Chapter 24

1.6K 25 8
                                    

Texts are not enough. They keep calling me in the middle of the class. I was almost scolded by Ismael again, but thankfully, he did not.

I rolled my eyes when the class finished. Hindi ko man lang naintindihan ang discussion ni Ismael o kung may pinaliwanag ba siya dahil masyadong natuon ang isip ko sa mga spam messages from my parents.

They want me to go to a restaurant this weekend for dinner, and they want me to bring Ismael. How can I invite my professor to be there? Hindi na lang ako pupunta! Bahala sila!

Padabog akong lumabas ng room para kumain pero kakagat palang ako sa sandwich na binili ko ay may nagtetext na naman. Nawala ang kunot sa noo ko nang makita ko ang pangalan ni Roxsielle. Agad akong nakaramdam ng awa.

Inubos ko na ang pagkain ko at nagmadaling lumabas ng campus para magwithdraw. Mas mabuti kasing sa kaniya ko na ideretso ang pera kaysa kay Joth na hindi ko alam kung saan dinadala ang sustentong ibinibigay sa amin ng mga magulang namin.

Hindi na ako nagdalawang isip na ipahiram sa kaniya ang ibang natabi kong pera para sa buwan na ito. Ten thousand. Hindi na lang muna ako mag-o-order ng pagkain sa labas kapag tinatamad akong magluto para hindi ako mamulubi.

Nakipagkita ako kay Roxsielle sa simpleng restaurant sa bayan. Binilhan ko rin siya ng masarap na pagkain dahil mukhang hindi iyon ibinibigay ng kapatid ko.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo? Bakit lumabas ka kaagad sa hospital?" tanong ko.

Ngumiti siya at umiling bago ibinaba ang kutsara para kausapin ako nang maayos. "Hindi ko na gustong madagdagan pa ang hospital bill ko, ate Jothea. Salamat nga pala at inasikaso mo ako."

Umiling ako. "No, it's okay. Hindi ko naman maitatangging kasalanan ko rin dahil naitulak kita. I'm so sorry. I shouldn't have done that."

"Okay lang po. Huwag mo nang isipin. Ako rin, nadala rin ako kasi sobrang kailangan namin ng pera."

Ilang sandali pa kaming nag-usap bago siya tuluyang nagpaalam sa akin. Inabot ko na rin sa kaniya ang perang hinihiram niya.

Palabas na ako ng restaurant nang muli ay makatanggap ako ng message. At mukhang alam ko na kung kanino ito galing. It is from my mom, and what she said left me with no choice.

I heard what you did to Roxsielle. Your allowance would go to her next month.

Napanganga ako. How could she do this to me? Cutting my allowance again? Paano ako mabubuhay? Ang natitira kong pera ay para na lang sa natitirang araw ngayong buwan. Pinahiram ko si Roxsielle dahil umaasa akong padadalhan nila ako.

I closed my eyes out of frustration. I am trying my best to calm down, but how can she do this to me? I need to talk to dad.

Pero hindi ko pa natatapos ang tinitipa kong mensahe ay naka-receive na naman ako ng text...mula naman kay das.

Bring that guy this weekend, or else I'll cut your allowance next month.

What the hell? Anong mayroon sa kanila?

Bakit ba parang sabik na sabik silang makilala si Ismael?

"Yes, Miss Alvandra?"

Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ko ang boses ni Ismael. Ngayon ko lang napagtanto na nasa opisina na ako ni Ismael. Kumatok ba ako?

"What brings you here?" tanong pa niya. Lumakas ang kabog sa dibdib ko. He is just sitting there looking at me, but why can't I breathe? I feel like he's taking it away from me—my breathing.

"Ah...ano kasi..." nauutal kong panimula. I am trying to gather my thoughts, but I am really distracted by him. Paano ko sasabihin ang pakay ko? This is embarrassing.

Take Me Down, Professor (El Profesor #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن