Substitute Bride ♧ Part 26

49 1 0
                                    

"Ate Crisilda paano na to ayoko makulong.!"biglang tinablan ng takot si Heidi dahil sa ngayon umaasa na lamang siya sa bigay ng ama.Alam niyang di siya isasalba din ng kanyang mga step daughters na mga maldita din.
"Gilbert kumuha ka ng magaling na abogado.Ayoko din makulong anak.!"pati si Crisilda tinablan ng takot dahil kahit matanda na ang ama nila ito pa rin ang batas sa pamilya nila until now.
"Mommy kung di kayo magtanda patuloy ninyong sasaktan si Vanesa.Kaya di ko gagawin ang request mo sa akin."nagmatigas din si Gilbert dahil sa ayaw niyang saktan ng Ina niya ng paulit ulit ang babaeng mahal niya.
"Kuya Gilbert mas mahalaga pa ba si Vanesa kesa sa Mommy natin para sayo.?Don't worry Mommy hihingi ako ng tuloy kina Aubrey.!"biglang naisip ni Hillary si Aubrey dahil ayaw tumulong ang kuya Gilbert niya.
"Saan naman kukuha ng pambayad ng abogado si Aubrey aber.?Don't tell me hihingi siya sa Daddy ko.?"taas kilay na tanong ni Vanna na nangungutya sa mga kontrabida.
Natigilan sila Hillary nakalimutan nilang half sisters pala sina Vanna at Aubrey.Tiyak din di tutulong ang father nila Aubrey sa Mommy at Tita nila.
"Sana naisip ninyo ang takot na makulong bago kayo gumawa ng kahibangan mga ate.Naawa man ako sa inyo ngayon.Pero kelangan ninyong magtanda muna sa kulungan.Pati ako kasi kinokontra ninyo.Im sorry di din ako tutulong."kibit balikat naman na ani ni Hilda.Buti na lamang nakinig siya sa mga anak nila.Na walang mangyayari kung ipairal niya din ang inggit sa bunso nilang kapatid na si Gabriel.Ngayong kumampi na siya sa bunsong kapatid niya.Sunod sunod na ang swerte niya.Naging asawa pa niya ang lalakeng minahal niya noon.Kaya tuluyan ng magpakatino naman si Hilda simula ngayon.Masarap kasi ang feeling kung wala kang taong inaapakan.Di ka hahagupitin ng karma balang araw.Yon ang napapala ng mga kapatid nila.Sobrang greedy ang mga ito sa lahat ng bagay.Kaya di na nakakapag isip ng matino.At umiiyak sa bandang huli at nagmamakaawa pa ngayon na wag silang ipakulong.
Humingi sana ng tulong si Aubrey sa ama niya.Para mapyansahan daw ang byenan niya sa kulungan.Pero mura ang napapala niya dito.
"Are you insane Aubrey kahit baliktarin mo pa ang mundo kapatid mo pa rin si Vanna ano ba.?Tapos tutulungan mo ang mga taong nanakit sa kapatid mo.?Wag mong galitin talaga ako Aubrey.Baka itakwil na kita bilang anak."galit na sermon at banta pa ni Carlos Hidalgo sa bunsong anak.
"Oo anak mo nga ako pero yong byenan ko lang nakakaintindi naman sa akin.Di ko naman naramdaman na naging anak mo ako Daddy."hinanakit na sumbat ni Aubrey kay Carlos mismo.
"Anong sabi mo na pabaya akong ama.?Eversince you are a kid Aubrey pinapampered kita at strict ako masyado sa ate Vanna mo.Tapos may gana ka pang sumbatan ako ngayon.?Naging ganyan ka kasi iniispoiled kita ng todo noon.Di ka pa rin makontento kahit nasa sayo na ang lahat ng atensyon ko noon.Ngayon nagsisi ako dahil di man lang kita dinisiplina noon.Kung wala akong pakialam sayo sa tingin mo ba nakatuntong ka pa sa pamamahay na ito.Kahihiyan man kita lage di naman kita pwedeng itanggi na anak talaga kita.Gusto mo bang mawalan na talaga akong pakialam sayo.?Ganun ba ang gusto mong mangyari ha Aubrey Hidalgo.?"pinapaalala naman ni Carlos sa anak na di siya nagkulang dito.Ang pwedeng sumumbat lang sa kanya ay ang anak niyang panganay.Dahil totoong  nagkulang siya noon sa pag aaruga dito.Iniisip niya kasi na sobrang independent si Vanna kahit bata pa lang.Kaya ibinuhos niya ang atensyon niya sa bunsong anak niya.Di niya akalain na sumbatan pa siya ni Aubrey gayong sobra na ang atensyon nitong natatangap mula sa kanya.
"Aubrey manahimik ka na lang.Wag kang makisali sa gulo na ginawa ng byenan mo.Di din maganda ang pakikitungo naman ni Crisilda Hillston sayo diba.?Wag kang laging tanga pwede ba Aubrey.!"saway naman agad ni Angelita sa anak.
"Buti naisip mo iyon Angelita.At sinasabi mo sa anak mo na talaga na tanga siya talaga.!"biglang sabad ni Vanna na karga ang isang kambal nila kasunod naman si Gabriel na may dala pang mga paper bags.Yong dalawang bata naman magkahawak kamay.Anak iyon ni Amy at Jimmy na babae.3 yrs old pa lang ang kambal nila Vanna at Gabriel.At 2 yrs old naman ang anak nina Amy at Jimmy.
"Gabriel napadalaw kayo anong atin.?Kumusta na ang mga apo ko.Come to lolo mga babies.!"nag iba ang mood agad ni Carlos ng makita ang tatlong bata na lage nilang hinihiram ni Carlitos.
"Dumalaw lang po kami dito Dad.Sobrang maingay sa mansion namin kaya dito na lang kami pumunta."kibit balikat ni Gabriel na hindi man lang tinapunan ng tingin si Aubrey na umiiyak.
"Dont bother her sobrang Immature lang si Aubrey.Di na talaga magbabago pa iyang ugali ng half sister ko."pang aasar pa ni Vanna sa kapatid niyang laging feeling victim.
"Syempre naapektuhan ako dahil byenan ko ang nakakulong ngayon Vanesa Ann.!"galit na ani ni Aubrey sa tinuring niyang mortal enemy.
"Nang makidnap ako wala kang pakialam diba.?Siguro matutuwa ka pa kung may nangyari talaga sa aking masama.Di ko alam kung bakit ka ba galit sa akin until now.?Binigay ko na sayo si Gilbert naman.Wait alam ko na dahil di mo ako mapantayan in terms of career right Aubrey Hidalgo.?Why you would not accept the fact na mas madiskarte ako sayo.At tanggapin mo na tanga at boba ka talagang nilalang.Dahil kung maging mabait ka lang sa akin.Tatanggapin kita kahit ganun ka pa katanga Aubrey."realtalk ni Vanna sa kapatid niyang mahina talaga ang kukuti kumbaga.She can tolerate that but ibang usapan na iyong kakalabanin siya lage nito.Kahit di naman niya ito inaano talaga.
"Carlos hahayaan mo bang insultuhin ni Vanesa si Aubrey ng ganun na lamang.?"reklamo naman ni Angelita sa asawang tahimik lang kahit nainsulto na ang anak niya.
"Tahimik lang din ako pag ininsulto ninyo si Vanna naman lage noon Angelita.Dapat marealize ng anak mo ang mali niya.Di iyong tinotolerate mo lage.Nagkamali ang dating asawa ko sa pagpili sayo bilang second mother noon ni Vanna.Dahil ni minsan di mo pinapahalagahan si Vanna kahit kelan.Di ka naging fair sa kanila dalawa dahil di mo laman at dugo si Vanna diba.?Ngayon tinatama ko lang din naman ang pagkakamali ko noon.Na maging bias lage kay Aubrey kahit siya naman ang mali."madamdaming ani ni Carlos sa pamilya niya.
"Stop being dramatic Daddy di bagay sayo iyan duh."Vanna rolled her eyes dahil di naman ganun ang character ng ama niya simula ng magmulat siya ng mga mata sa mundong ibabaw.Di siya sanay na nagdrama ang kanyang ama ngayon.
Samantalang galit na nagwalk out na lamang ang mag inang Aubrey at Angelita.Wala na kasi silang boses sa mansion din iyon.Sa madaling sabi bumaliktad na ang ikot ng mundo na ginagalawan nila.Dahil naging pabor na ang pagkakataon kay Vanna ngayon.At hinagupit na din sila ng karma mag ina.
"Baka may pera ka dyan Mommy pangpyansa sa byenan ko.Alam mo naman siya lang ang kakampi ko pag nag aaway kami ni Gilbert.At bff ko din si Hilary marami na din siyang nagawa sa akin.Ayokong sumbatan niya lage ako sa naitulong niya sa akin."pamimilit ni Aubrey sa Ina niya.
"Tanga ka nga Aubrey di mo ba naisip na wala akong malaking perang pinanghahawakan.?At isa pa galit ako sa byenan mo don't expect na tutulong talaga ako sa Crisilda Hillston na iyon.Mayaman sila kumpara sa atin Aubrey yon ang alalahanin mo."iritableng saad ni Angelita sa spoiled na anak.
"Sabi ni Hillary hihold ni lolo ang lahat ng account nila.At di din tutulong daw si Gilbert.Di sila makakuha ng magaling na Lawyer kumbaga."pagpapaliwanag ni Aubrey.
"Ina ni Gilbert ang nakakulong bakit ka ba problemado sa bagay na iyan.?Hay naku tigilan mo na ako Aubrey ayokong mapalayas ng tuluyan dito sa mansion natin.Kaya di ko na kokontrahin ang Daddy mo simula ngayon.At di ko na kakalabanin si Vanesa para sa ikakatahumik din ng buhay ko.!"inis na iniwan na lang ni Angelita ang anak.Tanggap na niyang wala silang laban kay Vanesa Ann Hidalgo.Lalo na ngayon kumampi na lage ang asawa niya sa step daughter niya.Ang magagawa na lang niya ay manahimik na lamang.

Substitute BrideWhere stories live. Discover now