Substitute Bride ☆ Part 10

71 1 0
                                    

Nagpapansin naman si Aubrey buong araw.Tumutulong pa ito kay Senyor Hillston sa green house nito.Di pinapansin ito ni Senyor Hillston.Pero kumuha ng gunting si Aubrey at ginupit ang halaman nito.
"Hillary ilayo mo sa akin ang buntis na babae na ito.Baka di ako makapagpigil.!"sigaw ni Senyor Hillston sa apo niya.
"A-anong ginagawa mo Aubrey.?Ginupit mo ang mahal na halaman ni lolo.?Wala ni isa sa amin ang gumagalaw sa mga halaman niya.!"gilalas na sambit ni Hillary sa nakikita.Gusto yatang kalbuhin ni Aubrey ang halaman ng lolo niya.
"G-gusto ko lang tumulong naman Hillary."nataranta naman si Aubrey sa sinabi ni Hillary.
"Wala ka namang alam talaga.Kaya mas mabuting wag ka ng magpaimpress pa Aubrey."napapailing na lamang si Vanna dahil boba itong half sister niya talaga.Pampered din kasi ni Angelina kaya walang alam sa buhay.Siya naman naupo lang sa bench at nagtitingin ng papers sa company niya.Pinagbawalan na kasi siya ni Gabriel na pumasok sa opisina niya.Kaya sa bahay na lang siya nagtatrabaho muna.Nakadantay pa ang paa niya sa hita ni Gabriel.Gaya niya may trabaho din itong ginagawa.Pero ang isang kamay nito minamassage ang binti niya.
"S-sorry lolo."sabay tingin ni Aubrey ng matalim kay Vanna.
"Di ko alam kung bakit di ka naging matalino tulad ni Daddy.Kung step sister lang kita maintindihan ko pa.Pero biological daughter ka ni Daddy."pang aasar pa ni Vanna kay Aubrey.
"Vanna papahiyain mo ba ako sa harapan nila.?"galit na ani ni Aubrey sa kapatid.
"Nagsasabi lang naman ako ng totoo.Maganda ka oo pero brainless ka naman."brutal ang mga katagang binitiwan ni Vanna sa kapatid.Napapangiti si Gabriel dahil kaugali niya talaga ang misis niya.
"Stop it Vanesa mastress lang si Aubrey.!"nangialam na si Hillary sa sagutan ng dalawa.Bago pa siya makailag lumipad sa mukha niya ang folder na nasa harapan ni Gabriel.
"Respetuhin mo ang asawa ko Hillary.Kung ayaw mong itong palad ko na dadapo sa mukha mo.Kung di ka kayang Disiplinahin ni ate Crisilda.Ako magagawa ko iyon.!"mahina pero puno ng pagbabanta ang boses ni Gabriel sa pamangkin.
"S-sorry po Tito."nanginig ang kalamnan ni Hillary minsan lang magbanta si Gabriel sa kanila.Pero nakakatakot nong nag away sila minsan ni Antonette.Kumuha ng baril si Gabriel at pinutukan sila sa gitna nila.Kaya di na sila nagtatalo sa harapan ng Tito Gabriel niya.Nadala siya sa emosyon niya ngayon.Nakalimutan niyang asawa na ni Gabriel si Vanna.
"Will di pa ako kilala ng pamangkin mo din.Tanungin mo si Aubrey kung kakayanin mo ba ako Hillary Mortes.?"banta din ni Vanna ayaw niya sa childish na bangayan.Gusto niya yong pisikalan agad agad.
"H-hillary alam ni Vanna ang martial arts.Kaya wag kang lalapit sa kanya.Nabalian na ako ng buto noon.At pinaospital lang ako ni Daddy ko.Nilunod din ni Vanna ang aso ko noon.Psychopath siyang matatawag."hinila ni Aubrey si Hillary takot din naman siya sa kapatid niya.
"Buti alam mo Aubrey na psychopath ako."natatawang pang ani ni Vanna sabay yakap sa mister niyang nakangiti na.
Proud na proud si Gabriel sa misis niya.Wala pala talaga sa kalingkingan ni Vanna si Aubrey.At takot pala ito sa asawa niya.Dinner time dumating sina Carlos at Angelina.Inimbitahan kasi ito ni Senyor Hillston.
"Buti naman unti unti na ninyong tinatanggap po si Aubrey Senyor Hillston."matamis ang ngiti ni Angelina habang nasa hapag kainan.
"Apo ko si Gilbert may magagawa ba ako  Mrs.Hidalgo.?"sarkastikong ani ni Senyor Hillston.
"Manahimik ka na lang Angelina."saway agad ni Carlos sa asawa.
"Daddy kumain po kayo ng mabuti.Medyo pumayat ka na oh."naging filial na anak kuno si Aubrey sa harapan ng lahat.
"Bawal sayo ang mataba Dad.Kumain ka ng gulay often."as a doctor yon ang advice ni Vanna sa ama.
"O-ok Vanna."sumaya ang puso ni Carlos dahil may malasakit pa pala sa kanya ang anak niyang panganay.
"Less rice din mas ok ang brown rice for your age Daddy."tuloy pa ni Vanna strict dapat sa diet ang ama na may highblood.
"Manang yon din ang gawin ninyo sa diet ko.More gulay at brown sa mesa.!"utos naman agad ni Senyor Hillston sa katulong.
"Pero lolo paano kami na di highblood.?"reklamo ni Heidi na doon sa mansion umuuwi.
"Wag kang sumabay kay lolo problema ba iyon Heidi.?Or kumain ka na lang sa kusina."kontra agad ni Antonette sa babae.
"Stop it Antonette."disciplinarian talaga si Gabriel ayaw niyang nagtatalo sa hapag.
"O-opo Tito."tumalima naman agad si Antonette.Binilatan naman ni Heidi siya.
"Heidi act like your age ok.Di na kayo mga bata para magbangayan sa maliit lang na bagay."walang bias si Gabriel sa mga pamangkin niya.
"O-opo Tito."napahiya naman si Heidi.
"Siguro maging good father ka talaga Gaby.Wala kang favoritism sa mga pamangkin mo."hinimas naman ni Vanna ang pisngi ni Gabriel.
"Really.?Thank you sa compliment Honey."hinalikan ni Gabriel ang kamay ni Vanna.
"PDA eww."bulalas ni Aubrey bigla.
"Manahimik ka sabi Aubrey."hinampas ni Carlos ng kamay ang bunganga ng anak.
"Daddy di na bata iyang anak mo.Dont treat her like a kid then.Pagwalang tao tsaka mo na lang hampasin."kumunot ang noo ni Vanna.
"Siguro pampered masyado si Aubrey kaya ganito na siya lumaki.Di gaya mo noon na strict ako sayo."nalungkot at nagsisi si Carlos sa favoritism niya noon.
"You did not failed to discipline me either.Dahil sobrang strict mo ito na ako ngayon.Nakatayo sa sarili kung paa.Pero failed ka nga sa pagpapalaki mo kay Aubrey.Sana yong anak niya di matulad sa kanya."seryosong saad ni Vanna sa ama.Nakikita niya na tila maiiyak si Carlos sa sinasabi niya.Pero syempre pinipigilan nito iyon.Mahal niya ang ama niya pero dahil sa step mother niya.At the same time galit siya dito.Nagpabulag kasi ito sa kalandian ni Angelina.At di niya matatanggap na second mother talaga ito.No choice naman siya pagdating kay Aubrey.Dugo at laman ito ng Daddy niya.Lihim niyang Pina DNA test ito.Pero nadismaya siya na kapatid talaga niya si Aubrey sa kasamaang palad.
Buong araw sina Amy at Vanna sa mansion.Nagyaya din kasi si Vanna maligo sa pool.Naiinitan daw siya masyado.Nagtwo piece sana siya pero sinuotan siya ng Gabriel nang manipis na tshirt nito.
"May kasabihan ang matatanda Honey madaling mausog ang mga buntis kasi."malumanay na explanation ni Gabriel possessive din siya.Dahil dumating daw si Gilbert kanina lang.
"Sa scientific theory walang ganun naman.Ok pero komfortable ang tshirt mo.Maghubad ka na dalhin mo ako sa malamig.Di ako pwedeng lumangoy right."masayang hinila ni Vanna si Gabriel sa tubigan.
"Careful ok."natatawang inalalayan ni Gabriel ang misis.Buti naman may time din si Vanna mag enjoy pala.Para sa kanya noon decoration lang ang pool na ito sa paningin niya.
"Kay sexy mo talaga.Sobrang tigas ng mga muscles mo Gaby ko."hinihimas pa ni Vanna ang buong katawan ng mister niya.
"Magsawa ka sa paghimas himas."gustong gusto ni Gabriel iyon.Aloof siya sa mga babae noon.Pero ngayon hinahayaan niyang si Vanna sa gusto nitong gawin sa kanya.
Samantalang may dumating na bisita si Gabriel.Pinsan daw niya sa mother side.Kasama ang matuturing niyang childhood friend noon.Si Melodie iyon na once nagligtas sa buhay niya noon.Nong makidnap sana siya sa mga myembro ng black gang.Hanggang ngayon magkalaban pa rin ang organization na Binuo niya sa black gang sa underworld.Ang pinsan niyang ito ay isa sa mga tauhan niya sa underworld.Si Melodie daw ang nagtraining para maging myembro din sa mga tauhan nila.Si Melodie galing lang sa bahay ampunan.At si Gabriel ang sumasagot sa lahat ng pangangailangan nito ngayon.
"Kuya Gabriel kinasal ka na daw.?Bakit di mo sinabi sa amin ni Melodie.?"tila galit ang Tono ni Laarnie na nagtanong.
"Laarnie obligado ba akong magsabi sa inyo.?"kumunot ang noo ni Gabriel sa asal ni Laarnie ngayon.
"P-pinsan mo ako at matalik mong kaibigan si Melodie diba.?S-sana sinabi mo sa amin para makadalo kami."naging maamo bigla ang Tono ni Laarnie.Ang totoo plano nila Melodie na si Melodie ang maging asawa daw ni Gabriel.Para di sila maging ordinary na tauhan lamang sa organization.Akala nila ayaw ni Gabriel maikasal kay Aubrey Hidalgo.But then dumating daw bigla si Vanessa Ann Hidalgo.Ang sikat na anak ni Carlos Hidalgo sa larangan ng medisina.Kaya napasugod sila sa mansion ng mga Hillston ngayon.Gusto nilang makita din sa personal si Vanessa Ann din.

Substitute BrideWhere stories live. Discover now