CHAPTER 15

443 19 1
                                    

Agatha's POV

After ng nangyari kanina ay pinalayas ko silang lahat sa kwarto ko, wala na akong pake kung sino o ano man ang status nila sa buhay, pake ko ba.

Kasalukuyang nakadukdok ang ulo ko sa study table ko, namomroblema ako dahil ikakasal ako sa male lead.

Iniiwasan ko nga siya pero bakit mas lalo ata kaming pinapalapit sa isa't isa, iniisip ko rin ang tungkol kay Erianna.

Iyong panaginip ko kagabi, hindi. Sigurado akong hindi 'yon panaginip, sa tingin ko ay mga ala-ala 'yon ni Agatha.

Mga nawawalang ala-ala niya, it's vague but I'm sure it's part of Agatha's memories. Ibig sabihin 'yong unang araw na nagkita kami ni Dark doon sa may garden, totoo ang sinasabi niya.

We--no, Agatha and Dark know each other. They were friends when they were young, but how?

Kung pinakita lang sa libro ang back story ni Agatha, malamang ay malalaman ko kaso hindi eh! Naka focus sa maganda nating bida na si Erianna ang story.

And speaking of her, 'yong taong umatake sakin. Who is he? Kailangan kong mag ingat lalo na kay Erianna, there's really something to her.

Lalo na sa panaginip--este sa memoryang nakita ko. Kung totoo ngang isa 'yong memorya ibig sabihin ay nadukot noon si Erianna ng mga naka itim na lalaki.

Ang mga nakaitim na lalaking 'yon, kagayang kagaya sila sa taong sumugod sakin nong gabing 'yon.

Nabalik ako sa reyalidad ng maramdamang may pumatong sa kamay ko, inangat ko ang ulo ko at nakita ang isang paro-paro.

Hah! Tama, ang venomous butterfly! Naging successful ba!? Agad akong tumakbo sa whole body length mirror na nakita ko at saka tiningnan ang likod ng tainga ko.

Nahirapan pa ako pero nagawa kong makita ang isang maliit na tattoo ng isang butterfly, uwahh!! Nagawa ko!!

Isang tattoo ng venomous butterfly, nakalagay ito sa libro. Kung may tattoo ka sa likod ng tainga mo ay ibig sabihin ikaw na ang bagong nagmamay-ari ng mga delikadong paro-parong 'to.

Ngayon paano nga ulit sila palabasin? I read it in the book before kung paano ma kontrol ang venomous butterfly, there are tons of different powers ang mga paro-parong 'to.

Kaya nailagay sila sa top ten lists ng mga delikadong hayop sa buong mundo, at alam niyo kung anong top ng venomous butterfly?

Venomous Butterfly, the number one dangerous animal of all aninals. It's not only powerful, kaya nitong sakupin ang isang bansa.

I heard nangyari na 'yon a thousand years ago, ang pangalawang nagmamay ari ng paro-parong 'to.

Now now, let's focus on how to control these butterflies, they may look pretty and adorable but they are actually dangerous.

Ipinikit ko ang mata ko saka huminga ng malalim, pinapakiramdaman ko ang paligid saka ang isang enerhiya na nagmumula sa dibdib ko.

Agatha don't have any mana, that's the first thing I knew when I'm in her body. Pero ngayong nasa akin na ang venomous butterfly ay nagkaroon na ako ng mana.

Ang mana ay parang isang enerhiya na ginagamit ng isang tao upang maipalabas ang kapangyarihan nila, kung wala kang mana, wala kang kapangyarihan.

Ibig sabihin isa ka lang normal na tao kung wala kang mana, maya maya pa ay naramdaman ko na lang ang paglabas ng enerhiya mula sa katawan ko.

Pagkatapos naramdaman ko na lang na may kung anong bagay ang pumatong sa ilong ko, napamulat ako at doon nakita ko ang kwarto ko na puno ng mga paro-paro.

I Am The Duke's Hated Daughter Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon