CHAPTER 13

393 21 1
                                    

Nelle's POV

It's been three days but she's still lying on her bed, nakita na lang namin siyang nakahandusay kinabukasan sa greenhouse.

Sinisisi ko ang sarili ko dahil masiyado akong pabaya, nakita namin siyang namumutla, hindi namin alam kung anong nangyari sa kanya, pati ang doktor na ipinatawag ay muntik ng mapugutan ng ulo ng wala itong magawa.

"Nelle, kumain ka muna kaninang umaga ka pa hindi kumakain" napalingon ako kay Lucy ng tumabi ito sakin at may dalang tray.

"Wag mong sisihin ang sarili mo, Nelle. Kahit ako ramdam kong kasalanan ko ang nangyari sa young lady natin pero kailangan mong kumain" sabi na naman nito, wala na akong nagawa nong ibinigay na niya sakin ang pagkain.

"Pinayagan tayo ni Lord Vietricht na dito kumain, kaya wag kang mag alala"

"Lucy, wala bang bumisita sa young lady natin?" Tanong ko.

"Hmm? Meron naman, si Lord Vietricht lang ang bumisita kaso nong unang araw lang" napakuyom na lang ako ng kamao, wala pa rin pala silang pinagbago.

"Eh si lady Erianna?" Tanong ko, siya lang kasi ang may pake kay lady Agatha eh.

Napatingin ako kay Lucy ng hindi ito magsalita. "Lucy?" Tanong ko at hinawakan siya sa balikat.

Para namang nagulat ito. "Ah pasensiya na, hindi rin bumisita si lady Erianna"

Napakunot naman ang noo ko, ito ang kauna-unahang hindi bumisita si lady Erianna.

"Ano...Nelle. May napansin ka ba kay lady Erianna?" Biglang tanong ni Lucy.

"Hmm? Meron, yung palagi niyang pagsali sa mga tea parties. Hindi naman siya ganun dati eh--"

"Hindi yan, I mean kagaya ng mga kilos niya wala ka bang napapansing kakaiba?" Tanong nito na nagpakunot ng noo ko.

"Wala naman, bakit?"

Bumuntong hininga ito bago nagsalita. "Alam mo, kaya kong makita ang kaluluwa ng isang tao. I mean ang kulay nito, isa 'yon sa biyayang natanggap ko. Si lady Erianna, nakita kong kulay itim ang kaluluwa nito. Nong una kong trabaho rito hindi ko sinasadyang tingnan ang kulay nito, marami kasing nagsasabi na totoong mabait siya pero base sa ikinikilos nito ay iba ang masasabi ko" mahabang lintaya ni Lucy.

"Itim? Hindi ba't ang ibig sabihin ng itim na kaluluwa ay isang--"

"Tama ka, may kaluluwa siyang isang demonyo. Shabaac ang tawag sa mga itim na kaluluwa, natatakot akong isipin na siya ang may gawa nito kay lady Agatha" may pag aalalang saad ni Lucy, habang matiim na nakatingin kay lady Agatha.

"B-Bakit mo naman nasabi 'yon, Lucy?"

"Ang kulay ng kaluluwa ni lady Agatha, isang matingkad na kulay ginto ang nakikita ko sa kanya pero unti-unti 'yong nilalamon ng itim" seryosong saad ni Lucy.

"A-Ano?! Totoo ba ang sinasabi mo?" Tumango lang ito habang nakatingin pa rin kay lady Agatha.

"Pero wag kang mag-alala Nelle, alam kong hindi hahayaan ni lady Agatha na tuluyan siyang lamunin ng kadiliman" nakangiting saad niya at nilingon ako.

"Sa lahat siya ang may kakaibang kulay ng kaluluwa, nagtataka nga ako kung bakit. Hindi ko rin alam kung anong ibig sabihin ng kulay ginto pero sa tingin ko ay special ang lady natin" nakangiting saad nito.

Kukuha pa sana ako ng isang subo ng hindi ko napansin na ubos na pala, hayss hindi man lang ako nabusog pero hindi na rin naman ako gutom.

"Lucy, ako na ang magsasauli nito, ikaw naman ang magbantay kay lady" sabi ko na tinanguan niya lang.

I Am The Duke's Hated Daughter Where stories live. Discover now