Substitute Bride ♡ Part 7

51 1 0
                                    

Galing sa trabaho si Vanna dumeretso siya sa mansion.Will bilang asawa ni Gabriel gagawin din naman niya ang resposibilidad niya.Tiyak nandun si Gilbert sa gathering.Ipapakita niyang asawa na talaga siya ni Gabriel ngayon.
"Sa tingin ko napipilitan lang si Vanessa makasal kay Gabriel Tito.Kaya wala siyang balak pumunta sa gathering kasama ang asawa niya."pang aasar pa ni Hector kay Gabriel.Sinama niya ang mag ina niya para mainggit si Gabriel sa kanya na may asawa at anak palage sa tabi.
"Di gaya ng ibang asawa ang asawa ko pinsan.Sobrang busy niya may cosmetic factory siya at siya din ang namamahala sa malaking private hospital nila ngayon.Ano ba ang ginagawa lang ng asawa mo.?Yong pagsilbihan ka lang sa bahay.?Ibahin mo si Vanna kesa kay Angela maliwanag ba Hector.?"sinasabi ni Gabriel ang katotohanan sa pagkakaiba nina Angela at Vanna.
"M-may jewelry shop akong pinapalakad ngayon."taas noo namang ani ni Angela.
"Pwede ka naman maupo lang sa shop mo Angela.Si Vanna ay isa din surgeon kaya mas busy siya sayo.Bakit hindi na lang ang asawa mo Hector mamahala sa next gathering.?Total naman umeepal ka lage sa issue dito sa mansion."sarkastikong ani ni Gabriel sa pinsan at sa mayabang na ex gf niya.
Mayamaya pa dumating si Vanna na hindi pa nga nakabihis galing sa ospital.
"Sorry Papa nalate ako di ko kasi alam na may gathering pala ngayon."paumanhin ni Vanna kay Senyor Hillston.
"Its ok naintindihan ko iha.Maupo ka na at ng makakain ka na."magiliw na ngumiti si Senyor Hillston kay Vanna.
"Gaby sana sinabihan mo ako sa gathering na ito.Nalate tuloy ako dahil trapik lang sa Pinas."tumabi si Vanna kay Gabriel sabay halik sa pisngi nito.
"Its ok kung di ka nga nakakapunta.I know you are so busy enough."pero si Gabriel di makonteto sa lips hinalikan si Vanna.Binilhan siya kasi nito ng comfortable na mask.Sabi pa nga nito di maunawaan kung bakit tinatago niya ang gwapong mukha.Nong umuwi sila galing honeymoon naging close and intimate na sila bigla ni Vanna.Will ginawa na din ang ginagawa ng mag asawa.They are trying to make baby in a normal way.Request iyon ni Vanna tinutupad lang niya iyon with pleasure.
"So close agad kayo ni Vanesa ha bunso.?Nong si Aubrey ang fiancee mo sobrang ilap mo daw sa kanya."puna ni Crisilda sa bunsong kapatid.
"Iba si Vanna kesa kay Aubrey."tipid lang na sagot ni Gabriel at sinusubuan pa ng Hipon ang misis na binalatan niya mismo.He learn na mahilig si Vanna ng seafood.
"Speaking of Aubrey ate saan na siya ngayon pala.?"curious na tanong ni Hilda sa kapatid.
"Mommy nakauwi na si Aubrey buntis na siya sa baby ni Kuya Gilbert.At nasa bahay nila Hillary."masaya pang pagbabalita ng boba na si Heidi ang anak ni Hilda.
"Heidi bakit mo sinabi sa harapan ni lolo.?"natarantang saway ni Hillary sa pinsan.
"Will proud siguro siya sa kahihiyan na dinulot ni Aubrey sa pamilya natin."ismid naman ni Antonette na anak ni Antonia kontra ito kina Hillary at Heidi madalas.
"Antonette wag ka na makialam sa issue."saway ni Antonia baka magalit si Crisilda.
"Wala na akong pakialam kina Aubrey at Gilbert.Pero wag ninyo silang patuntungin dito sa pamamahay ko maliwanag ba Crisilda.?"galit na bilin ni Senyor Hillston sa panganay na anak.
"O-opo Papa."yon lang ang masasabi ni Crisilda mas mabuti na iyon sa worse na punishment nito para kay Gilbert.
Samantalang masaya ng nagshopping sina Aubrey at Angelina.Tila walang nangyari sa kanila nong nakaraan na buwan.7 months na ang tiyan ni Aubrey at lalake ang anak nila Gilbert.Kahit papaano concern si Gilbert sa bata.Kaya binigyan niya ng credit card si Aubrey.Nagpapalibre din si Angelina dahil naka froze ang credit cards niya.Ibabalik daw iyon ni Carlos depende sa mood nito.Masaya pa silang umuwi ng bahay na maraming paper bags.
"Carlos baby boy ang anak ni Aubrey.Tingnan mo pinamili namin kay cute diba.?"pinakita pa ni Angelina ang mga damit ng apo niya.
"So masaya kayo na pinagtatawanan tayo ng mga tao.?Di na kayo nahiya magshopping.Laman kayo ng chismis na tinuhog daw ni Aubrey ang mag Tito.?Na ayaw daw ni Aubrey kay Gabriel dahil matanda na at walang kakayanan sa kama.?So natutuwa pa kayo sa lagay na iyon ha Angelina.?"bulyaw ni Carlos sa mag ina na walanghiya.
"Daddy wala akong pakialam sa sasabihin ng mga tao.Mahal ko si Gilbert hindi si Gabriel.Yon ang di maintindihan ng mga tao.And I don't care.!"malditang ani ni Aubrey sa ama.Pero isang sampal ang ginawad ni Carlos sa pisngi niya.Natigalgal sila ni Angelina bigla.
"Sa halip na magtanda ka na Aubrey.Sumasagot ka pa sa akin.?Inispoiled kita kesa sa ate Vanna mo.Pero ikaw pala ang magbibigay ng kahihiyan ko.Angelina patahimikin mo bunganga ng anak mo.Baka itakwil ko na iyan biglang anak.!"yon lang at galit si Carlos na lumabas ulit ng kabahayan.Lately nagpupunta siya ng bar or club para maibsan ang tension niya.
"Hay naku Aubrey wag mo kasi sagutin ang Daddy mo.Ngayon pinupuri na niya madalas si Vanna.Maging masunurin ka na ayoko din pulutin sa kalsada.Di naman pwede pati ako makisiksik sa bahay ng byenan mo."malumanay na payo ni Angelina sa anak.
"Yes Mommy ayoko din malamangan ng Vanna na iyon.!"kahit matagal na lamang na ang kapatid kay Aubrey.Iniisip pa rin niya na mas lamang pa rin siya kay Vanna saan man aspeto.Lalo na asawa na niya si Gilbert Mortes ngayon.
Isang araw tumitili si Vanna sa banyo.Habang nagbibihis naman si Gabriel para pumasok sa trabaho na.Patakbo siyang nagtungo agad sa banyo.
"Honey what happen.?"tiningnan ni Gabriel agad kong may masakit ba sa misis niya.
"Positive ang PT buntis na ako Gaby."umiiyak sa galak si Vanna natupad agad ang wish niya sa buhay.Ang bigyan ng apo ang Mommy niya.
"Oh my god Daddy na ako.?Wait dapat happy ka diba dahil buntis ka na.Shhhh...don't cry."pinapatahan ni Gabriel si Vanna pero siya naman ay naiyak din.
"Ikaw nga naiyak ei tears of joy ito."natatawa si Vanna Kay Gabriel ang binabalitang notorious na nilalang.Ngayon naiiyak sa harapan niya.
"Pwede ako maiyak dahil di naman ako buntis.Aabsent ako sasamahan kita sa ospital ngayon.At bibili tayo ng kelangan mo Honey ok."kinarga na ni Gabriel si Vanna at binihisan pa niya ako.
"Di ako ang baby bakit binibihisan mo ako.?"halakhak ni Vanna pero gusto naman niya ginagawa ni Gabriel sa kanya.Sa paningin ni Gilbert sa kanya tough woman.Pero kelangan din niya ang pampered ng partner niya.Nawala man sa kanya si Gilbert.Pero sobra naman ang pinalit ni Lord sa kanya.Brutal at rude si Gabriel Hillston sa ibang tao.Pero sa kanya hindi sa loob ng dalawang buwan pagsasama nila so far.Di pa siya pinagtaasan ng boses nito.Di niya alam kung bakit anong dahilan ni Angela na ipagpalit si Gabriel kay Hector na ginagawa itong pounching bag.
"But ikaw ang nagdadala ng baby.Kahit may baby na tayo aalagaan pa rin kita forever.Kaya wag ka na magreklamo Mrs.Hillston hmmmpp."malambing na saad ni Gabriel.
"It make sense nga naman."hagikgik pa ni Vanna siguro ito na ang bigay ni Lord na kaligayahan niya.Dahil noon talagang puno ng kalungkutan ang puso niya.
Nalaman nilang twins na babies pa ang nasa tiyan ni Vanna.Kelangan niya na talagang wag muna magtrabaho ng husto.Syempre doctor din siya alam niya alagaan ang sarili niya.May assistant naman siyang maasahan.Siya na lang taga pirma sa mga papel na dapat pirmahan niya.
"Anong gusto mong kainin Honey.?"tanong agad ni Gabriel.
"Gusto ko ng manggang hilaw with bagoong.Typical na buntis ako gusto ko ng maasim.Dapat bumili ka sa palengke wag sa supermarket ok.Dahil fresh doon ang mangga."utos pa ni Vanna sa mister.
"Masusunod Madam Hillston."si Gabriel talaga ang nagsadya sa palengke nagsama lang siya ng mga tauhan para magbitbit ng pinamili niya.
"Bossing dapat bumili tayo nitong santol din.Maasim din ito diba Ale.?"tanong pa ni Jimmy sa tindira.Kay saya ng mga tauhan ni Gabriel.May minimi na ang boss nila.
"Oo buntis pala ang misis ninyo.Tama itong santol po Sir maasim din.At itong duhat din po marami pang vitamins C po."alok naman ng tindira sa paninda niya.
Tig tatlong box ng mangga,santol at duhat ang binili ni Gabriel.Nagreklamo si Vanna kaya sila ni Jimmy dapat kumain din daw noon.Nag eenjoy naman si Vanna kasabay ang dalawa.At natatawa siya pag umasim ang mukha ni Gabriel.

Substitute BrideWhere stories live. Discover now