Chapter 12

32 5 0
                                    


Humarap ako para makita kung sino yung nagsasalita, isa itong babae na may dala-dalang bata na nilagay ni sa stroll. Ngumiti ako sa kanya"Wala po"tugon ko sabay hawak sa bata.

Kinarga ko ito at hinalikan''Anong pangalan mo?" tanong niya.

''May po yung pangalan ko''tugon ko sa babae.

"Nice to meet you May...where's your husband?" napahinto ako dahil sa sinabi niya.

Nalala ko yung sinabi sakin ni Kobe na binayaran niya lahat yung tao na nasa kasal para lang walng makaalam sa kasal namin.

"W-Wala pa po akong asawa'' nakangiting tugon ko.

"Oh really? I thought meron na"aniya.

"Napadaan lang ako dito at nakita tong cute na medyas"tugon ko saka ibinalik sa kanya yung baby.

Nag-usap kami saglit ng babae at maya-maya umalis na siya kasi naghihintay na raw yung asawa niya sa labas.Saktong-sakto,paglingon ko papalapit na si Kobe sa pwesto ko.

"Let's go Gar"aniya at tinulak yung cart.

Medyo masakit parin sakin na tawagin niya ako ng Gar,kahit ganito ako hindi naman siguro ako basura.

Pagkatapos naming pumunta sa Z-Mall,sinunod naming puntahan yung super market para mag grocery.Medyo nagugutom na ako dahil hindi ako kumain kanina.

Yung mga binili naming ni Kobe kanina ,nilagay na yun sa van,pagkalabas kasi namin kanina may nakaantay na na van sa labas,don pala nilagay yung mga binili namin .Habang nasa supermarket kami,hindi ko maiwasang malito dahil hindi ko talaga alam kung anong bibilhin ni Kobe.Sabi niya kasi kanina na ako lang daw yung bahala.Sa susunod madadala na talaga ako ng listahan,saka hindi rin ako makapag-isip ng maayos kasi katabi ko si Kobe.Lilipad talaga yung utak pag may katabi na ganito ka gwapo.

Kumuha ako ng mga kailangan sa kusina at pagkatapos non,binayaran na ni Kobe.

Habang nagbabyahe kami papauwi,huminto si Kobe sa Drive Thru.

"Let's eat first"ani ni Kobe at bumaba.Binuksan ko yung pintuan sa sasakyan para makababa.

"Hindi gentleman yung kasama ko"bulong ko sa aking sarili.

Pero naisip ko rin,ba't naman magiging gentleman si Kobe sakin eh hindi naman niya ako kaano-ano, at saka ba't naman niya ako tratohin ng maayos eh hindi naman niya ako girlfriend at walang nag-uugnayan samin.

"Ba't hindi ko agad naisip yun?"

Sumunod ako kay Kobe,pumasok kami sa loob at naghanap ng upuan.

"Anong gusto mo?"tanong ni Kobe.

"Heavy breakfast"tugon ko.

Tumayo si Kobe at pumunta sa counter.kitang-kita ko dito kung paano siya nginitian ng babae na kasama niya sa pila.Well bagay sila,Maganda rin yung babae at gwapo naman si Kobe.

Napabuntong hini nga nalang hininga nalang ako,kaya siguro ayaw ni Kobe na may makaalam sa kasal naming kasi nahihiya siya at hindi niya siguro tanggap na kasal siya sa kagaya ko na hindi nakapagtapos sa pag-aaral at hindi rin ako sa ibang babae na maganda.

Napahinto ako sa pagmuni-muni nang inilapag ni Kobe yung tray sa mesa,heavy breakfast talaga yung inorder niya at ayos lang yun kasi nagugutom na talaga ako

.Nagsimula simula kaming kumain,kahit ni isa samin ay walang nagsalita.Pagkatapos kong kumain,uminom ako ng coke para mabilis matunaw yung kinain ko.

"You know what Gar?Parang hindi ka babae sa pagkain na kinain mo"aniya habang nakatitig sakin.Medyo nahiya ako dahil sa sinabi ni Kobe,mukha bang lalaki yung mukha ko.

"Ganyan ba talaga ka dami yung kinakain mo araw-araw?"tanong ni Kobe ulit.

"Oo"

"Ba't hindi ka tumaba?"

"Hindi ko alam eh"

Nung nagtatrabaho pa ako sa pagiging janitor,nasanay ako na kumain ng marami.Para kasi hindi ako mahihilo kapag nagtatrabaho ako.

"Wala ka na bang gusto kainin Gar?"tanong niya ,umiling naman ako.

Nagulat ako dahil may biglang lumapit samin na lalaki,tinawag nito ang pangalan ni Kobe.Feeling ko magkaibigan sila.

"C'est ta salope ?"tanong ng lalaki kay Kobe pero hindi ko ito naiintindihan tuno niya kasi na masasabi mo na nagtatanong siya.Malay ko ba kung anong linggwahe yung sinasalita niya.

Nagtataka rin ako dahil mukhang nagalit si Kobe sa tinanong ng lalaki.Ikiniyom ni Kobe yung kamao niya.

"C'est ma femme idiote !"seryosong tugon ni Kobe.

"Ton drôle de frère"ani ng lalaki at tumawa ito.

"Tsk"umirap si Kobe.

"T'es sérieuse?"tanong ng lalaki medyo nagulat pa ang mukha nito.

"Va-t'en, tu gâches notre rendez-vous"tugon ni Kobe,naiinis ang mukha ni Kobe.

Tumingin ako sa glasswall,hindi na ako nakinig sa usapan nila dahil hindi ko naman ito naiintindihan.

Pagbalik ko ng tingin sa kanilang dalawa, wala na yung lalaking kausap ni Kobe kanina.Hindi ko na siya tinanong dahil baka magalit na naman ito. May sinabi si Kobe ngunit hindi ko narinig.

"Huh?"tugon ko.Tanong ko sa kanya.

"Nothing"Tumayo ito,tumayo Narin ako dahil baka iwan ako nito,hindi ko pa naman alam kung saan ako uuwi.Nasa

Nasa byahe kami ngayon papauwi sa bahay ni Kobe.Seryuso ang mukha ni Kobe habang nagmamaneho,habang ako naman nakatingin lang sa mga nadadaanan naming.

Nang makarating kami sa bahay ni Kobe,nadatnan naming yung bahay na maraming karton at mga shopping bags.

Dami naman pala ng binili niya kanina.Siya ang bumili ang lahat ng ito dahil wala naman akong pera.

"Sir Zargosa saan ko ilalagay ang mga ito?"tanong ko sa kanya.

"Keo.call me Keo"tugon niya.

Tiningnan ko siya at tinanong"Keo?ang layo naman sa pangalang Kobe"nagtatakang ani ko.

"I don't know that's what my mom called me"kabit balikat na tugon niya.

"So saan ko to ilalagay Keo?"tanong ko ulit.

"In the kitchen"tugon niya.

Tumango ako at nagsimulang buhatin yung mga karton.Binuhat ko ito papuntang kusina,napakabigat nito pero kaya ko naman.

Pagdating ko sa kusina binuksan ko ang karton para malaman kunh ano ang nasa loob nito.

"Kaya pala subrang bigat mo kasi mga delata yung laman mo"kinausap ko ang karton.

"Babae ka ba talaga?"napaigtad ako dahil sa gulat ng biglang nagsalita si Kobe sa likuran ko.

"Oo nagdududa ka?"

"Yeah"

"Sus napakamahal magpachange gender,hindi yun kaya ng sahod ko"tugon ko."Sanay lang talaga akong magbuhat ng ganito"

Pagkatapos naming e arrange lahat ng mga groceries,umalis si Kobe sa kusina ,iwan ko kung saan siya pumunta wala naman siyang sinabi sakin.

Bumalik ak osa living area para tignan ang shopping bags.Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang mgs ito wala naman akong kwarto dito.Umupo muna ako sa sofa. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising ako dahil nakatulog ako sa sofa. Natural lang talaga sakin na matulog sa sofa ,dahil sabi ni mama sakin noon nong bata pa raw ako palagi daw nila akong pinatulog sa mahabang upuan,kasi nga ang hirap ko gisingin.Eh malikot akong matulog kaya nahuhulog ako sa sofa at ayon magigising ako at tatayo.Eh diba ang galing ng mindset ni mama noon.

..







....

thank you for reading:)

DO THE HARD SOFT?(Goneloleñtis #2)R-18- ongoingWhere stories live. Discover now