Substitute Bride ♧ Part 12

47 1 0
                                    

Dahil sa magaling na surgeon si Vanna nasalba niya ang buhay ni Amy.At sa awa din ng Dyos ok na ang lagay nito.Buti external bleeding lang sa ulo hindi internal bleeding ang natamo ni Amy.
"Vanna how's Amy.?"salubong agad ni Gabriel kay Vanna na sobrang pagod.Di siya kinibo nito habang nakasunod ito sa kaibigan nito na nilabas na agad ng ER.
"Hello kelangan ko ng bodyguard for Amy.At Liza kunan mo ako ng ilang damit sa mansion ng mga Hillston.Ok na si Amy pero kelangan niya pang maconfine nang ilang araw."utos ni Vanna sa assistant secretary ni Amy.
"V-vanna kelangan mo munang magpahinga sa mansion.Si Jimmy na lang ang bahala kay Amy ok."lumapit naman si Gabriel sa asawa.
"Pinsan mo si Laarnie at childhood friend mo si Melodie.Pero parang kapatid na din ang turingan Namin ni Amy.Alam mo bang sa huling pagkakataon binuwis ni Amy ang buhay niya.Nagdive siya para di lang ako masaktan at makunan.Para sa akin si Amy lang ang pamilya ko Gabriel.Kung kinakailangan aalis ako sa buhay mo gagawin ko.Matahimik lang ang pamilya mo.!"walang emosyon na saad ni Vanna sabay upo sa tabi ni Amy.
"S-so di pa ba ako parte ng buhay mo Vanna.?"nasaktan si Gabriel ng tanungin iyon.Tila may nakabara kung ano sa puso niya.
Pagod na si Vanna ayaw na niyang makipagtalo pa sa kahit na sino.Kaya pahinamad siyang umupo sa sopa.Pumikit siya at sumandal doon.Dahil sa nasaktan si Gabriel umiiwas na lang muna siya.
"Boss habaan mo na lang pasensya mo.Alalahanin mo din buntis si Madam Vanesa.At kasalanan din naman nila Maam Laarnie iyon."payo ni Jimmy sa amo niyang parang pinagsakluban ng langit at lupa.
"Samahan mo muna akong uminom ngayong gabi."di din ni Gabriel mapagbuntunan ng sama ng loob si Vanna.Dahil baka aalis ito ng bansa nang biglaan.
Kinabukasan may sarili nang dalawang bodyguard sina Vanna.Utos ni Vanna na walang tatanggap ng bisita si Amy.Kaya nahirapan si Melodie na makausap si Vanna ulit.At may pinadalang mga tauhan si Vanna para kunin ang mga gamit at damit nila sa mansion.
"Ano bang nangyayari sa inyo anak.?"takang tanong ni Don Hillston dahil galing ito sa ibang bansa nagbabakasyon.
"Let me talk to her first.Wag nyong galawin ang gamit at damit ng misis ko."seryosong utos ni Gabriel at mabilisan pumunta ng ospital.Nakasalubong niya sina Laarnie na nakawheelchair at tulak tulak ni Melodie.
"Buti naman dinalaw mo ako dito Kuya Gabriel.I want to say sorry to Vanesa.Pero hinarang kami ng dalawang bodyguard nila."sumbong agad ni Laarnie pero nilampasan lang sila ni Gabriel.
Di naman hinarang sina Jimmy at Gabriel ng dumating sila doon.Maganda ang aura ng misis niya.Kumakain pa ito ng donut ng dumating sila.
"H-honey bakit mo ako iiwan.?"di na mapigilan ni Gabriel ang bugso ng Damdamin niya.Napaiyak talaga siya sa sobrang emotion.
"Anong nangyari sa boss mo Jimmy.?Pakisabi niya kay pangit niyang umiyak kamo."ismid ni Vanna kay Gabriel na tuloy tuloy ang pagkain ng dunot.
"Sir Gabriel ikaw pinaglilihian ni boss Vanna.Kanina lang gusto ka niyang makita.Bakit ka daw di agad pumunta dito.Ngayon naman pangit ka daw."natatawang boking ni Amy sa boss niyang naglilihi nga.
"G-ganun ba iyon.?"biglang kumalma ang puso ni Gabriel sa nalaman.Maraming nagsasabi na pag ikaw paglihian ng buntis mong misis.Dapat pasensyoso ka talaga to the highest level.Tumabi na lang siya sa asawa niya.Maghihintay siya kung ano ang sasabihin nito.
"Sabi ni Liza ayaw mo daw kukunin nila mga gamit at mga damit namin ni Amy sa mansion ninyo.?"tanong ni Vanna pero sinubuan niya bigla si Gabriel.
"Thank you wala pa akong kain mula kahapon."nakaramdam ng gutom si Gabriel kaya hindi niya tinanggihan ang donut ng misis.Ganito pala pinaglilihian inis si Vanna sa kanya pero concern pa rin ito sa kanya.
"Kain ka din Jimmy."nahihiyang inalok ni Amy si Jimmy din ng donut nila.Sinabayan lang niya ang food trip nang amo niya.Kesa naman di ito kakain.
"Iiwas kami sa stress.Halos araw araw may bisitang dumating sa mansion ninyo.Ang worst na encounter ko ay yong kahapon Gaby.Nasa sayo naman iyan kung sasama ka or hindi.May Nabili agad si Liza na bahay.I used to live a peaceful life back then.Lumayo nga ako sa step mother at half sister ko.Tapos titira ako sa mansion mo na maraming ayaw sa akin naman."logic na desisyon ni Vanna ang pag Alis niya sa mansion ng mga Hillston.
"Ok sasama na lang kami sayo.Ako na lang ang magpapalipat ng mga gamit at damit mo.I promise na di na makakalapit si Melodie at Laarnie sayo habang buntis ka."ngayon naintindihan na ni Gabriel ang dahilan kung bakit aalis si Vanna.Kulang lang sila ng communication pala.Wala pala siyang dapat ikabahala so far.Siguro masyado lang paranoid kumbaga.
Umuwi na relax na si Gabriel.Ipinaalam niya sa ama na bubukod sila ng tirahan ni Vanna.
"Ok will newlywed pa naman kayo kelangan ninyo ng private time para sa isat isa."naintindihan agad ni Don Hillston ang gusto ng anak.Di niya ito kinokontrol dahil wala namang masama ang bumukod ang mga ito ng tirahan.
"G-gabriel aalis ka dahil ba sa amin ni Laarnie.?"umuwi din si Melodie para kunin ang ipinag uutos ni Laarnie.Kung susumahin alalay lang naman siya ng pinsan ni Gabriel.Pero sobrang ambisyosa siya dahil naging maganda lang ang pakikitungo ni Gabriel sa kanya.Feeling naman niya siya na ang babaeng karapat dapat dito.Pantasya lang naman si Gabriel Hillston para sa kanya kung tutuusin.
"Sabihin mo din kay Laarnie kelangan na ninyong umalis dito.At Melodie I will cut off your credit cards.Sa tingin ko kaya mo ng magtrabaho diba.?Wag ka nang umasa sa akin habang buhay.Dahil priority ko na ngayon ang mag ina ko.Hindi yong ibang tao kagaya mo.!"deretsahang ani ni Gabriel kita niya sa cctv na tinulak nito si Vanna.Yon na ang last niyang bayad ng utang nang loob niya kay Melodie.Will may pera naman sapat si Laarnie at may sariling spa at salon ito na bagong bukas daw sa Manila.Sa tingin niya kelangan ng mga ito wag sa kanya maging dependent financially.Dahil may mga anak na sila ni Vanna soon.
"Y-yon ba ang sinabi sayo ni Vanesa ha Gabriel.?Kakalimutan mo na ang nakaraan ng dahil sa kanya.?"napaiyak na talaga si Melodie dahil harsh ang mga salitang naririnig niya mula kay Gabriel mismo.Ang lalake na pinapangarap niya noon pa.Sobrang sakit iyon for her sa totoo lang.At outsider na ang tawag sa kanya bigla nito.
"Walang sinabi sa akin si Vanna.Pero di ko palalampasin ang ginawa ninyo.Kamuntikan ng malagay sa peligro din ang mag ina ko."galit na ani ni Gabriel sa babae.Masyado na yata niyang pinapalaki ang ulo ng mga ito.Di na niya hahayaan maulit pa iyon.
"P-pero I said tinulak ni Vanesa si Laarnie sa may hagdan."giit naman ni Melodie nalulunod sa sama ng loob si Melodie sa totoo lang.
"Dont provoke me Melodie.I know the truth already.Dahil sa may utang na loob ako sayo noon.Palalampasin ko iyon at tigilan mo na ang pagtraining mo.Dahil mapapagod ka lang di ka pasok sa standard na maging myembro ng organization ko.Banned na kayo ni Laarnie sa training area.Thats it marami pa akong kelangan gawin.!"yon lang at iniwan na ni Gabriel si Melodie sa sala.
"Iha may future ka pa wag mong sayangin Oras mo sa paghahabol kay Gabriel.Dahil nakakita na siyang mamahalin niya panghabang buhay na."payo naman ni Don Hillston sa kababata ni Gabriel.
Dali daling pumasok si Melodie sa kwarto niya at napahiyaw sa sobrang emotion niya.
"Vanesa Hidalgo I'm sure pagsasawaan ka din ni Gabriel.Ako ang ideal type niya."pinaniwala lang ni Melodie ang sarili niya na magkatotoo ang kanyang pantasya.
Walang nagawa sina Laarnie at Melodie kundi ang bumili ng codo unit nila.Takot din si Laarnie kay Gabriel.Dahil pag nagalit ito wala itong sinasanto ni isa.
"Dont worry magkakaroon din tayo ng oras para makaganti sa babae na iyon Melodie.Wag kang mawalan nang pag asa.Basta isipin mo minsan niligtas mo ang buhay ni Kuya Gabriel.Yong Vanesa na iyon wala pang nagawa sa kuya ko."pinapalakas ni Laarnie ang puso ni Melodie.
Yon din ang pinanghahawakan ni Melodie.At sa tingin niya matagal na silang magkakilala ni Gabriel kesa kay Vanesa.Sa tingin din niya yon ang lamang niya dito.

Substitute BrideWhere stories live. Discover now