Chapter 34

1.5K 25 14
                                    

"Now, ikaw ang magsabi, katawan mo lang ba ang habol ko sa 'yo?"

Naglakad siya papalapit sa akin. Gamit ang red wine glass ay inangat niya ang baba ko para mahuli niya ang mga nagtatago kong tingin. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakatitig lang naman ako sa kaniya, pero bakit parang hinihipnotismo niya akong umayos ng sagot dahil hindi niya na tatanggapin pa ang kahit anong pabalang na salita o pamimilosopo.

"I don't know." I averted my gaze and tried to find some good words that wouldn't offend him, but I guess I'm built like this, so any words coming out of my mouth will be hurtful. "Kung dinala mo ako rito para matulog, then I will sleep."

Napansin ko ang pagbuntong-hininga niya. Hindi niya siguro inakalang iiwasan ko ang tanong niya.

"Alright, pwede naman tayong mag-usap sa iba pang pagkakataon. You rest for now," he surrendered. I can see in his eyes the hopes that are now fading away because I refuse to talk about what he wants.

Kumuha siya ng damit bago tuluyang lumabas upang pumunta roon sa may tabi ng pool. Kita ko siya mula sa kamang inuupuan ko dahil glass barrier ang division ng penthouse. Nakaupo siya sa ilalim ng malaking payong at nagbabasa ng isang puting libro.

Hindi ko namalayang nakatulog ako sa kamamasid sa kaniya.

*****

Nagising na lang ako na hindi na ganoon kataas ang araw. Agad akong napatayo mula sa pagkakahiga nang hindi ko agad nakita si Ismael. Shit. Napahaba ang tulog ko. Anong oras na ba? I checked the clock on the side table, and it was past four in the afternoon.

Paano na ang camping?

Hinanap ko si Ismael sa buong penthouse, pero hindi ko siya nakita. Naikot ko na ang buong bahay, pero kahit anino niya ay hindi ko naaninagan. Iniwan niya ba ako? Saan siya pumunta? Nagtatampo ba siya dahil tinulugan ko siya?

Halos makabisado ko na nga ang lugar dahil sa paghahanap sa kaniya, pero hindi ko nakita si Ismael. Muli akong bumalik sa labas kung saan kahit nakayapak ay hindi madudumihan ang paa dahil sa bermuda grass na nakahanay sa sahig. Agad na nawala sa isip ko ang paghahanap ka Ismael. In fairness, ang sarap ng hangin dito sa penthouse niya at ang ganda ng tanawin dahil kitang-kita ko ang mga magagandang building na nakapalibot sa amin. Ganito pala ang itsura ng Lourdez City kung titingnan mula sa taas.

Nilakad ko rin iyong malaking grass field sa may right side na pwedeng pwedeng takbuhan dahil sa lawak. Gaano ba kalaki ang penthouse ni Ismael?

Nilingon ko ang kabuuang bahay at napanganga na lang ako nang makitang may dalawang floor pa pala ito mula sa inaapakan ko. May mga kwarto rin doon sa taas at terraces na pwedeng tambayan. Hindi ako makapaniwala. Sigurado ba siyang solo niya lang ito? Kasya dito ang isang soccer team.

Doon ko lang na-realize na may maliit na pool dito sa right side, habang may malaki namang pool doon sa left side, kung saan nakatambay si Ismael kanina. Pumunta akong muli roon at umupo sa inupuan niya. I noticed the book on the side table, so out of curiosity, I took a look at it.

"It Didn't Start With You," basa ko sa title ng puting libro na may drawing ng dalawang mukha na magkatalikod. "How Inherited Family Trauma Shapes Who We Are And How To End The Cycle..." dugtong ko pa.

My forehead wrinkled. Bakit binabasa ito ni Ismael?

"Gising ka na pala."

Nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Ismael, kaya hindi ko sinasadyang mabitiwan ang libro.

"No, no, no, no, no!" natataranta kong sigaw, ngunit tuluyan na itong nahulog sa pool. Shit. Anong katangahan 'to?"

Agad ko iyong kinuha pabalik sa akin, pero hindi ko maabot dahil masyado na siyang natangay ng tubig palayo. Napansin ko na lang ang kamay at braso ni Ismael na inaabot iyon para sa akin.

Take Me Down, Professor (El Profesor #1)Where stories live. Discover now