CHAPTER 10

453 23 0
                                    

Agatha's POV

Ngayong araw dadating ang papalit kay Lady Gonreih, umabot kasi ng halos dalawang linggo ang byahe nito dahil mula siya sa dulo ng bansa na sobrang layo mula dito.

Ganito raw ang ginagawa kapag dumating ang guro mo, dapat binabati at i-welcome, turo lang 'yon sakin ni Nelle.

Dito nga rin siya pansamantalang maninirahan sa mansion dahil nga sa sobrang layo ng tirahan niya.

May nakita na akong karwahe mula sa gate kaya naman hinanda ko na ang postura ko, nakita ko ang pagbaba niya at ang mahinhing paglalakad nito papasok sa loob at ng makarating na siya sa main door ay binati niya ako.

"Greetings, my lady. You must be Lady Agatha, right?" saad nito, bawat postura niya ay perpekto at mahinhin.

"Yes, that's me" nakangiting saad ko.

"I'm glad you choose me as your tutor, I'm happy to serve you, my lady"

"Same as me, please take care of me" nakangiting ani ko.

Pagpasok namin sa loob ay tahimik lang kaming naglalakad, habang siya naman ay napapatingin sa paligid.

"Ahh it's been awhile, wala pa ring pinagbago ang mansionna 'to" nakangiting saad nito.

She's Lady Cromwell, ang dating guro ni Ellias sa etiquette. Paano ko siya nakilala? Well, na-mention na siya sa libro pero sa isang chapter lang 'yon.

She's a great tutor kaya siya ang napili ko. "This will be your room, my lady" saad ni Lucy.

Wala si Nelle ngayon dahil inaasikaso niya pa rin yung mga dress na ipinabenta ko, ang dami naman kasi non eh at paniguradong mamahalin ang lahat ng 'yon.

"I hope you will be comfortable with this room, Lady Cromwell" nakangiting sabi ko.

"Oh I will, masiyado na nga itong malaki para sakin"

"Kung ganun, maiwan ko na kayo, alam kong pagod kayo mula sa mahabang paglalakbay mo" nakangiting sabi ko, tumango lang ito kaya umalis na ako.

Ahh finally makakapagpahinga na!! Wala naman akong masiyadong gagawin ngayon dahil bukas pa magsisimula ang pagtuturo ni Lady Cromwell, si Sir Khael naman ay tapos na ang klase ko sa kanya since madami na akong alam dahil wala akong ibang ginagawa kung di ang magbasa.

And oh! I requested a swordmanship tutor at mamaya ko na malalaman kung sino ang magiging tutor ko since pumayag naman si Lord Vietricht.

Naisip ko kasi na malaking tulong sakin kapag may alam ako sa paghawak ng espada, lalo na't hindi ko alam kung anong mangyayari sakin sa mismong kaarawan ko.

May mag s-set up sakin three days before my birthday, kaya naman kailangan maging handa ako sa lahat ng bagay.

Pero kung iiwasan ko lang si Erianna sigurado akong maiiwasan ko rin ang kamatayan ko, napatigil ako bigla ng may makita akong dalawang tao na nag uusap sa di kalayuan, papunta sila sa dereksyon ko.

Bakit parang bigla na lang akong kinabahan. "My lady? May problema po ba?" napalingon ako kay Lucy ng magsalita ito, ngayon ko lang napansin na napatigil na pala ako sa paglalakad.

"Ahh may nakalimutan nga pala ako doon" saad ko ng malapit na sila, agad akong tumalikod at hahakbang na sana ng marinig ko ang pangalan ko.

"Agatha"

Sh!t sh!t sh!t!! Sana pala umalis na lang ako agad! Wala akong magawa kundi lingonin si Lord Vietricht, tiningnan ko naman ang kasama nito na medyo ikinakaba ko.

"G-Greetings, f-father, your majesty" saad ko at bahagyang yumuko bilang paggalang.

"Great timing, Prince Dark is here to visit you, would you mind walking him around?" seryosong saad ng Duke.

I Am The Duke's Hated Daughter Where stories live. Discover now