Substitute Bride ♧ Part 22

79 2 0
                                    

Tuloy ang buhay nina Vanna at Gabriel.Kahit magulo ang utak ng kapwa pamilya nila.Naging Papa's boy ang kambal nila.Kaya humiling si Vanna ng baby girl kay Gabriel.
"Sweetheart paano ba gumawa ng baby girl.?At wala pang 1 year pa ang kambal natin.?"napakamot sa batok si Gabriel gusto niyang lahat ng hiling ng misis niya pagbigyan niya.
"I'm just lonely dahil Papa's boy ang babies natin.Lage na lang sayo sumasama.Pakiramdam ko nga baby maker lang nila ako."may depression pa si Vanna dahil sa bago pa lang ito nanganak.
"Kay cute naman ng misis ko.What if maging Daddy mo din ako hmmmpp.?Come here don't be jealous ok my queen."puno ng pagmamahal na kinandong ni Gabriel ang mahal na asawa.Siguro Vanna is experiencing right now postpartum na sinasabi ng OB.Lahat daw ng bagong panganak makakaranas ng depression.
Lalong minahal ni Vanna ang asawa niya.Sobrang dedicated ito sa kanilang mag ina.Sila ang lage priority na ngayon ni Gabriel.Kaya vice versa gusto din niyang maging filial asawa ni Gabriel Hillston.Ngunit kung gaano ka ok ang pagsasama nila ni Gabriel.Taliwas ang pagsasama nina Aubrey at Gilbert.Isang araw umuwi ng may Pasa sa mukha at braso si Aubrey.
"Carlos Ayan di ka ba mangingialam kina Aubrey at Gilbert.?Sinaktan na iyang anak mo.Balewala pa ba sayo iyon ha Carlos.?"nagtatalak na naman si Angela.Gusto niyang sindakin ng mister niya ang pamilya ni Gilbert Mortes.Lalo na ang mayabang na byenan ni Aubrey na si Crisilda Hillston.
"Angela ano pa ba ang hinihintay mo.Papirmahin mo na si Aubrey ng annulledment.Para manahimik na kayong mag ina."iritableng saad ni Carlos busy siyang tao dahil nag invest ang kapatid niya sa company nila.Maghahanap na lang siya ng qualified na magiging kapalit niya bilang CEO balang araw.Dahil may sariling bussiness at pinagkakaabalahan din ang panganay niyang anak.Si Aubrey naman puro problema na alang ang gustong mangyari sa buhay nito.Tulad ngayon di niya maunawaan kung anong gustong mangyari na naman ni Angela.
"Carlos you are so ridiculous.Agrabyado na ang anak mo tapos palalayain mo na lang si Gilbert ng ganun na lang.?Yong ibang ama sinusugod nga ang manugang nila.Matanong nga kita kung si Vanesa ba sinasaktan ni Gabriel Hillston.Mananahimik ka lang ba.?"sinisingit na naman ni Angela ang pagiging favoritism ni Carlos sa panganay nitong anak.
"Angela are you crazy.?Gusto ni Carlos na matapos agad ang problema ninyo dahil kay Gilbert.Kaya din pala ang gusto humawak sa leeg ng isang tao.Anong gusto mong gawin ni Carlos.?Ang sindakin iyong Gilbert Mortes na iyon.?"kumunot ang noong sumabad si Carlitos tulad ng inaasahan niya sobrang ingay itong mag ina na ito araw araw.
"Exactly dahil kay yabang nong Crisilda Hillston na iyon talaga.Dahil nga nanahimik lang si Carlos.Gusto kong ipakita niya na di nila basta basta mabully si Aubrey dahil anak siya ni Carlos Hidalgo.!"taas noong ani ni Angela.
"Angela ano kaya kung iprocess na natin ang annulledment.Gusto mo talaga akong hilahin sa kahihiyan.?Sinabi ko naman na di ko gustong maging manugang si Gilbert Mortes.Pero tumakas ang anak mo at sumunod sa lalake sa Italy.Pag uwi niya may anak na sa tiyan niya.Tinanggap ko iyon dahil boba ang anak mo tulad mo.Tapos ngayon gusto mong kunsintihin ko ang anak mo lage.?She deserve it dahil kagustuhan niyang makasama si Gilbert.Wag mong hintayin na maubos talaga ang pasensya ko sayo Angela.Tumahimik ka na baka ikaw ang mabugbog ko ngayon.!"banta na talaga ni Carlos sa asawa niyang di mapigil ang bunganga na talaga.
"G-gusto ko lang naman bigyan ninyo ng atensyon ang anak natin.Wag lage si Vanesa ang alalahanin ninyo.Dahil si Aubrey ang kelangan ng gabay ng isang ama."biglang iyak ni Angela at nagdrama sa harapan ng magkapatid na Hidalgo.
"Di ko lubos maisip Carlos kung bakit nakatagal sa asawa mong baliw yata.?"iritableng nagwalk out na lamang si Carlitos.
"Inisip ko din iyon Angela kung bakit nakatagal ako sa kabaliwan mo.Ikaw ang nagtulak sa anak mo na pikutin si Gilbert.Kaya ikaw din ang bahala kung paano matulungan ulit si Aubrey.Kung ayaw mong palayasin na kita.Wag mo na akong guluhin pa sa walang kwentang mga bagay."ani naman ni Carlos at iniwan niya si Angela sa may sala.
Impit na iyak ni Angela maririnig sa kabahayan.Dekada na ang pagsasama nila ni Carlos Hidalgo.Di pa rin niya mapapatayan ang unang asawa nito.Na Ina mismo ni Vanesa Ann.Pakiramdam niya display lang siya sa buhay ni Carlos Hidalgo mula noon until now.Samantalang chaos din sa mansion ng mga Hillston.Nagbabangayan sina Heidi at Hilda.Dahil sa iisang lalake na si Carlitos Hidalgo.
"Back off Hilda alam mo naman ako ang first love ni Carlitos diba.?"Feeling dyosa naman si Heidi ayaw niyang malamangan siya ng nakakababatang kapatid.
"Feelingera mo naman matandang gurang ka.Dekada ng hiwalay kayo ni Carlitos.Diba iniwan mo siya at nagpakasal sa ibang lalake.Di ka na nahiya sa mga step daughter mo ate Heidi."matapang namang sagot ni Hilda sa kapatid.
"I'm sure pag nakita niya ako ulit.Ibabasura ka niya agad Hilda.Alam kong dati ka pang naiinggit dahil sa relasyon namin noon ni Carlitos."binabalikan ni Heidi ang kahapon nilang lahat.
"Noon iyon pero ako na ang aasawahin niya ngayon.I think you are the one to back off.!"ganti naman ni Hilda sa kapatid.
"Heidi kay tagal mong nawala.Tapos manggugulo ka sa relasyon ng kapatid mo.?Magkasing ugali talaga kayo ni Crisilda.!Pareho kayong sakit sa ulo until now."pumagitna na si Don Hillston dahil nakakahiya.Matanda na ang mga ito tapos nag aaway pa ito sa iisang lalake.
"Tama pala ang sinasabi ni ate Crisilda.Na ang latest favorite mo ngayon si Hilda Papa.Matapos daw mag asawa si Gabriel.No wonder na matapang na iyang babae na iyan.!"galit na duro ni Heidi kay Hilda.
"You are not reasonable.Binabalikan mo ang kahapon Heidi na di dapat.Bias lang ako kung sino ang tama.Mahiya ka naman Heidi sa mga Hidalgo.!"saway na ni Don Hillston sa isa pang anak niya na maldita.
"Ah basta wag kang iiyak Hilda pag ikansel bigla ni Carlitos ang kasal ninyo."over confident naman si Heidi.
"Duh baka ikaw lang mapahiya ate Heidi."ismid naman ni Hilda dito.
Mayamaya pa dumating na ang pamilya Hidalgo.Mamanhikan daw si Carlitos at as usual marami itong dala para sa pamamangkin daw nito.
"Ate Vanesa si Tita Heidi inaaway si Mommy.Baka ikansel ni Tito Carlitos ang nalalapit nilang kasal.Baka masaktan lang ang Mommy ko pag ginawa niya iyon."umiiyak na salubong ni Antonette sa bagong dating.
"Hindi ganun ang Tito ko Antonette don't worry."pang aalo agad ni Vanna dito.
"C-Carlitos kung ikansel mo ang wedding natin dahil kay ate Heidi.Wag na ninyong ituloy ang Panamanhikan."sobrang insecure si Hilda dahil ang ate Heidi niya ang first love ni Carlitos Hidalgo.
"Hey di na ako teenager para magbabago ang desisyon ko.Dont bother yourself about her.Pagtapos ng kasal natin dadalhin naman kita sa America.Di na niya tayo magugulo doon.Past ko na lang si Heidi.She is making herself so ridiculous right now."niyakap agad ni Carlitos si Hilda di na sila mga bata para magbabago siya ng desisyon.
"Pero Tito first love mo si Tita Heidi diba.?Sa tingin ko mas bagay kayong dalawa."random na suggestion ni Aubrey dahil kampi kay Vanna si Hilda Hillston.
"Manahimik ka Aubrey galit ka nga sa akin dahil ako first love ni Gilbert.Pati iyong Ina mo insecure sa Mommy ko.Tapos mag advice ka ngayon ng ganun.Please use your brain not only your mouth.Nakakahiya kang maging kapatid talaga."kontra agad si Vanna sa sinabi ni Aubrey.
Natameme na naman si Aubrey.Dahil Sapul sila sa ilong na naman.
"Carlitos long time no see.I miss you.!"walanghiyang salubong ni Heidi kay Carlitos.
"Wala ka pa rin pagbabago Heidi Hillston.Sobrang feelingira mo talaga.Sana si Hilda na lang minahal ko noon.Para di ka umaasa ngayon sa wala.Bakit Heidi dahil napatunayan ko na ang sarili ko ngayon sayo.?Kaya sinasabi mo sa lahat na hanggang ngayon may amor pa ako sayo.?"nandidiri ang tingin ni Carlitos kay Heidi at niyakap naman niya si Hilda.
Nakunot ang noo ni Vanna dahil kaugali ni Crisilda Hillston pala itong si Heidi.Na sobrang over confident sa sarili.Si Heidi naman namutla sa pagkapahiya.Dahil deretsahan siyang pinahiya mismo ni Carlitos Hidalgo.Kinain niya ang kayabangan niya sa isang iglap lang.

Substitute BrideWhere stories live. Discover now