Chapter 20

1.7K 25 17
                                    

"Ate Jothea...M-may dugo..."

Agad akong napatingin sa kaniya at nanlaki ang dalawa kong mata nang makita kong umaagos sa kaniyang mga hita ang dugo. Shit. Napalakas ba ang tulak ko sa kaniya kanina?

Nabitiwan ko ang bag ko upang puntahan siya. I am in panic and don't actually know what to do. She is in a pool of her blood. Hindi ko mapigilang mablangko sa nakikita ko. Pawis na pawis ang buo niyang mukha. And I blamed myself because of this.

"Ate Jothea...tulungan m-mo ako."

"I'm here. Shush. Don't talk. I can't think right."

"Tumawag ka ng ambulansya," payo niya na siyang sinunod ko. Madali kong hinanap ang bag ko na siyang hindi ko alam kung saan ko naitapon. Nang makita ko ay mabilis kong kinuha ang phone ko na ngayo'y basag ang screen. Mabuti na lang at napipindot pa ito kahit papaano. I tried to call an ambulance.

It is ringing, and when it connects, I immediately tell them what happened.

"Please, please, we really need help here. I don't know what to do," I exclaimed in panic, even though my voice was shaking in nervousness. Ang mga kamay ko'y nanginginig din.

"Calm down, Miss Alvandra. I'll call the ambulance for you. Tell me your address."

I gasped when I heard Ismael's voice. Muli akong napatingin sa screen. Ano bang number ang pinindot ko at bakit si Ismael ang natawagan ko? Sayang ang mga sinabi ko kanina! Akala ko ambulansya!

Wala na akong nagawa kundi banggitin sa kaniya ang address namin. Mukhang naintindihan niya naman kung bakit siya ang natawagan ko, kasi hindi na siya nagtanong. I was in panic.

"Alright...stay there. I'll be there in a bit."

Hindi na ako nakaapela nang patayin niya na ang tawag. Pupunta siya rito? Akala ko ba ambulansya ang papupuntahin niya? Mas lalo akong kinabahan at nawala sa sarili. Kung hindi ko pa siguro naalalang naiwan ko si Roxsielle doon sa bukana ay hindi ko siya mababalikan at maaalalayan.

The blood from her is dripping like a river. What the hell is happening? I am literally scared. Lalo pa ngayong nakikita ko ang mukha ni Roxsielle na natatakot at nahihirapan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. My tears are welling up.

Ilang sandali pa ay narinig ko na ang sirena ng ambulansya. Nagkaroon ako ng pag-asa. Malakas akong sumisigaw kung nasaan kami at nakita naman nila kami. Agad silang lumapit sa amin at inalalayan si Roxsielle papunta sa stretcher. Mabilis ang mga kilos nila.

"Miss Alvandra!" Napalingon ako sa lalaking tumawag sa akin—si Ismael, kabababa lang niya mula sa kaniyang sasakyan. "Are you alright? What happened to your arm?" He held my arm, and that's when I noticed I got a huge scratch that is now bleeding...ito siguro ang nakalmot ni Roxsielle kanina.

"Miss, pumasok na po kayo sa loob. Kailangan na natin siyang madala sa hospital," sambit ng isang lalaki mula sa ambulansya. Tumango ako. Muli akong tumingin kay Ismael para magpaalam sa kaniya.

"I'll follow."

Sumakay na ako sa ambulansya. Hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayong nasa harap ko si Roxsielle na hirap na hirap. I should've composed myself. Mas matanda ako sa kaniya. Sana hinabaan ko ang pasensya ko. Sana mas naging mabait ako at hindi ko pinairal ang masama kong ugali. Ako ang ate.

Nanginginig ang mga daliri ko habang tinitipa ang numero ni Joth. I called him to notify him of what happened to his partner. At ang natanggap ko? Walang katapusang mura at sigaw. Mas lalo akong napaluha.

Ibinigay ko na lamang sa kaniya ang address ng hospital kung saan dadalhin si Roxsielle. Pinadalhan ko na rin si Joth ng pera para mayroon siyang pamasahe papunta. I feel so hopeless.

Take Me Down, Professor (El Profesor #1)Where stories live. Discover now