Substitute Bride ☆ Part 9

45 1 0
                                    

"Single ang pamangkin kong si Anton.At hinahanap ko na din siya ng mapapangasawa.Anong say mo sa pamangkin ko Honey.?"biglang nagsalita si Gabriel kaya nagulat si Vanna.
"Anak ka ng Ina mo Gaby.Bakit bigla kang nagsasalita sa likod ko."sa inis ni Vanna binato niya si Gabriel ng pambahay na tsinelas.
"Sorry Honey ginulat ba kita.?Di ko na uulitin iyon."si Vanna lang ang nakaganun kay Gabriel sa buong buhay nito.Kaya nagulat ang mga katulong na di nagalit ito.
"Buntis si Vanna Sir Gabriel kaya maigsi lang pasensya niya.Pero ang totoong siya mahirap makitaan ng emosyon."explanation ni Amy.
"Siguro mana sa akin ang kambal.Maiksi lang ang pasensya ko.I understand dahil yon ang sinabi ng OB sa akin.Highblood daw masyado ang buntis dahil sa hormones niya."hinimas pa ni Gabriel ang flat pa na tiyan ni Vanna.
"Wait speaking of Anton.Try mong ireto kay Amy kung single siya."ani ni Vanna.
"Paano yong mother nong Anton Madam Vanna.?I'm sure gugustuhin niyang maikasal ang anak nila sa babaeng socialite.Ako kinupkop mo lang ako sa Kalye noon diba.?Ayoko maging complicated ang lovelife ko.Pwede yong assistant ni Sir Gabriel Kung single pa."ang tinutukoy ni Amy si Joe.
"Malamig pa sa yelo si Joe.But try mo lang Amy sasabihin ko sa kanya na i date ka once."direct to the point talaga si Gabriel.
"Kaya siguro iniwan ka ni Angela noon.Dahil di ka marunong maging romantic Gaby ko.Ok lang ako same sayo I feel cringe if sobrang romantic.But si Amy mahilig iyan magbasa ng pocketbooks at ma nood ng Korean Drama.Turuan mo naman assistant mo na maging romantic."natatawang ani ni Vanna.
"Sabi mo nga di ko kayang maging romantic.Ano ang ituturo ko naman sa kanya Honey ko.?"amused na napakamot sa batok si Gabriel.Siguro nga tama si Vanna na less romantic siya.Kaya naisipan ni Angela na makipagfling kay Hector noon.Pero ngayon kelangan niyang matutong maging romantic.Para di siya iwan ng lamang ng misis niya.
"Dont worry malandi ako.Try kong landiin si Joe.But ayoko talaga kay Anton  Sir Gaby."practical lang si Amy ayaw niya sa mayaman na lalake maging bf or partner.Dahil sobrang troublesome iyon sa totoo lang.
"Goodluck Amy binigyan na kita ng blessings."biro pa ni Gabriel dahil ito ang pinakaclose ni Vanna.Dapat lang tratuhin niya itong pamilya na rin.Tulad ni Joe na sobrang close na niya.Marami na silang napagdaanan.At di matatawaran ang loyalty ni Joe sa kanya mismo.
Samantalang giniit talaga ni Crisilda ang baby shower ng apo niya.Pero di dumalo nga si Senyor Hillston.Pati sina Gabriel at Vanna.
"Carlos bakit di mo inimbitahan si Vanna ngayon.?"may plano sana si Angelina pahiyain ang step daughter niya.At painggitin ito dahil nga naangkin na ni Aubrey si Gilbert Mortes ng tuluyan.Next year daw ang kasal ng dalawa.
"Para mastress lang sa inyo Angelina.?Buntis na si Vanna kaya di siya dapat ngang pumunta sa party na ito."iritableng ani ni Carlos.
"Pero Daddy wala din si lolo sa party na ito.Parang di kompleto kamo."maktol ni Aubrey sa ama.
"Aubrey wag mo akong mautusan.Sino bang matutuwa sa ginawa mo ha.?Fiancee ka ni Gabriel pero nagpabuntis ka kay Gilbert.Parang puta ka na niyan matatawag Aubrey.Si Vanna ang naglilinis sa kalat na sinimulan mo.Pwede ba wag na ninyo silang abalahin pa.At Mrs.Mortes wag ninyo din insultuhin ang anak ko.Di siya pariwarang babae tulad sa sinasabi mo.Wag ninyong kalimutan anak ko din si Vanna.!"sa kauna unahang pagkakataon pinagtatanggol ni Carlos ang panganay na anak.
Natigilan si Crisilda nakakalimutan niyang anak ni Carlos Hidalgo si Vanesa Ann Hidalgo pala.At ngayon lang ito nagsalita tungkol sa anak nitong panganay.Samantalang nagngitngit si Aubrey.Nilangaw ang baby shower niya.Konti lang ang dumalo at umuwi rin pagkatapos kumain.Di siya totally nakikipagmayabang sa kanyang kakilala.Dahil pinagtatawanan siya ng mga ito.
"Will nasa mansion every weekend si Vanesa.Pumunta ka din doon para sa revenge natin girl.Si Heidi takot kay Tita Hilda kasi.Kaya di natin maasahan na ang babae na iyon."suggest ni Hillary sa best friend niyang si Aubrey na sister in law na niya ito sa wakas.
"Sure gusto ko din makuha ang loob ni lolo.Kaya pupunta talaga ako doon."taas noong ani ni Aubrey feeling niya nasa kamay na niya ang victory.Di niya alam na nakakatakot masyado ang ex fiancee niya.Di din kasi inaano ni Gabriel ang mga pamangkin na babae.Kaya kampante si Hillary sa revenge daw nilang dalawa.Gayong si Vanna ang naagrabyado ni Aubrey sa lagay na ito.
Samantalang may bodyguard na din si Vanna saan man siya magpunta.At sa ngayon alalay niya si Amy lage.Kaya medyo kampante na si Gabriel.Pero pagpumunta si Vanna sa mansion sumasama talaga siya sa misis niya.
"Sino ang nagpaprepare ng madaming seafood sa mesa.?Allergic si Vanna sa seafood Papa."reklamo pa ni Gabriel sa nakahanda sa mesa.
"Sir Gabriel utos ni Maam Hillary po.Dahil nandito po si Maam Aubrey.Nagcrave daw siya po ng seafood."nataranta ang kusinera na tinatanong ni Gabriel.
"Itapon ninyo ang mga ito.Sa susunod ako dapat ang sundin ninyo.Papakain din ninyo ba ako ng mga ito.?Mahina ang sikmura ko at di ko gusto ang mga ulam na ito.!Pakitawag din si Hillary dito ngayon din.!"umalingawngaw ang boses ni Senyor Hillston.Sakit sa ulo talaga ang mag anak ni Crisilda.
Mayabang pang pumunta sina Hillary at Aubrey sa dinning area.
"Sinong maysabi na mag utos ka sa chef cook ko dito ha Hillary Hillston.?Kung gusto ninyong kumain ng seafood.Umuwi kayo sa inyo tang ina kang bata ka.!"bulyaw at mura ni Senyor Hillston sa apo na sakit din sa ulo.
"L-lolo buntis si Aubrey nagcraving po siya ng mga seafood."natarantang nagpapaliwanag si Hillary bigla.
"Pwede naman kayong kumain sa restaurant.Same usual alam niyang allergic ako ng seafood.Kaya sinadya niyang magrequest ng cravings kuno."mapanuya ang mga mata ni Vanna sa kapatid niyang inggitera.
"Totoo po lolo na nagcrave ako.Sa uulitin di ko na po gagawin iyon."feeling inosente naman si Aubrey.
"At isa pa po lolo buntis po si Aubrey.Naintindihan ninyo naman ang cravings diba po.?"giit pa ni Hillary.
"Buntis din ang asawa ko Hillary.Inform me kung pupunta kayo ng Aubrey na iyan dito.Para kami na lang ang iiwasan.This is childish act both of you.Kaya ko di pinapahalagahan noon si Aubrey.Dahil she is childish spoiled brat gaya mo Hillary.!Mag order ka na lang Joe ng makakain natin ngayon.Gutom na si Vanna kaya di na siya makapaghintay pa sa luto ng Cook."ani na lamang ni Gabriel ayaw niyang patulan ang immature na si Hillary mismo.
"So bakit ninyo pinapatapon ang naluto na ng cook.?"tanong naman ni Hillary.
"Bakit may magagawa ka ba Hillary kung ipag utos ko.?Wag ka na lang kaya umuwi dito sa mansion.?Di ko alam kung paano kayo pinalaki ni Crisilda.?"gustong paluin ni Senyor Hillston ng Baston ang apo na rebelde din.
"S-sorry po lolo."nanahimik na lang si Hillary.Di Niya kaya pala si Vanna na ibully dito sa mansion.Kaya nahihiya siya din kay Aubrey.Ang totoo ang Mommy lang niya ang malakas na loob na kontrahin ang lolo nila.Silang mga apo takot din sa Tito Gabriel nila.
Samantalang pagkakataon ni Amy na landiin si Joe.Dahil sumama siya na magtake out ng makakain nila.
"Hello single ka ba handsome.?"nagpapacute si Amy sa assistant ni Gabriel.
"O-oo bakit.?"napapalunok si Joe will napukaw ang interes din niya sa babae mula ng makita niya ito.At sinabi ni Gabriel na siya ang pinili ni Amy kesa sa pamangkin nito.Tumaas ang respeto niya sa babae sa pananaw nito sa buhay.Will gusto din niyang magpamilya balang araw.Na encourage siya sa buhay ng boss niya ngayon.Nakakita ito ng perfect match nito sa katauhan ni Vanessa Ann.Siguro naman pwede din niyang subukan si Amy.
"Will single din ako pwede subukan natin.?If di tayo magclick pwede naman tayong maging magkaibigan na lang diba.?"suggest ni Amy kay Joe.
"S-sa tingin ko mas ok muna ang friendship tapos relationship.?"opinion ni Joe.
"Ay oo nga sorry minsan baliktad ako mag isip.Pagtatawanan ako malamang ng boss ko din."napakamot sa ulo naman si Amy.Tama ang opinion nito.
"Ok friends."ngumiti at nakikipagkamay si Joe kay Amy.Di nito maportray ng maayos ang pagiging malandi sa tingin niya.Pure at inosente daw si Amy kwnento pa ni Gabriel at ayon iyon kay Vanna mismo.

Substitute BrideМесто, где живут истории. Откройте их для себя