Substitute Bride ♧ Part 25

43 1 0
                                    

Sobrang galit na si Crisilda kay Vanesa Ann.At sinulsulan pa ito ni Heidi na magrevenge sa asawa ni Gabriel.Dahil nga di nila maresbakan mismo ang kapatid.Nagplano silang sindakin lamang si Vanna.Ipakidnap nila ito at iparape daw sa mga kidnappers.Malaking pera ang nilabas nila para masagawa ang plano na iyon.Samantalang araw araw tatlo lang lage sila ni Vanna at Amy ang magkakasama.Kasama ang secret bodyguard nilang kunwari driver nila.Alam naman nila Vanna kung paano protektahan ang sarili nila.Kaya no need ng madaming bantay sila.Nang pauwi na sila sa may garage may nakaabang na sa kanilang isang van.At mabilisan lumabas ang apat na lalake na nakabonet pa ang mga mukha.Sinabi ni Vanna palihim na kunwari magpakidnap sila.Dahil gusto niyang Alamin kung sino ang nag utos sa mga ito mismo.
"Maam itext ko ba sila Bossing na ok lang tayo.?Tiyak mag aalala asawa ninyo kung di ka makauwi po ngayon."tanong naman nong bodyguard nila na palihim dinukot ang cp nito sa bulsa.
"Yes tapos lagyan mo ng silly Emoji.Sobrang paranoid pa naman iyon sa totoo lang."nakangiti si Vanna imagine niya magiging reaksyon nina Gabriel at Jino kung malaman ng mga ito nakidnap sila ni Amy ngayon.
"Malamang atakehin si Jino ng heart attack."hagikgik naman ni Amy dahil paranoid din ang asawa din niya.
"Di ko alam kung makakarelax lang ba sila kahit itext ko sila."namoblema tuloy ang bodyguard nila Vanna.Tiyak siya malalagot sa trip ng asawa ng bossing nila.
"Ako bahala sayo boss mo nga si Gabriel but I'm her boss.!"proud na ani pa ni Vanna.
"Bahala na nga si batman."gustong mapakamot na lamang sa ulo ang bodyguard nila dahil kakaiba ang trip nila Vanna at Amy mismo.
Tulad ng inaasahan nila paranoid nga ang dalawang lalake.Natrack din nila ang location ng van na papunta yata sa Tagaytay or Bagguio.?
"Damn it bakit ba sinunod ni Lando ang utos ni Vanna.?"frustrated na napamura si Gabriel.Sila lang ni Jino ang rerescue sa mga asawa nila.
"You are the boss but your wife is your boss naman diba bossing.Alam ko namoblema din si Lando ngayon.Hay naku bored yata silang dalawa sa life.Ano kaya magkaroon tayo ng double honeymoon bossing.Baka gusto lang nina Amy pansinin natin sila."naisip ni Jino na kulang sila yata ng time sa mga asawa nila.
"Tama baka nga ganun gusto nila.Magbooked ka ng ticket pa Hawaii magbakasyon tayo doon apat ng isang Linggo."ayaw din naman ni Gabriel ma bored ang asawa niya sa pagsasama nila.Dapat araw araw silang magiging sensitive sa nararamdaman ng mga asawa nila.Takot silang palitan ng mga ito if ever magsawa na ang mga ito sa kanilang dalawa.
Samantalang nagcelebrate naman ang magkapatid na Crisilda at Heidi.Dahil akala nila success na ang kanilang masamang balak kay Vanna.Subalit di nila inisip muna magiging outcome sa ginawa nila.Nang makarating na ang van sa isang liblib na gusali.Nagsimula ng umaksyon sina Vanna.Tinali nila ang apat na kidnappers at tinanggal ang mga bonet nito.
"Sinong nag utos sa inyo para kidnappin kami.?"galit na tanong ni Vanna sa mga ito.
"S-Si Crisilda Hillston maawa po kayo sa amin may pamilya po kaming binubuhay."nagsalita agad yong isang kidnappers na takot makulong.
"Gagu di mo ba alam na di din Ligtas ang pamilya natin ngayon umamin ka agad.?"singhal nong isa sa masyadong duwag nilang kasama.
"Syempre takot akong makulong."pagtatanggol naman nong isa sa sarili niya.
"Dont worry I'm assure na maging ok ang pamilya ninyo.As long as tumestigo kayo sa korte."binigyan ng assurance ni Vanna ang mga kidnappers na kawawa din naman.Naniniwala siyang pwede bang bigyan ng second chance ang mga ito.
"P-payag po kami."halos panabay na saad ng apat na kidnappers.
Dumating naman mayamaya sina Jino at Gabriel.Tiningnan agad nila ang mga asawa nila kung di ba nasaktan ng mga gagong kidnappers.
"P-pasensya ka na bossing sinunod ko lang sinabi ni Madam."napakamot sa batok na nagsorry agad si Lando.
"Yes we know trip lang nila ito.I know they can protect themselves naman."di galit si Gabriel ngayon ok na ang asawa niya.
"Gusto ko lang malaman kung sino ang nag utos sa kanya.Talagang hate ako ni Crisilda Hillston.Sabi nila siya daw ang nagbayad sa kanila para kidnappin ako."seryosong ani ni Vanna di na kasi nakakatuwa ang ginagawa ni Crisilda Hillston sa kanya.What if pati mga anak nila ni Gabriel idadamay nito.
"Damn it talagang di titigil si ate Crisilda.Di ko alam kung bakit niya ba ito ginagawa sa atin?Gayong nilalayo na kita sa kanila."frustrated na sambit ni Gabriel kahit papaano kapatid niya si Crisilda.
"As I said may kapatid talagang naiinggit sa pag angat ng isa.Buti na lang di si Aubrey iyon masipa ko na talaga siya sa puday makikita niya.!"di nagtataka si Vanna na gagawin ito ni Crisilda lalo na sa kanya.Dahil noon pa man ayaw na siya nito.
"Di ko papalampasin ito paano kung mas worst pa gagawin niya sa susunod.?Bibigyan ko siya ng leksyon ngayon."galit na deklara ni Gabriel ok lang sa kanya na ayaw siya ng kapatid niya.Pero ibang usapan na itong sasaktan nito ang mahal niyang asawa.
"Yon na nga kinatatakot ko paano kung ang mga bata kinidnap.?Siguro di ako kakalma ngayon."agree si Vanna sa mister niya.Krimen ang ginawa ni Crisilda Hillston ngayon.Dapat idadaan nila sa legal action na ito.
Ayaw na talagang dalhin ni Gabriel sa mansion ang mag ina niya.Ilalayo niya ang mga ito sa kapahamakan hanggang maari.Ang mag ina niya ang buhay niya.Poprotektahan niya ang mga ito kahit kapalit ang sariling buhay niya.After 2 days may biglang mga pulis pumunta sa bahay nina Crisilda Hillston.
"Mommy bakit may mga pulis.?Ayoko sana papasukin pero may warrant of arrest na daw sila laban sayo."takot na takot si Hillary patakbo sa kabahayan.
"Baka nagkakamali lang sila."kinabahan man si Crisilda pero di niya ito dapat ipakita.
"Teka tatawagan ko si kuya Gilbert."natarantang ani ni Hillary.
Nasa sala na ang mga pulis.Kinausap din ito ni Aubrey na nakatira na doon.
"Baka nagkakamali lang kayo.Kilala ko si Vanna gumagawa lang siya ng kwento Sir.Half sister ko si Vanesa Ann Hidalgo."pagtatanggol sana ni Aubrey sa byenan niya.
"Sa presento na dapat kayo magpaliwanag.Basta may warrant of arrest ka na Crisilda Hillston."pinosasan bigla ng isang pulis si Crisilda.
"N-no wala akong ginawang masama.!"doon na tinablan na ng takot si Crisilda.
"May witness nagsalita ang kumidnap kay Mrs.Vanesa Ann Hillston.Lahat sila idiniin ang pangalan mo.Kaya sumama ka ng maayos sa presento."madiin na ani ng pulis.
"Hillary tawagan mo ang Tita Heidi mo.Humanap agad kayo ng abogado ayoko matulog sa kulungan."hiyaw na utos ni Crisilda sa anak.Di lang naman siya ang nagplano noon pati ang kapatid niyang si Heidi.Pulpol ang mga kidnappers binayaran nila.Dahil kumanta agad ito at pangalan lang niya nadidiin sa krimen na ginawa nila ni Heidi mismo.
Nang malaman ni Don Hillston ang nangyare kay Vanna.Sumakit na naman ang batok niya.Pumunta agad sila sa presento para malaman kung ano ba talaga nangyayari.Wala man lang siyang kaalam alam na nanganib na pala ang buhay ng manugang niya.Dahil sa kagagawan ng panganay na anak niya na naman.Sa presento nakikipagtalakan pa si Crisilda sa mga pulis.
"Wala akong kinalaman sa binintang nila sa akin.Di ko kilala ang mga kidnappers din.!"deny talaga ni Crisilda ayaw niyang umamin.
"Sir natrace namin ang transaction sa banko.Si Heidi Hillston ang nagtransfer ng malaking pera sa mga kidnappers.Inlove malamang si Heidi Hillston din sa kaso na ito.!"ani ng isang pulis na may hawak ng mga ebedensya.
"A-ate sabihin mo sa lahat na idea mo lang ito.Wala akong kinalaman dyan."nataranta na kasi si Heidi kaya nadulas ang dila niya.
"Heidi are you insane bakit sinabi mo iyon.?"gilalas na pinigilan ni Crisilda na wag magsalita ang kapatid.
"Sir ikulong mo na silang dalawa para magtanda.Wala akong kukunin na abogado para sa inyong dalawa.Sinasaktan ninyo ang asawa ng kapatid ninyo.Kaya dapat pagdusahan ninyo ang ginawa ninyong krimen.!"maawtoridad na deklara ni Don Hillston di na talaga Maputol ang Sungay at buntot ng dalawang anak niya.Kelangan magtanda ang mga ito para marealize ng mga ito kahit papaano ang mali nila.Di niya kokonsentihin ang mga bagay na tulad nito mismo.

Substitute BrideWhere stories live. Discover now