Crisilda,Antonia at Hilda.Mas bagay sa kanya si Aubrey para daw maging sunod sunuran niya.Para sa kanya walang saysay ang kasal na ito.Plano niyang di din harapin sa altar mismo si Aubrey.Dahil sa tatlong taon na fiancee niya ito.Wala itong pakialam sa kanya.At nakuha pa nitong magloko mismo.Ang matindi pa pamangkin pa niya na anak ni Crisilda ang secret bf daw nito.
"Boss ayon sa source natin sa loob ng mansion ng mga Hidalgo.Umuwi daw si Maam Vanna po.At ito po may video clip siyang secreting nakuha daw."dali daling pinakita ni Jimmy ang celpon niya sa amo niya.PA siya nito at right hand na rin.Lahat ng tungkol kay Gabriel Hillton alam niya.
"So pumayag si Vanna maging substitute.Jimmy pupunta ako sa wedding reception.Ihanda mo ang damit ko para sa wedding."biglang utos ni Gabriel naging excited bigla siya sa kasal niya.Wala siyang pakialam kung ano motive ni Vanna para pumayag na magiging substitute bride.Basta ang alam ni Gabriel nasa tamang landas na siya ngayon.
"S-sige po."napakamot na lamang si Jimmy sa batok.Biglaan talagang magdesisyon si Gabriel Hillton.Yong bang tulad ng isang kidlat na lamang.
Araw ng kasal buti na lang may kaibigan si Vanna na fashion designer.Ayaw kasi niyang isuot ang wedding gown ni Aubrey.Sobra kasing exaggerated ito sa design.Kay haba pa ng buntot nito mahirap maglakad sa aisle.Open garden wedding daw ito.Di niya alam kung ano ang ginawang preparation ng kanyang step mother.Basta ang mahalaga sa kanya maangkin na niya ang mansion.Maraming alaala ng kabataan niya ang mansion na iyon.Kaya para sa kanya pag aari nila mag ina ito.Ayaw niyang mapunta kay Angelina Roxas mismo ito.
"Buti na lang di random guy ang maging mister or ama sa baby na gusto mo girl.You know what bussiness tycoon si Gabriel Hillston despite sa disfigured ng mukha niya daw."chismosang ani ni Amy sa bff niyang isang Doctora.Gusto nitong mag anak atleast dalawa daw.Kahit sino daw na lalake ang ama ng baby nito.
"I dont care siguro naman ok pa ang itsura niya before accident right.?"kibit balikat ni Vanna Rama gusto niyang magkaanak kahit walang asawa.Para sa kanya anak lang sapat na.Kaya pumayag agad siya dahil di tatawagin na illegitimate ang mga babies niya.Dahil kahit arrange marriage at substitute pa siya sa kasal ni Aubrey.Legal na may ama ang future babies niya.

Substitute BrideWhere stories live. Discover now