Substitute Bride ♡ Part 8

52 1 0
                                    

Nagalit naman si Senyor Hillston dahil magdaos pa si Crisilda ng bonggang baby shower daw.
"Papatayin mo ba ako sa kahihiyan ha Crisilda.?Wag mong galitin talaga ako makikita mo ang hinahanap mo.!"binato ni Senyor ng vase ang anak.Buti na lang di ito natamaan.
"Mommy tama si lolo bakit pa ba mag ano pa ng baby shower.?"kontra din si Gilbert dahil tinablan siya ng hiya sa pagbubuntis ni Aubrey.
"D-di na ako magcelebrate ng baby shower.Pero dapat magcelebrate tayo dito sa mansion.Papuntahin ninyo sila Gabriel dito."giit ni Crisilda proud siya na magkakaapo na.
"Hay naku ate Crisilda gumugulo ang buhay natin lahat dahil sa anak mong si Gilbert."bulalas naman ni Hilda at agree si Antonia.
"Di naman gusto ni Gabriel si Aubrey once and for all.Kasalanan iyon ni Gabriel kung bakit di na lang niya kinansel ang engagement nila noon."sisi pa ni Crisilda sa bunsong kapatid.
"Mali ng anak mo Crisilda sinisi mo si Gabriel.?Talaga bang gusto mong bawiin ko sayo ang lahat na meron kayo Crisilda.?Titingnan natin pag wala ako makapagmayabang ka pa ba.?"seryosong banta na ni Senyor Hillston sa malditang anak.Ito lage ang kontra sa bunsong anak niya.
"Papa anong nangyayari na naman ba.?"dumating si Gabriel bitbit ang maliit na bag na may hiniwang mangga at santol na rin.Mahilig din si Vanna sa mga prutas.Tiyak na maging malusog ang kambal nila.
"Gusto kasi ng ate Crisilda mo na magkaroon ng baby shower daw sa apo niya.Kahihiyan iyon sa buong pamilya natin Gabriel."mainit ang ulo ni Senyor Hillston.
"Hayaan mo na sila Papa.Di ko naman asawa si Aubrey.Nga pala may goodnews ako sayo.Buntis na si Vanna at guess what twins pa ang mga apo mo soon Papa."walang pakialam si Gabriel sa nangyayari sa mansion.Para sa kanya  sobrang saya niya ngayon at excited sa paglabas ng mga babies nila.
"Talaga.?Iha sa tanda kong ito magkakaroon ulit ako ng apo.?Sana lalake para may offspring ang mga Hillston uli.Itong tatlong anak kong babae sakit lang sa ulo.Lalo na itong si Crisilda.!Anyway ano gusto mong kainin iha.?"masiglang tanong ng Senyor at nawala ang pagkahighblood niya.
"So Papa gaya ng sinabi ni Gabriel.Pwede ko i resume ang baby shower ng apo ko.?"sumingit sa usapan si Crisilda papansin gusto niya kilalanin sa lipunan ang magiging apo din niya.
"I dont care kung matigas ang ulo mo Crisilda.Pero di ako pupunta sa party na sinasabi mo.!"ani na lamang ni Senyor Hillston.Wala na siyang pakialam sa panganay na anak.
"Ate Crisilda wag mo nang ipaalala kay Papa ang baby shower.Nadadamay kaming lahat kasi.Heidi ikaw lumayo ka kay Aubrey simula ngayon.Baka mahawa ka pa sa kalandian niya.!"paalala ni Hilda sa anak.
"Y-yes Mommy."napipilitan si Heidi sundin ang Ina.Dahil nahihiya din siya sa ginawa ni Gilbert na binuntisan ang fiancee noon ng Tito Gabriel niya.
"Hello ate Vanesa right.?Tama ba ate ang itawag ko sa kanya lolo.?"si Antonette ngayon lang nakita ni Vanna.Di ito dumalo mismo sa kasal nila.
"Dapat Tita Antonette."matipid naman ani ng kapatid niyang kaugali daw ni Gabriel.
"Ok kahit Tita or ate para sa akin wala akong kapatid naman."ismid ni Vanna ng maisip niya si Aubrey.
"Ok po Tita nga pala alam nyo ba idol kita.Kaya medicine po ang kinuha ko.Pwede nyo po akong gawing student.?Gusto ko din malaman or makita kung ano procedure ng pag gawa ng mga cosmetics."interesado si Antonette sa profession kung ano meron kay Vanessa Ann.
"Sa ngayon buntis siya Antonette.Di siya pwede magtanggap ng studyante."si Gabriel ang tumanggi para kay Vanna.
"Its ok kelangan lang naman niyang pumunta sa laboratory.Since naghahanap si Amy ng mga assistant niya.Pwede ko siyang irecommend doon."nakangiting ani ni Vanna masayahin siya ngayon sa pagbubuntis niya.Di niya alam kung bakit malamang sa hormones changes ng katawan niya siguro.
"Talaga po.?"nagningning ang mga mata ni Antonette.
"Di mo ba siya gusto na pamangkin ha Gaby.?"curious na tanong ni Vanna sa mister.
"Sa lahat ng pamangkin ko si Anton lang ang gusto ko Honey."sincere na sagot ni Gabriel na napatawa kay Anton.Nakasimangot kasi si Antonette na ngayon.
"Ang mga babae troublesome daw sabi ni Tito po."pang aasar pa ni Anton membro sila ng organization na Binuo ni Gabriel.At ang Daddy niya ay medyo close sa Tito niya.Kaso tahimik na tao ang mga ito.Di nito ipinapakita madalas ang emotion.Ang inaasar lang ni Aton ang kapatid niya.Will maldita ito pero masunurin na baby sister naman.Lumalayo ito kina Hillary at Heidi.Kaya less stress ang Ina nila.Sabi pa ng Daddy nila payagan ang Mommy nila maglakwatsa hanggang sa mapagod.Kesa mag ingay sa bahay nila Parati.Reklamo nito boring ang Daddy niya.Pero deep inside gusto lang nitong lambingin parati.
"Buti na lang si Gabriel nagbago ng magkaanak.Aba yong mister ko walang pagbabago.Pipi pa rin hanggang ngayon."bulalas ni Antonia at kinumpara ang mister kay Gabriel ngayon.
"Atleast di po nambabae si Daddy ko.Kape lang ang gusto niya."pagtatanggol ni Antonette sa ama.
"Masaklap di ako pwede magselos sa kape."nakasimangot si Antonia at natatawa lang ang katabi niyang may hinigop na naman na kape.
Sa nakikita ni Vanna siguro kulang lang sa communication si Gabriel at iba pang kapatid.Pero ayaw niyang makialam dahil sila ni Aubrey until now di nga magkasundo.
Galit na galit si Aubrey nang malaman niyang buntis na pala si Vanna agad.At balita niya center ito ng attraction ngayon.
"Maghanda ka ng madaming pagkain Angelina.Iimbitahan ko sina Gabriel at Vanna bukas ng tanghalian."syempre excited magkaapo si Carlos.Pero di niya tanggap ang pinagbubuntis ni Aubrey ngayon.
"Si Vanna na ang favorite mo na ngayon ha Daddy.?Buntis din ako pero ayaw mo sa shower party."reklamo agad ni Aubrey sa ama.
"Pauwiin mo nga itong anak mo Angelina.Naalibadbaran ako sa kanya.Wala akong pakialam sa party na iyan.Gawin mo ang pinapagawa ko sayo.Or else pwede ka na tumira din sa tirahan ng mga Mortes."iritableng ani ni Carlos sa mag inang demanding masyado.
"So pinapalayas mo na ako Carlos ganun.?"di makapaniwala si Angelina sa mister niya.
"Narealize kong napabayaan ko si Vanna ng maraming taon.At dahil sa inyong dalawa ayaw niya umuwi sa mansion.At magagawa ko iyon pag pinapainit ninyo ang ulo ko lage."banta pa ni Carlos.
"Di ako papayag Carlos 24 yrs na tayong nagsama."matapang na ani ni Angelina.
"Alam mong di tayo kasal Angelina.At wala kang legal na habol sa akin.Kung ayaw mong mawalan ng tirahan.Manahimik kayo at sundin mo ang sinasabi ko."lately may kinikita si Carlos bussiness woman din.At may anak din itong babae.Tsaka na niya ipakilala kay Vanna ito.Sawang sawa na kasi sa ugali ni Angelina.
Samantalang biglang dalaw ni Amy kay Vanna sa Villa nito.May dala pang isang maleta.Naglayas daw ito sa kanila ngayon.Nasa Pinas lang ang kanyang Ina at di niya magkasundo sa mga bagay bagay.
"So nag away kayo na naman ni Tita.?Ano na naman dahilan ha.?"tanong ni Vanna na winiwelcome si Amy.
"Lalake ulit kay tanda na niya at mataba pa.Tapos gusto niyang ipakilala niya ang lalake daw niya.Ngayon daw seryoso na daw siya.Ayoko siyang maglasing at umiyak pag naiiwan ng mga lalake.Kulang na lang maging Sugar Mommy siya."sambakol pagmumukha ni Amy.
"May asim pa ang Mommy mo Amy.Menopause na siya di ka na magkakaroon ng kapatid."biro pa ni Vanna para mapagaan ang mood ng kaibigan.
"Yon nga sabi ko wala ng pakinabang matres niya.Tapos vice logic siya ako daw dapat mag asawa na.Takot ako makakita ng scumbag na partners.Diba pareho tayo ng goal noon.Magkaroon ng anak lang kahit walang partner.?"Mas bata ng 2 yrs si Amy kay Vanna.
"Narealize ko mas mabuti ang may parte.Alam mo kinikilig ako sa paglalambing ni Gabriel sa akin.I think I'm inlove na rin.But gusto kong siguraduhin ang sarili ko.Bago ibigay ang puso ko kay Gabriel."nakangiting ani ni Vanna.Di niya alam na dumating si Gabriel at medyo malapit sa likuran niya.
"Hoy kasal na kayo ni Sir Gabriel.Kaya dapat lang pati kaluluwa mo ibigay mo na.Wag kang buraot kamo.!"ganting biro ni Amy.
"Kung sabagay sasabunutan ko kung sino ang lumalandi sa asawa ko.!"Vanna mark her territory.
Abot tenga ang ngiti ni Gabriel na nagthumbs up pa kay Amy.Dahil dito narinig niya ang saloobin ng misis niya.Ito ang feeling na mahalin siya ng isang babae nang walang dahilan.At walang hiningi man na anumang kapalit.

Substitute BrideWhere stories live. Discover now