CHAPTER 9

443 21 0
                                    

Agatha's POV

Gabi na ng makarating kami sa mansion, masaya nga ako't mukha ni Nelle ang bumungad sakin.

Pagod ako kaya dumiretso na ako sa kama kaso...apat na oras na akong gising!! Pagod ako pero di ko sinabing inaantok na ako.

Pero gusto kong matulog kaso ayaw naman ako dalawin ng antok! Napasabunot na lang ako at tiningnan ang wall clock.

Ang orasan nila ay roman numbers, mabuti na lang at hindi kung anong weird ang nakalagay. It's already 11pm at malapit ng mag midnight.

Arghh it's no use, should I walk outside? Baka sakaling dalawin ako ng antok, sinubukan ko na rin kasing magpahangin sa veranda pero walang epekto.

Bumangon ako at kumuha ng makapal na balabal, I put it over my shoulder para hindi ako lamigin.

Lumabas ako ng kwarto at naglakad-lakad, tahimik ang paligid at tanging chandelier lang ang nagbibigay liwanag sa daan.

Should I waste my time in the garden--Oh wait, is it time to see the night rose? It's night and I have nothing to do.

Nagtatalo pa ang utak ko but at the end ay naisipan kong pumunta na lang sa greenhouse, tahimik lang akong naglalakad palabas hindi ko rin alam kung bakit ko 'yon ginagawa.

Nakarating na ako sa garden at sa di kalayuan ay nakikita ko ang greenhouse, hindi madilim dito sa garden dahil may mga poste ng ilaw.

Naglakad ako patungong greenhouse, I'm excited kung ano ang itsura ng night rose. Though nakita ko na 'yon sa drawing pero iba pa rin kapag sa personal mo na makikita.

Malapit na ako sa pintoan pero napatigil din ngmay makita akong dalawang tao, kitang kita kasi ang loob mula sa labis dahil gawa sa glass wall ang greenhouse.

Wait, is that Erianna? Sino naman ang taong kausap nito? Nakatalikod kasi ang taong kausap niya sa pinto kaya tanging likod lang nito ang nakikita ko, may suot din itong cloak kaya hindi ko matukoy kung babae ba 'yon o lalaki.

Malinaw ko ring nakikita ang itsura ni Erianna na ngayon ay may malamig na titig...what the h*ck? Erianna don't have a side like this, I knew there was something on her.

Now malakas na ang kutob ko na may kakaiba sa kaniya, mula po nong pinuntahan niya ako sa garden at kinausap ay may kakaiba na sa bawat kilos niya.

Para bang hindi siya si Erianna? Parang may kung anong engkanto ang sumapi sa kanya, maya maya pa ay bigla na lang naglaho na parang usok ang lalaking kausap niya.

Wth? Ano yun? Inaantok na ba ako kaya nakakakita ako ng kung ano-ano, nilugod ko ang mata ko at paulit-ulit na napapapikit para sigurohing totoo nga ang nakikita ko.

Oh shoot! Papalabas na siya! I need to hide!!

Napalingon ako sa paligid para maghanap ng matataguan kaso wala, may puno pero makikita niya ako bago pa man ako makatago!

Ah ahmm saan ba ako magtatago? Saan--Teka, bakit ba ako magtatago? Bakit ba ako yung natataranta? Siya naman dapat yung mataranta kapag nakita ako ah, tama tama! Let's face her

Nasa mismong harap ako ng pinto kaya hindi nila ako nakikita dahil gawa sa kahoy 'yon--

Bigla akong napatalon paatras ng may kamay na hihila sa paa ko, w-what the! Tiningnan ko ang pwesto kanina at nakita ko yung taong kausap ni Erianna kanina na unti unting nag fo-form ang katawan niya mula sa usok.

"So the rat who's keep squeking was my adopted sister" sarkistong saad ni Erianna, nasa may pinto ito at malamig na nakatingin sakin.

She's not Erianna, that is the one thing I can say. She's so different from the real Erianna, who is she?

I Am The Duke's Hated Daughter Where stories live. Discover now