CHAPTER 11

432 20 0
                                    

Agatha's POV

Halos gabi na ng makarating ako sa Parth, dalawang oras kasi kapag lalakarin at isang oras naman kung sasakay ka ng karwahe.

At syempre naglakad lang ako 'no, gusto kong ma-enjoy ang mga sandali na nakatakas ako. Pero feeling ko gusto kong gawin 'to araw-araw, tatakas kapag wala na akong gagawin!

Kaso nga lang kailangan kong mag ingat kaya hindi ko 'yon pwedeng gawin, hindi pa ako pamilyar sa lugar na 'yon at baka may mangyaring masama sakin.

Naglibot libot muna ako sa paligid, sobrang daming tao at maliliwanag na ilaw. Masasabi ko nga talagang maunlad ang bayang 'to, ang daming stalls ng mga parang street foods kung tawagin sa mundo ko.

May nakita akong nagtitinda ng parang isang takoyaki kaso nakatuhog, lumapit ako doon at nakisiksikan sa mga taong nagkukumpulan.

Ano yan? Barbecue balls? Anyway ang bango ng pagkain! Gusto ko tikman!! "Manong, magkano po?"

"3 copper sa bawat stick, binibini" saad ni manong, kaso wala akong copper kaya isang gold coin na lang ang inabot ko.

"Ilan ang bibilhin mo, binibini?" tanong nito.

"Dalawang stick lang po, manong" nakangiting saad ko, agad naman niya 'yon binalot at binigay sakin.

Akmang magsusukli na ito pero pinigilan ko. "Nako manong, sa inyo na po yan, salamat po!"

"T-Teka! Binibini--!" agad na akong umalis doon at masayang tinikman ang biniling pagkain.

Isang kagat pa lang ay agad na nagningning ang mga mata ko, ang saraaaapp!! Lasang takoyaki nga 'to kaso hindi ko alam kung anong tawag nito rito, mayroon rin itong ketchup at mayonnaise na mas lalong nagpalasa.

May nadaanan akong isang store at tanging isa lang ang nakaakit ng atensyon ko, hmm bibilhin ko ba?

Pumasok ako sa store at binili ang isang maskara, it's a plain white mask that covers my whole face. Agad ko 'yong sinuot at madaling pumunta sa tagpuan namin.

Sinadya ko talagang bilhin ang maskarang 'to, ayokong makilala niya ako. Kailangan ko lang naman alamin ang lokasyon ng batang 'yon at aalis na ako, hindi na ulit ako hihingi ng tulong sa kanya.

Tiningnan ko ang may dalawang palapag na bahay, ito na ba 'yon? Mas pangit pa pala kesa sa inaasahan ko, gawa sa kahoy ito at mukha ring kaunting tulak mo lang ay masisira na ang buong bahay.

Paghawak ko pa lang sa door knob ay may kakaiba na akong naramdaman, parang may isang pwersa ang humihila sakin sa loob.

Binuksan ko ang pinto at tuloyan ng nakapasok, hindi ko inaasahan ang dami ng tao na nasa loob. Bakit madaming tao? Ang tahimik naman nong nasa labas ako ah? Could it be magic? Cloude is a magician after all.

May biglang humila sa laylayan ng cloak ko na ikinalingon ko. "Kayo po ba 'yung kliyente?"

Bata? Bakit may bata rito? Tiningnan ko ito ng maigi at ng magtama ang mata namin ay bigla akong nakaramdam ng malakas na presensya mula sa bata.

Ano 'yon? Isa ba 'yong mahika? Malakas na mahika? Katulad ko ay nakamaskara rin ang batang 'to, mukhang hindi siya pangkaraniwan.

"Oo, ako nga" seryosong saad ko.

"Sundan niyo po ako" hindi na ako sumagot pa at sinundan siya, nahihirapan pa kaming makalusot sa mga nagsisiksikang tao.

Maraming nag iinoman at nagpapasikatan ng mga sandata nila, mukhang isa silang mga adventurer o di kaya na man ay isang mercenary ang iba sa kanila.

Lumiko kami at mula rito at hindi na masiyadong naririnig ang ingay, umakyat kami sa pangalawang palapag at doon bumungad samin ang nag iisang pinto.

"Hinihintay na po kayo sa loob" magalang na sabi nito, hindi na ako nagpasalamat at pumasok na lang sa loob.

I Am The Duke's Hated Daughter Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin