Substitute Bride ♧ Part 21

34 1 0
                                    

Umuwi si Carlito sa ancestral mansion ng mga Hidalgo.Kaya abala si Angela sa paghahanda sa pag uwi ng brother ng kanyang asawa.Galit ito sa kanya noon kaya gusto niyang magkabati na sila.Baka makatulong ito sa problema ng anak niyang si Aubrey.
"Carlos saan si Vanna ba.?Atat na akong makita mga apo ko."pagkadating talaga ni Carlito sa kabahayan si Vanna agad ang hinahanap niya.
"You forget na nag asawa na ang pamangkin mo.?Long time no see di mo ba ako kukumustahin.?"niyakap agad ni Carlos ang kambal niya.
"Carlos matanda ka na gusto mong magpabotox sa akin.?Aba kelangan mo ding alagaan ang mukha mo.Ang kalabaw lang ang tatanda bro."biro naman ni Carlito matagal na nilang kinalimutan ang alitan nilang dalawa.Sobra lang silang busy kaya bihira lang silang may kuminikasyon na dalawa.
"Kelangan ko iyon dahil ihahatid ko si Vanna sa altar soon."ganting biro na din ni Carlos sa kapatid.
"Tito Carlito I miss you.!"sobrang exaggerated si Aubrey lumambitin pa siya sa Tito niya.
"Hey grow up Aubrey until now childish ka pa talaga.Angela di mo ba tinuruan itong anak mo na maging matured."iritableng tinulak ni Carlito ang pamangkin di niya gusto eversince.
"T-Tito namiss lang naman kita.Siguro naman nabalitaan na ninyo na kinawawa ako ni Gilbert Hillston right.?"sumbong agad ni Aubrey kay Carlito Hidalgo.
"Aubrey kararating lang ni Tito tapos problema ang sinalubong mo agad sa kanya.?"Bara agad ni Vanna na kararating lang.Tulak ni Gabriel ang twin stroller ng kambal nila.
"Tse nandito na naman ang pabida.?"ismid ni Aubrey kay Vanna pero dumistansya agad siya sa mga ito.Mahirap na baka mabigwasan siya ng kapatid.Di na ito buntis baka masipa pa siya nito ng wala sa oras.
"Ay kay cute ng mga apo ko.Carlos parang tayo lang dalawa di magkamukha."magiliw na kinarga ni Carlito ang dalawang sanggol na kambal.Doctor ito kaya expert ito kumarga ng two months baby.
"Tayo na sa dinning area aba akin na iyang isa kong apo Carlito.Dati inangkin mo si Vanna diba.?Ngayon dapat tig isa tayo ok."kinuha ni Carlos ang isa pang apo niya.
Nagkatawanan sila maliban sa mag inang Angela at Aubrey dahil di sila pinansin man lang ni Carlito Hidalgo.
"Nga pala Carlito sinabi mo sa akin na gusto mo ng mag asawa.Dont tell me na babalikan mo si Heidi Hillston.?"deretsahang tanong ni Carlos sa kapatid habang kumakain na silang lahat.
"Nope gf ko si Hilda di ko alam na mas ok siyang kausap kesa kay Heidi bro.Umuwi ako para papakasalan na si Hilda."seryoso namang sagot ni Carlitos.
"Pagkatapos ng kasal nina Gabriel at Vanna.Isusunod na natin ang kasal ninyo ni Hilda.Buti naman naisipan mong mag asawa.Walang magmamana sa mga ari Arian mo Carlitos.Sayang kung I donate lang sa charity."ani naman ni Carlos.
"Yeah may mga anak naman si Hilda daw.Hati lang silang tatlo siguro sa yaman ko."palabiro itong si Carlitos at sinasakyan lang din ni Carlos ang trip nito.Wala silang lamangan na dalawa.Subalit mas mayaman si Carlitos kesa kay Carlos Hidalgo.
"How about me Tito.?"sumisingit naman si Aubrey.
"Ikaw naman yata magmamana sa ari Arian ng Daddy mo."baling naman ni Carlitos sa umeepal na pamangkin din.
"Sina Govan at Gavin ang tagapagmana ko.Sakit sa ulo iyang si Aubrey kaya dapat hayaan na lang siya Carlitos."iritableng ani ni Carlos.
"By the way Aubrey kumusta na kayo ni Gilbert.?Goodnews yata dahil di natuloy annulledment ninyo.?"curious naman na tanong ni Vanna sa kapatid.
"Why you care about us.?Atupagin mo ang pamilya mo Vanna."sarkastikong ani ni Aubrey sa kapatid.
"Angela di mo ba dinidisiplina iyang anak mo talaga.?Mas matanda si Vanna sa kanya.Talaga bang wala nang galang iyang anak mo.?"sermon ni Carlitos mismo sa Ina ni Aubrey.
"Carlitos kasi naman laging itsapwera ni Carlos si Aubrey dahil kay Vanna.Syempre nagseselos siya lage."katwiran naman ni Angela.
"Sa amin ni Carlos wala sa vocabulary namin ang selos.Ako nga sinasabihan lage ng parents namin na ako magparaya dahil daw ako matanda kesa kay Carlos.Kahit minute lang tanda ko sa kanya.What more pa sa pagitan nina Aubrey at Vanna na apat na taon age gap nila.?At alam ko na bias si Carlos noon sa anak mo.Kaya nga kinuha ko na lang si Vanna.Bakit sinasabi mong itsapwera.?Ang alam ko di iyon totoo naman Angela.Kung anak ko iyang si Aubrey.Matagal ko na iyang itinakwil pero di iyon magagawa ni Carlos."mahabang litanya ni Carlitos kay Angela.
Biglang natameme ang mag ina.Dahil talagang pati si Carlitos pabor na talaga kay Vanna lang.Di kasi makontento ang mag ina.Gusto nilang mawala sa eksena lage si Vanesa Ann.Pero Malabong mangyari iyon.Lalo pa ngayon na realize ni Carlos ang pagkakamali niya.Di nila alam kung paano humingi ng tulong.Dahil kinawawa ng mga Hillston si Aubrey mismo.Nagyabang pa si Aubrey bagaman wala naman yatang pakialam si Carlitos Hidalgo sa buhay ni Aubrey mismo.
"Vanna di lang ang Daddy mo ang may gusto kay Gabriel.Ako din mismo dahil yong Gilbert na ex bf mo bagay kay Aubrey lagalag ang pag iisip.Buti naman Gabriel si Vanna talaga ang pinakasalan mo.Masasabi kong tama ang desisyon mo."nakangiting ani ni Carlitos kay Gabriel.
"Daddy at Tito alam ninyo ba ang lovestory namin ni Gabriel.?Nong naaksidente ako diba nakalimutan ko si Gabriel.?"curious na tanong ni Vanna sa Tito niya at ama.
"Nong niligtas mo si Aubrey mismo dahil pabayang Ina itong si Angela.?Naanod ng alon si Aubrey noon ng nag outing kayo.Ikaw naman kahit di pa marunong lumangoy niligtas mo si Aubrey.Pero sa kasamaang palad nabagok ulo mo sa mga nakausling bato.Maraming dugo nawala sayo pero sobrang tapang ni Gabriel nagdonate talaga siya ng dugo for you.Dahil ang Mommy mo lang kamatch mo noon at si Gabriel.Pero kelangan kang matingnan sa America talaga.Para gumaling ka ng lubusan kaya nakalimutan mo noon si Gabriel.May permanent amnesia ka Vanna."kwento naman ni Carlitos sa pamangkin.
"Akala ko ba kababata kayo ni Gilbert.?Kayo pala dapat ang naengage niyang asawa mo Vanna."ismid at sabad naman ni Aubrey.
"Salamat pala Aubrey tumakas ka sa kasal sana ninyo ni Gabriel.Dahil ako nga dapat ang maging misis ni Gabriel Hillston."ani ni Vanna sabay yakap sa tahimik lang na asawa niya.
"Dahil sa pinilit lang ng Ina mo ang Daddy mo Aubrey.Kaya may kasalan nagaganap sa pagitan sana ninyo ni Gabriel.But last minute pinilit kong umuwi si Vanna."realtalk ni Carlitos sa maldita niyang pamangkin.
"Wala naman sana akong balak ituloy ang kasal na iyon.Ikakansel ko na sana iyon po.Kaso biglang naglalakad si Vanna sa aisle.Sobrang saya ko talaga sa mga oras na iyon."malambing naman hinahalikan ni Gabriel ang pisngi ni Vanna.
"Kayong dalawa di ba kayo nahihiya nasa harapan kayo nina Daddy at Tito."galit na saad ni Aubrey dahil inggit na inggit siya sa pagsasama nina Gabriel at Vanna.She wish na ganun din si Gilbert kalambing tulad ni Gabriel.
"Naiinggit ka ba sa amin ha Aubrey.?Will mamatay ka sa inggit."pang aasar pa ni Vanna sa isip bata niyang kapatid.
Padabog naman nagwalk out si Aubrey.Dahil tatawagan niya si Gilbert papuntahin niya sa mansion nila.Dahil dumating na daw ang Tito Carlitos niya.
"Aubrey wag kang magkunwari na ok tayo.Dahil alam ng lahat at lalo na ikaw na wala na akong amor sayo."yon lang at pinatayan ni Gilbert ng cp si Aubrey mismo.Ilang beses na din siyang nagpapalit ng number.Pero talagang matinding stalker niya si Aubrey.Sobrang creepy na ang obsession ni Aubrey Hidalgo sa kanya.Hula niya sooner or later mababaliw na ng tuluyan si Aubrey.Kaya nilalayo na niya ang anak nila dito.Dahil baka ito ang pagbuntonan ng galit ni Aubrey sa kanya.Talagang nagsisi si Gilbert kung bakit tinikman pa niya ang baliw na kapatid ni Vanna.Ngayon sobrang saya na ng buhay na tinuring niyang karibal sa puso ni Vanesa Ann.Ang kanyang Tito Gabriel mismo.Di niya ito iniidolo pero gusto niya itong mahigitan.Bagaman di niya kaya nga ang mamahala mismo sa company nila.Kaya matatawag siyang talunan.Pero dahil sa ego niya di niya matanggap iyon.Sinusumpa niya sa sarili niya balang araw masisira niya ang buhay ni Gabriel Hillston.Pero ang tanong paano niya gagawin iyon.?

Substitute BrideOnde histórias criam vida. Descubra agora