Chapter 35

1.4K 22 8
                                    

"I'm starting to love you..."

Mga salitang hindi ko inaasahan kay Ismael. Those words sent me a huge amount of warmth that touched my hopeless romantic heart. Napakamakapangyarihan. Kaya akong pahinain at pasukuin ng mga salitang iyon. I feel like at any moment I could die. Akala ko ay wala nang magmamahal sa akin dahil tinalikuran na ako ng pamilya ko, pero heto siya nagsisimulang mahalin ako.

"W-what did you say?" I asked, in the middle of difficulty in my breathing. He never warned me about that. I was never prepared. I guess I will never be. Napaatras ako mula sa kaniya. We are now sitting across from each other, holding hands.

"My heart keeps calling your name. It's about to burst."

Napakagat ako sa labi. I was never ready for his confession. Katulad na lang noong umamin niyang gusto niya ako. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng nakatatanggap ng sincere na confession? I am going nuts.

"Do you want to date me?" Lalo akong napatitig sa mga mata niya. Akala ko nakagugulat na ang pagsabi niya na nagsisimula na siyang mahalin ako, mas hindi ko inaasahan itong tanong niya. Anong klaseng tanong iyon? No one can turn down his offer.

"A-are you serious?" tanong ko habang tinititigan ang kaniyang mga mata, pero kahit ang mga iyon ay nagsasabi ng totoo. Gusto niya ako. Seryoso siya sa mga sinabi niya. "What about your job? Aren't you scared? You know what happened to Professor Sybill before, right? It was because of me," litanya ko dahil unti-unting umusbong sa akin ang takot nang maalala ang nangyari bago siya dumating sa buhay ko.

He caressed my cheeks and answered me with a smile. "You just have to say yes, ako nang bahala sa lahat."

Napakagat ako sa labi dahil pinipigilan ko ang isang salitang maaaring makasakit sa kaniya, pero tuluyan na itong kumawala. "No." Napatayo ako na siyang sinundan niya ng tingin. "No, Ismael. What are you thinking?" Magkasalubong ang mga kilay ko nang tanungin ko siya. Puno ako ng pag-aalala.

"Why?" Tumayo rin siya, kaya ako naman ang nakatingala sa kaniya. "Don't you like me too?"

"I like you too! I like you too, Ismael!" My hands are now shaking. This is because of the overwhelming feelings I have inside. Mayroon na akong sariling nararamdaman para sa kaniya na sobrang lakas din, nadadagdagan pa dahil sa mga sinasabi niya. Hindi ko na alam saan ilalagay ang mga ito. Gusto ko na lang umiyak. "Kaya ako nagselos at nagalit dahil gusto rin kita! But dating is not for us in the meantime, Ismael."

"Why not?" Hinawakan niya ang kamay ko. "Aren't you convinced that I have these feelings towards you? Gusto kong patunayan sa 'yo ang nararamdaman ko." Itinapat niya ang kamay ko sa dibdib niya. Rinig ko ang malakas na tibok nito, katulad ng sa akin.

"I am convinced, Ismael. I am! And I believe every word you say, every action you take for me, pero hindi ka ba natatakot? Because I'm starting to be scared. I don't want you to experience the same thing as Professor Sybill. He was dismissed because of me. I don't want to see you punished because of me," may diin kong paliwanag.

"We can keep it a secret."

Napakagat ako sa ibabang labi ko at hindi ko na napigilang lumuha. That's what I said before to Professor Sybill. I was so desperate to be in a relationship with him, and now I can see myself in Ismael. It hurts me deeply to see him like this. Naaawa ako sa itsura niya na para bang nanglilimos ng pagkakataon para sa akin. He can buy anything he wants. How come this guy begs for me? Ibinababa niya ang ego niya para sa akin. He was so hard-hearted toward me before. I don't want him to stoop low just to ask for my heart. Napakahirap ko ba talagang mahalin?

Umiling ako at hinaplos ang mukha niya. "Pero Ismael, hindi mo deserve na mahalin nang palihim. Kung papayag man ako, I want to date you freely because I know to myself that I'm starting to love you too."

Take Me Down, Professor (El Profesor #1)Där berättelser lever. Upptäck nu