Substitute Bride ♡ Part 16

50 2 0
                                    

Kahit pinipigilan ang Ina nito hindi ito nakikinig sa kanya.
"Dahil sa apo ninyong si Gilbert at sa step daughter kung si Vanesa Ann.Nagkakabalikan yata sila secretly Don Hillston.Kakausapin ko sana si Gabriel.Kaya lang wala siya dito."lakas loob na ani ni Mrs.Hidalgo sa matanda.
"Kelangan ninyo talagang gumagawa ng kwento tungkol sa manugang ko.?Talagang inggit kayo kay Vanesa ano.?Buntis si Vanesa paano naman sila nagkikita ni Gilbert.?Guguluhin ninyo ba ang pagsasama nina Gabriel at Vanesa.?"galit na tanong ni Don Hillston sa Ina ni Aubrey.
"Impossible iyon ang alam ko sinasama ni Tito Gabriel nga si ate Vanesa kahit sa trabaho niya.Gumagawa ka lang ng gulo diba Aubrey.?Kung may problema kayo ni Kuya Gilbert doon ka kina Tita Crisilda magsumbong."galit na sabad ni Antonette sa usapan.
"Antonette keep quite wag kang makialam sa kanila."saway ni Hilda sa anak niya.
"Mommy nanggugulo sila sa pamilya natin.Hindi ka ba concern man lang ha.?"baling naman ni Antonette sa Ina.
"Kung ayaw mong madamay dapat manahimik ka na lang.Wala akong pakialam sa buhay nina Gabriel at Vanesa duh."maarteng ani ni Hilda.
"Anong sabi mo wala kang pakialam sa kapatid mo ha Hilda.?Lumayas ka nga sa harapan ko ura mismo.Antonette tawagan mo ang Tita Crisilda mo.Kung may problema nga sa kukuti na naman ni Gilbert.Aayusin ko ang turnilyo niya."galit na utos ni Don Hillston sa paboritong apo niya.
"B-bakit kelangan ninyo pang tawagan si balae Don Hillston."tinablan ng takot si Mrs.Hidalgo bigla.
"Sina Aubrey at Gilbert ang may problema.Bakit ninyo naman dinadamay ang anak at manugang ko.?Ang dapat umaayos nito kayo ni Crisilda.At ikaw Aubrey di ka ba makatayo sa sariling mga paa.?Nagsumbong ka pa ngayon sa Ina mo.?Akala ko ba nagmamahalan kayo ni Gilbert.Kaya nga tumakas ka sa kasal ninyo ni Gabriel hindi ba.?Bakit kay gulo ng utak mo din Aubrey.?"sermon naman ni Don Hillston at pang iinsulto na rin kay Aubrey Hidalgo.
"Sabi nga ni ate Vanna boba nga daw si Aubrey lolo at childish.Pinapalaki niya lage ang maliit na bagay daw."ismid naman ni Antonette kay Aubrey.
Dumating naman agad si Crisilda at Hillary na clueless sa nangyayari.Bitbit pa nila ang anak nila Aubrey na si Angel.
"Aubrey may problema ba.?"malumanay na tanong ni Crisilda sa manugang.
"Mommy nilalandi kasi ni Vanna si Gilbert.Kaya minsan na umuuwi sa condo namin.Di niya tinupad yong pangako ninyo sa inyo na aayusin Namin ang pagsasama namin po."umaakting si Aubrey sa harapan ng lahat.
"Ibang kwento na naman ba Aubrey.?Paano manlalandi si ate Vanesa kung sobrang laki na ng tiyan niya.?Kung may kasalanan si kuya Gilbert lang iyon diba lolo.?"opinion naman ni Antonette sa nangyayari.
"Wag ka ngang sumabat sa usapan Antonette."malditang Bara ni Hillary sa rival niya sa puso ng kanyang lolo.
"May bibig si Antonette at problema ng pamilya ang pinag uusapan dito Hillary.Kaya may karapatan si Antonette na magbigay ng opinion."pagtatanggol agad ni Don Hillston sa paboritong apo niya.
"Lolo may favoritism ka talaga sa aming mga apo mo."hinanakit naman ni Hillary.
"Ano ba talaga ang problema kung saan saan na napupunta ang usapan natin ngayon."naiirita na si Don Hillston kay tanda na niya di na niya gustong pakinggan ang walang katuturang sumbong ng mga tao sa harapan niya ngayon.
"Lolo si Vanna ang may problema.Dapat pagsabihan mo siya na wag landiin ang asawa ko."giit talaga ni Aubrey pinanindigan na niya ang kasinungalingan niya.
"Crisilda dapat kausapin mo iyang gagu mong anak.Bigyan niya ng atensyon itong asawa niyang kulang lang sa pansin.Happily married na sina Gabriel at Vanesa wag na ninyo silang guguluhin pa maliwanag ba.?"yon lang at iniwan na ni Don Hillston ang mga ito.
"Aubrey di na namin makausap si Gabriel.Lalo na si Vanesa dahil di na iyon pumupunta dito.Baka naman nagkakamali ka lang iha."advice na lang ni Crisilda sa manugang niya.
"Pagsabihan mo din ang anak mo balae.Kawawa naman ang anak ko."inis na ani ni Mrs.Hidalgo sa mother ni Gilbert.
"You mean na kinawawa namin si Aubrey ha balae.?Aba ako nag aalaga kay Angel ah.May allowance pa siya monthly mula sa akin.Ano bang kawawa doon ha Mrs.Hidalgo.?"inis na tanong ni Crisilda sa balae niya.
"W-what I mean is sana maging loyal na talaga si Gilbert sa anak ko."explanation naman ni Mrs.Hidalgo.
"Ikaw din ang may kasalanan Aubrey.Naging sobrang nagger ka at sinisigawan mo daw si Gilbert sa maraming tao.Bff kita but kapatid ko din si Kuya Gilbert."kontra naman ni Hillary sa kaibigan niya.
"H-hillary di mo ako maintindihan.Matapos kung manganak nanlamig na sa akin ang kuya mo.At sinabi niyang mas better si Vanna kesa sa akin."frustrated na napaiyak na talaga si Aubrey nagwork pa nga siya ng todo para bumalik kasexyhan niya.Pero talagang wala na sa kanya ang atensyon ni Gilbert Montes.
"Naintindihan kita Aubrey but din sobra ka ng demanding sa totoo lang.Ang love give and take dapat.But you are so selfish gusto mong nasa sayo lage ang time at atensyon ni kuya Gilbert.Tama ba iyon ha Aubrey.?"inaway na bigla ni Hillary ang baliw na kaibigan niya.
"Aubrey ano pa ba ang hihilingin mo sa anak ko.?Mabait ako sayo kaya siguro lumaki ang ulo mo.Balae dapat pagsabihan mo din ang anak mo wag niyang pinipressure ang anak ko.!"biglang nagalit si Crisilda dahil di naman nila pinabayaan si Aubrey sa totoo lang.
"M-mommy at Hillary ang sinisisi ko lang naman si Vanna.K-kaya nga siya ang pinuntahan namin dito."biglang kambyo ni Aubrey takot syempre siya magalit ang inlaws niya.
"Ok ako ang bahala sa bagay na ito."ani na lamang ni Crisilda pero di niya alam kung paano niya kausapin nga si Vanna.Dahil nilalayo ni Gabriel ang asawa nito sa kanilang lahat.Pagtatalak lang naman ang kaya niyang gawin.Di niya kayang galawin pa si Vanna.Di na tulad ng dati ito na simpleng college student lang.Ngayon matayog na ang career nito dinaig pa nga ang anak niyang si Gilbert.Para tumahimik na lamang si Aubrey kaya sinabi niya ito.
"Salamat po Mommy."sumaya naman si Aubrey sa narinig niya talagang marami ng kontra si Vanna sa pamilyang Hillston.At yon ang gusto nilang mangyari.Ang magdusa din ito dahil di daw siya masaya sa pagsasama nila ni Gilbert.Selfish siyang tao yon kasi ang tinuro ni Mrs.Hidalgo sa kanya.Di nga niya kinikilalang half sister si Vanna.Paano naman siya mahalin nito.?
Samantalang nagsumbong naman si Antonette kina Gabriel at Vanna mismo.Dahil gumagawa ng kwento daw ang mag inang Hidalgo.At dinidiin talaga si Vanna.
"Paano naman ako lalandi kay Gilbert Montes ei 24/7 nakadikit ako sa Gaby ko.?"relax na relax si Vanna lang sa mga bisig ni Gabriel.
"Exactly they are a bunch of none sense people you know."magaan din ang aura ni Gabriel dahil malapit ng manganak misis niya.
"Hayaan mo Antonette pagkapanganak ni Vanna reresbak kami.Takot sina Aubrey kung haharapin na ni Vanna ito.Hawak niya ang kabuhayan ng kanilang pamilya.Kaya tanging talak lang ang kaya nilang gawin sa totoo lang."napapailing si Amy sa ugali ng half sister ni Vanna.
"Insecure lang si Aubrey dahil di niya makuha ang gusto niya.Ang full attention ni Gilbert di niya alam na madaling magsawa ang lalake na iyon."natatawa na lamang si Vanna dahil nagiging paranoid na ang half sister niyang maldita.
"Honey don't mention your exes name ok."biglang sumimangot at umandar pagka possessive ni Gabriel.
"Paano ako manlalaki ei sobrang seloso itong Gaby ko diba.?But sobrang cute niya pag magselos para siyang duck na nakanguso pa.Mwaaah mwaaah mas gwapo ka pa kesa sa pamangkin mo Honey."nilambing naman agad ni Vanna si Gabriel.
"Kita mo na Antonette sobrang inlove itong boss ko sa mister niya.Paano naman siya manlalandi ng iba.?Aba araw araw nilalanggam kami dito sa sobrang sweetness nilang dalawa."biro pa ni Amy na nagpatawa sa mag asawa.
"Kaya nga sinabi ko impossible ang sinasabi ni Aubrey Hidalgo."masaya naman si Antonette dahil masaya talaga sina Gabriel at Vanna.Pilit lang umeepal ang ibang tao sa pagsasama ng dalawa.

Substitute BrideWhere stories live. Discover now