CHAPTER 19

383 16 0
                                    

Agatha's POV

Inilibot ko ang tingin sa paligid, wala pa ring pinagbago ang Parth. Marami pa ring tao, halos wala ng madaanan ang kalesa sa dami ng taong nag sisiksikan.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at nakisiksik sa mga tao, nahirapan pa akong makalusot dahil masiyadong madami ang tao.

Parang isang lata ng sardinas ang lugar na 'to sa dami ng tao, I look up on the tower clock and it's 7:13 pm already.

I hope gumana 'yong iniwan kong hallucination butterfly, panigurado kasing matatagalan ako sa auction.

Lumakad na ako para puntahan ang ibinigay na lokasyon ni Cloude sakin, nakasulat na kasi 'yon sa papel at buti naisipan niyang isulat para hindi na ako mahirapan.

I can use my venomous butterfly to find the auction incase he didn't write the location, lumiko ako sa madilim na parte ng Parth.

Lumingon lingon ako sa paligid dahil parang may naramdaman akong presensiya, it's faint but I know someone's following me.

I don't smell any bad intention with that person so I just let whoever that person is follow me, naglakad pa ako hanggang sa isang pader ang bumungad sakin.

Lumingon lingon ako at hindi ko na naramdaman ang presensiya ng taong sumusunod sakin, pero...

Pumikit ako at pinakiramdaman ang paligid, doon naramdaman ko ang mga presensiya nila. Ibang presensiya at mukhang nasa sampo ang bilang nila.

Ramdam kong may binabalak sila, for sure mapapalaban ako nito mamaya. Hinawakan ko ang pader ngunit tumagos ang kamay ko, expected ko na 'yon.

I can see that this wall is just an illution, tuluyan na akong pumasok at isang magarang bahay ang bumungad sakin. May tao pang nakabantay sa labas, mukhang nagsimula na ang auction.

Lumapit ako doon at agad naman humarang ang lalaki, may malaking katawan ito na kayang harangan ang buong pinto sa laki nito.

"Your token, please" seryosong sabi nito.

Token ang hinihingi nila para makapasok sa auction at may dalawang klase ng token. For VIP and for normal class.

Good thing, pinahanda ko na kay Lucy ang tungkol dito. Inilabas ko ang VIP token at mukhang nagulat naman siya.

"Ikaw pala 'yon, follow me. Kanina pa nagsimula ang auction" seryoso pa ring saad nito at nagsimula nang lumakad.

Sumunod lang ako hanggang sa dalhin niya ako sa upuan ko, nasa itaas ako at kitang kita ko ang mga taong nakamaskara na nandito sa auction house.

"50,000" dinig kong sabi nila.

"60,000"

"Oh-hoh! 60,000! Meron pa bang dadagdag?!" Saad ng Host at tumingin sa paligid. "Okay!! Going once....Going twice! Sold to Mister..."

"Here's your seat" saad ng lalaki at ng makaupo na ako ay umalis kaagad ito.

Tumingin na lang ako sa ibaba, may inilabas na naman silang isang item. Mukhang matatagalan pa nga talaga bago ang batang 'yon.

"Here is our new and fresh magistone....." Ipinakilala niya ito at kung ano ano pang sinabi. "Let's start with 10,000 gold coins!"

"15,000"

"25,000"

"30,000"

"80,000!"

Napalingon ang lahat sa taong nagsabi non, kahit ako ay napalingon rin. Hmm? Isang lalaki na may lion mask ang nag bid, I can see his aura na nakabalot sa buong katawan nito.

I Am The Duke's Hated Daughter Where stories live. Discover now