Chapter 1

176 14 0
                                    

Sa ilang oras na byahe,sa wakas ay nakarating na kami.Naunang bumaba si Tiya Aya,kinuha ko yung maleta ko at bumaba na.Hindi ko alam kung anong lugar to,ang alam ko lang ay isa itong probinsya.

Pagkarating namin sa bahay ni Tiya Aya,sumalubong samin ang kanyang anak na babae.Hindi na bago sakin dito, dahil nakapunta dito nong nag family reunion sila.Pero bata pa ako non kaya hindi ko na naalala yung pangalan sa lugar na to.

"Nay mabuti't nandito na kayo sakto at nakapagluto na ako ng hapunan"nakangiting ani ni Chelone.
"Chel samahan mo si May sa kwarto mo"utos ni Tiya.

"Halika May"sumunod ako kay Chelone.

Maliit lang yung bahay ni Tiya Aya,dahil siguro ay silang dalawa pang yung nakatira dito.Maagang namatay yung asawa ni Tiya,katulad lang sa ina ni May.

"May wag kang mahiya ha dahil bahay mo narin to magmula ngayon"nakangiting ani ni Chelone.Nilagay niya yung mga damit ko sa cabinet.

"Nako excited na akong makatabi kang matulog"napahagikgik ako dahil sa sinabi ni Chelone.

"Maraming salamat ha dahil wala na kasi akong mapupuntahan,mabuti na nga at kinuha ako ni Tiya Aya.

"Nako kunting bagay,alam mo kahit maldita yung mukha ni nanay May mabait naman yun,kaya wag kang matakot sa kanya".

Pagkatapos inilagay ni Chelone ang lahat ng gamit ko sa cabinet,lumabas kami sa kwarto para maghapunan.

"May kumain ka ng marami"ani ni Tiya habang nilalagyan ng kanin yung plato ko.

Tumango ako"Maraming salamat Tiya ,wag po kayong mag-alala maghahanap po ako nang trabaho para naman ho makatulong ako sa inyo"hinawakan ni Tiya Aya yung kamay ko"Pasensya ka na May ha kasi mahirap lang kami".

"Nako hindi naman po kami mayaman Tiya ,kaya sanay po ako sa hirap"tugon ko.

"Kung gusto mo May don ka nalang magtatrabaho sa tinatrabahuan ko, maliit lang yung sahod pero pwede na yun sa pang-araw-araw"alok ni Chelone.

"Sige don nalang ako magtatrabaho para naman may kasama ako"pagsang-ayon ko.

Pagkatapos naming maghapunan ,ipinasyal ako ni Chelone sa bayan.Maraming kasiyahan sa bayan dahil feista daw ngayon.Maraming mga laruan at ibang mga bagay na makakapag-aliw sa bata na naka display sa iba't ibang tindahan.

"Alam mo May palaging masaya dito, araw-araw kasi may mga taga ibang lugar na pumunta dito "sigaw ni Chelone dahil malakas yung musika.

"Ang ganda pala dito noh"tugon ko hindi ko alam kung narinig ba ni Chelone yung sinabi ko malakas talaga yung musika.

Nanood kami ng mga palaro.Naaliw ako dahil sa mga ginagawa ng mga bata,hinihila nila yung lubid.

"Alam mo May maraming gwapo dito"bulong ni Chelone.

Napahagikgik ako dahil sa binulong ni Chelone sakin"Talaga mabuti naman kung ganon.

"Yun lang...yun lang yung sasabihin mo?"basi sa ekspresyon ng kanyang mukha nalilito si Chelone.

"Oo...."

"Akala ko May kikiligin ka"napailing si Chelone.

"Ikaw Chel may jowa ka ba?".

"Wala rin May pareho tayo"natatawang sagot niya."At saka diba May sa umpisa lang masaya"

Sang-ayon ako sa sinabi ni Chelone dahil ganyan yung mga nangyayari sa mga kabataan ngayon na may jowa pero hindi naman lahat.

"Doon tayo May bili tayo ng bracelet"tumingin ako kung saan nakaturo ang kamay ni Chelone.

"Wala akong pera Chelone eh"

DO THE HARD SOFT?(Goneloleñtis #2)R-18- ongoingWhere stories live. Discover now