CHAPTER 7

419 21 0
                                    

Agatha's POV

"My lady?" napabalik ako sa ulirat ng marinig ang boses ni Lucy, she's my temporary maid and also a new hired maid.

Nelle is still in the dungeon, pansin ko nga rin na puro di pamilyar na maids ang nakikita ko tapos kakaunti lang din sila.

Was my plan successful? I think so, atleast wala na ang mga mapanlait na mga maid na 'yon.

"Hmm what?" sagot ko.

"T-The Duke called you in the dining area" nauutal na sabi nito, para lang din siyang si Nelle.

Again, should I come? Baka maulit na naman ang nangyari nong pumunta rin ako sa dining. Akmang magsasalita ako ng inunahan na ako ni Luna.

"Hindi po kayo maaaring magpadala ng pagkain, pinapatawag po kayo sa dining dahil may mahalagang sasabihin ang Duke" nakayukong sabi nito, napabuga ito ng hangin na para bang nasabi na niya ang dapat na sabihin.

She's kinda cute, medyo kagaya sila ni Nelle ang pinagkaiba lang ay mukhang mahiyain itong si Luna.

Bumuntong hininga na lang ako saka tumayo. "fine, lead the way"

Hindi na ako nagbihis pa dahil nakakatamad, sumunod lang ako sa kanya at lahat ng nadadaanan kong maids ay yumuyuko at binabati ako which is....awkward-.-

"We're here, my lady" binuksan naman ng kawal ang pinto saka kami pumasok.

"Greetings, F-Father, young masters and young lady" sabi ko at bahagyang yumuko, nagdadalawang isip pa nga ako na tawagin siyang 'Father' eh.

Matapos silang batiin ay umupo ako sa inupuan ko last time, bale kaharap ko ay si Erianna at sa magkabilang gilid naman niya ay ang mga kuya niya, sa dulo naman nakaupo ang Duke.

Nagsimula na silang kumain at ako naman ay tiningnan ang pagkain, of course this time ay kakain na ako 'no gutom na kaya ako.

Masaya akong kumuha ng mga pagkain, nang masigurong nailagay ko na lahat ng gusto kong tikman ay nagsimula na ako.

Una kong tinikman ay ang juicy meat, pagkagat ko pa lang ay lasang lasa ko na ang katas. May katamisan ito pero masarap pa rin, sunod sunod kong kinain ang nasa plato ko at bawat kagat ay parang nagpupuso ang mata ko sa sarap.

Uwahhh pers taym ko makatikim ng mga pagkain na 'to--

Natigil ako sa pagnguya at tiningnan ang Duke, ngayon ko lang din napansin na nakatingin din ang iba sakin at napatigil sa pagkain.

"S-Sister, is it your first time to eat those..." tiningnan niya pa ang plato ko na sobrang puno ng pagkain. "..food"

"Ahh well y-yeah? Ehem sorry, I'll make sure--"

"It's fine, eat all you want" malamig na ani ng Duke.

Napangiti naman ako don at kumain ulit, wala na akong pake basta gutom ako at sobrang sarap ng mga pagkain!

'Aiyahh ang sarap talaga'

Sunod sunod kong pinasok sa bibig ang pagkain at sabay 'yon nginuya, it still taste good kahit na iba iba 'yong pinasok ko sa bibig.

Nilunok ko 'yon at kumuha ulit. "Slow down, you might choke" sabi sakin ni Earon but I don't care.

Buti na lang talaga at dito ako kumain, ang sarap ng ulam. I think mas paborito ko 'yong juicy meat--no no I think mas paborito ko 'yong isa pang meat, may katigasan pero edible pa rin tapos may katamisan 'din.

Nevermind, I think paborito ko lahat!

Nang maubos ko na ay napasandal ako sa upuan, ahhh heaven! Ito ang kauna-unahang busog na busog ako!

I Am The Duke's Hated Daughter Where stories live. Discover now