Chapter 37

1.3K 24 7
                                    

"The bride is here!" sigaw ni Raviel tsaka tumayo mula sa kinauupuan niya upang salubungin ako. Grabe. Kani-kaniyang lingon naman ang mga kaklase ko patungo sa akin. Ang dami pala namin dito?

Nakita kong naroon din si Savannah at inirapan ako. Bumulong pa siya ng "the bitch is here" sa hangin. Well, she's right, pero iniwasan ko na lang siya ng tingin. I am not here to fight. I am here to pay for my debts. I am here to rest. I am here to have fun, kahit na sa mga titig palang nila ay nauubusan na ako ng social battery.

Nagulat ako nang lumapit si Raviel sa akin upang kunin ang maletang dala ko. "Akala ko hindi ka pupunta," dagdag pa niya. "I'll bring your luggage to your respective tent. Yung mga nanalo lang sa activities kanina ang matutulog sa bahay, the rest sa tent na. You can sit there while eating, tapos na naman ako." Turo niya sa vacant space kung saan siya umalis.

"Ha? Oh, okay, pero ako nang bahala sa luggage ko." Pilit ko iyong kinukuha mula sa kaniya, pero hindi niya ibinibigay.

"Ako na, d'yan lang naman para makakain ka na rin doon," giit pa ni Raviel.

"I'll hold it for her."

Agad na hinatak ni Ismael ang luggage ko mula kay Raviel. Gosh. Akala ko nakaalis na siya?

Nanlaki ang mga mata ko at napanganga sa ginawa niya. What the hell? Bakit siya nakipag-agawan kay Raviel? Hindi ba siya natatakot? Anong isisipin ng mga nakatingin? Akala ko ba secret relationship?

"A-ako na po, p-professor! Kaya ko na! Nadala ko nga 'yan papunta rito. Dalhin pa ba sa tent ay hindi ko kaya?" Kinuha ko na ang luggage ko sa kaniyang kamay upang hindi na sila magtalo pa. Nagsisisi na akong nagmaleta ako ngayon! Sana lang ay hindi iyon bigyan ng ibig sabihin ng mga nakakita. Pasaway talaga si Ismael. Gusto niya bang mapatalsik sa Marcus University?

Mabuti na lang at sinalubong ako ni Atacia, ang classroom president namin tsaka binati bago tinuro ang tent namin. Kasama ko raw siya sa loob ng tent at ang isa pa naming kaklase. Tumango na lang ako, kahit na sobrang laki na ng pagkailang na nararamdaman ko. Hindi talaga ako sa sanay! Parang gusto ko nang umuwi.

*****

"Jothea! Anong ginagawa mo d'yan? Halika rito!" tawag ni Raviel sa akin nang makitang narito lang ako sa labas ng tent at pinagmamasdan sila. Hindi ko kasi alam kung pupunta ba ako roon sa kanila. Wala naman akong kaibigan. Hindi katulad ni Ismael na abala sa pakikipag-usap sa ibang mga professor.

Hinila ako ni Raviel papunta roon sa malapad na lamesa kung saan naroon din ang mga kaklase ko na kapwa abala sa pagkain. Tama nga ang hinala ko, marami ngang pagkain na nakahanay sa gitna.

"Oh, kumakain ka ba nito? Malinis 'yan."

Napatingin ako sa pinggan na inaabot ni Raviel sa akin. May lamang kanin, inihaw na bangus, longganisa, kamatis, itlog na pula, kangkong, at puto. Napangiti ako sa loob ko. Ngayon na lang uli ako makakakain nito, ah.

"I don't know what you really like to eat. Kumakain ka ba ng mga 'yan?"

Tumango ako. "Oo, maraming salamat," simpleng sagot ko bago nagsimulang kumain.

Umupo siyang muli sa tabi ko at inabutan ako ng bote ng soft drinks. In fairness, naman kay Raviel, maasikaso. Naalala kong siya nga pala ang tumulong sa akin para makapasok sa casino at magkaroon ng trabaho. I never had the chance to thank him for that.

"Thank you rin pala dahil ipinakilala mo ako kay Mr. Vargas."

Ngumiti siya. "Don't mention it. Magkaibigan naman tayo. We're supposed to help each other, aren't we? So help yourself too and eat," wika niya bago ako hinayaang kumain.

Take Me Down, Professor (El Profesor #1)Where stories live. Discover now