CHAPTER 16

399 21 4
                                    

Agatha's POV

"Oh did I heard someone talking?" Napa poker face na lang ako habang tinitingnan ang impokritang nasa harap ko.

"No, my lady. Baka mga insekto lang 'yon sa tabi-tabi" isa pa 'tong buntot niya, dinaig pa ang espasol sa kapal ng kolorete.

"Lucy, may party ba tayo ngayon? May nakikita kasi akong tatlong clown dito, sinong nag hire sa kanila?" Baling ko kay Lucy, nakita ko pa ang masamang tingin na ipinukol nito sa kanila bago lumingon sakin.

"Po? Wala po tayong party ngayon, my lady" magalang na saad niya.

Nakangisi ko namang tiningnan ang tatlong clown sa harapan. "Hmm? Bakit may tatlong clown dito? Excuse me, naligaw ba kayo? Wala kasing pa--"

"Clown!? How dare you compare us to a clown!" Galit na saad ng impokritang babae na si Katrina.

Yep, si Katrina ang kaharap ko ngayon. The one and only villainess na magpapahirap sa buhay ni Erianna.

"Oh pasensiya na, akala ko clown kayo. Ang kapal kasi ng kolorete sa mukha niyo" kunyareng mahinhin na saad ko.

Akala nila madadala nila ako sa ganyan, saka ano ba ang ginagawa nila rito? Kahit kailan ay hindi pa nagawang pumunta ni Katrina rito, base sa libro.

Pero anong ginagawa niya rito? "Lady Katrina" sabay kaming napalingon sa taong tumawag kay Katrina.

And guess who's that person....

"Oh lady Erianna, I'm glad you're already here. I'm a bit annoyed with this b!tch" maarteng saad ni Katrina at bahagya pang tumingin sakin saka ako inirapan.

And yes, si Erianna nga ang tumawag kay Katrina. Kailan pa sila naging close!?

"Huh? Was sister Agatha did something?" Inosenteng tanong nito.

"Hah! So she's your sister? Next time turuan mo ng maayos na asal ang kapatid mo ha, nakakainis. Sana hindi na lang ako pumunta rito" maarteng sabi ni Katrina saka balak ng umalis.

"Huh! Te-Teka, lady Katrina! Please don't mind her, sister humingi ka ng tawad kay Lady Katrina" sabi ni Erianna at hinabol pa ito saka ako nilingon.

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. "Why would I? Siya ang nanggulo sakin kaya siya ang humingi ng tawad"

Ba't naman ako hihingi ng tawad kung wala naman akong kasalanan, dzuh. Hindi ako magpapatalo sa malditang higad na 'to.

Tahimik lang akong naglalakad at balak sanang pumunta sa garden pero bigla na lang akong binangga ng babaeng 'to.

"Sister, please have some respect with my guest" sabi naman ni Erianna na mukhang nauubusan na ng pasensiya.

"Respect? She's a guest but she didn't even respect one of the lady in this house" nakataas kilay na sabi ko. "Atsaka bakit mo ba siya kinakampihan? I'm your sister--"

"You're just an adopted" napatigil ako sa sinabi nito, seryoso itong nakatingin sakin.

Bigla na lang din ako nakaramdam ng kirot sa puso, this body is reacting on it's own again.

"I had enough with you, sister! You're always bullying me and now you're bullying my friends!" Napa poker face na lang ako, friends? Kaibigan niya pala ang mga impokritang 'yon?

Psh, look at her. Naiimpluwensiyahan na siya sa sama ng ugali ng mga bruhang 'yan.

Tiningnan ko si Katrina na ngayon ay may ngisi sa labi. "For your information, I didn't bullied your friends--"

Naputol ang sasabihin ko ng bigla na lang dumating si Ellias at ang crown prince, tf di pa pala umaalis ang isang 'yan?

"What's going on here?" Napatingin ang lahat ng magsimulang umiyak si Erianna.

I Am The Duke's Hated Daughter Where stories live. Discover now