CHAPTER 4

413 17 0
                                    

Agatha's POV

"My lady, naibigay ko na po ang sulat. Kagaya po ng sinabi niyo ay hindi nga ako pinayagan kausapin ang guild master, gusto ko lang matanong kung paano mo nalaman ang tungkol sa guild na 'yon?" 'yan agad ang bungad ni Nelle sakin sa umaga.

Hinigop ko muna ang tea na dinala niya, nagkukunware lang talaga ako pero ang totoo ayoko sa lasa. Syempre kasi kailangan kong masanay, bakit kasi wala silang kape dito!

"Narinig ko lang" kahit ang totoo ay nabasa ko sa librong gawa ni mama, dahil gawa lang kayo ni mama!

"G-Ganon ba, gusto ko lang sabihin na mag ingat kayo sa guild na 'yon, my lady"

Napangiti naman ako, I already know that. "Thank you, but I already know about that"

Inilapag ko ang tea saka tumayo, hindi ko na kaya ang lasa pwe! Agad naman 'yon kinuha ni Nelle at nilagay sa tray.

"Nelle, call butler Khalil. Pakisabi na pumunta siya sa Kitchen" utos ko at tinalikoran siya para lumabas na sana nang may naalala ako.

"Also, pakisabi na wag muna siyang magpakita unless if I call him" dagdag ko pa at tuluyan nang umalis.

Now's the time for the show, unti-unti kong tatanggalin ang mga peste sa bahay nato.

While walking ay nakita ko sa di kalayuan si Earon, he's looking at me at hindi naman ako nagpatalo.

Nanglalagpasan ko na sana siya ay bigla niya akong tinawag. "Agatha"

Napatigil ako ng wala sa oras, para bang nagkusa lang ang katawan ko kahit ayaw ko naman. I have no choice but to face him.

"Yes, young master?" nakangiting tanong ko paglingon sa kanya.

Gulat na may halong inis ang itsura nito, hindi ko alam kung bakit ganyan ang reaction niya. Wala naman akong sinabing mali eh.

"Why aren't you calling me as you usually do?" tanong nito, napakunot naman ang noo ko.

"What do you mean, young--"

"Call me brother." madiing sabi niya then it hit me, kaya pala ganoon ang reaction niya at ang reaction dati ni Ellias.

Shoot! I forgot that Agatha always call them Big brother! Oh wait, didn't he hate me addressing him like that?

"Don't you hate it when I'm calling you brother?" hehehe buti na lang talaga may palusot ako.

Para itong napatigil at nakatitig lang sakin, gulat ka no? I-tide mo na yan--ehem ehem commercial yarn. Ayy meron bang ganong commercial? nvm.

"Wala ka na bang sasabihin, young master?" hindi ito sumagot kaya naman hindi ko na sasayangin ang oras. "Then I'll go now--"

"Wait" napatigil ako sa binabalak kong pag alis. "What is wrong with you?"

Hindi ko napigilang mapataray dahil sa tanong niya, aba'y tanongin ka ba naman kung anong mali sakin. Alam mo kung ano!? Yun ay ang mapunta dito! Dami kong isipin simula nong dumating ako dito!!

Para akong batang nagtatantrums sa isipan, pinigilan kong mainis at ngumiti na lang ng peke. "Anong ibig mong sabihin, young master?"

"I said call me brother." madiing sabi nito, eh? problema niya? Siya na nga may sabi na ayaw niyang tawagin na ganon diba.

"Sorry, b-brother" nag alangan pa akong tawagin siyang ganun, eh sa di ako sanay eh. "Then can I go now?"

"Sorry" napatigil ako sa narinig.

Huh? Ano raw? Nabibingi na ata ako. "What?"

"I'm sorry, Agatha. If you're like this because of me please forgive me, I don't hate you...I j-just, I miss my old lil' sis. I miss the old you.." I felt too stunned to speak, did he just say those words?

I Am The Duke's Hated Daughter On viuen les histories. Descobreix ara