Chapter 44

1.4K 25 21
                                    

"Where are we?" tanong ko nang makababa kami mula sa lambo habang pinagmamasdan ang malaking mansion sa harapan ko. I can't believe this. I was having a hard time finding a home to stay in, but here I am in front of a mansion that I never knew who owned it.

"In our residence, Ate Thea," sagot ni Isa bago naunang maglakad sa amin. Napabuntong-hininga naman ako. Nawala ang pagkamangha ko sa isinagot niya. Mabuti nang wala akong matuluyan, kaysa umapak sa pamamahay ng isang taong ayaw naman din ako pumunta roon. I don't even know why I'm here. Ibinaling ko ang mga mata ko kay Ismael na kanina pa pala naghihintay na tingnan ko siya. Galit pa rin ako sa kaniya.

"Jothea," pagtawag niya sa akin.

"What is it now?" inis kong tanong. Dahil sa ginawa niya kanina, wala na akong nagawa kung hindi ang sumama sa kanila, kahit hindi ko alam kung saan papunta. And why would he think to kneel before me? Am I a god?

"I am really sorry I got you upset. I will explain everything to you later. I promised. Pumasok muna tayo sa loob."

Nakatingin lang ako sa kaniya nang pakawalan ko ang isang buntong-hininga. "Don't try to lie to me."

Tinapangan ko ang loob ko kahit na unti-unti akong nagkakaroon ng ideya. Ito na ba 'yong sinasabi ni Isa na family dinner? I am not prepared for this. I even look like a shit. How can I present myself decently?

Nagsimula na siyang maglakad at nakasunod lamang ako. Dumaan kami sa stairs na gawa sa mga mamahaling bato. Napalingon pa ako sa dinaanan namin at napanganga na lang ako nang masilayan ang kalawakan ng lupa na pagmamay-ari nila. Everything was green and gold.

Malapad na pinto ang sumalubong sa amin. Maging ang sahig ay gawa sa mamahaling marble na may mga unique paints. Hindi ko akalaing makakaapak ako sa ganito. I never knew that this guy in front of me was fucking wealthy.

"Good evening, Sir Ismael. Your parents are not yet at home. They will be here tomorrow at seven p.m. You want me to lead you to your room?" pagbati ng isang lalaki na may kasama pang maraming lalaki na nakahanay sa may pintuan. May mga babae ring naroon at panay ang sulyap kay Ismael at sa akin.

"No, thank you. Tell my parents that summoning me here will not change my decision. We'll just stay for a night," sambit ni Ismael bago niya hawakan ang kamay ko.

Nakaramdam ako ng kaba. Hindi na ako makapaghintay na malaman ang totoo. Umakyat kami sa hagdan na may nakalatag na red carpet. Kahit ang haligi ng hagdanan ay may magagarang palamuti. Shit. How am I supposed to take this?

Binuksan ni Ismael ang malapad na pinto ng isang kuwarto. Pinapasok niya ako at muli itong isinara. What welcomed me was a simple room, like an old-roman style. I was amazed by the furniture and every detail in each of them. What kind of family is Mondalla? This is fucking unbelievable. How did he hide this from me?

Dumapo ang mga mata ko kay Ismael na kasalukuyang nagpapalit ng damit. Is he trying to appease me with his body? Sinasadya ba niyang makita ko?

"Aren't you going to explain everything just like you promised? What is this? I can't understand. Why am I even here?" sunod-sunod kong tanong. Humarap siya sa akin nang matapos siyang magdamit.

"My parents summoned us here."

"Your parents?"

Lumapit siya sa akin. "They want us to get married."

"What?" Mas lalo akong naguluhan sa paliwanag niya. "What do you mean they want us to get married, Ismael?" My forehead furrowed as I tried to understand what he said, but fuck, even if I tried to, I just couldn't. I am lacking information about what's going on here.

Take Me Down, Professor (El Profesor #1)Where stories live. Discover now