Chapter 14

27 5 0
                                    

Nagising ako dahil may naamoy akong pabango,nagtataka din ako dahil tumigas yung unan na niyakap ko kagabi. Pinisil-pisil ko ito,parang malambot na matigas ito.Pinisil ko ito ulit at nagulat ako dahil may biglang umungol. Tiningnan ko kung ano yung pinisil-pisil ko,dali dali kong inalis ang aking kamay dahil hindi pala unan ang nahawakan ko.Inangat ko ang aking tingin kung sino ang nagmamay-ari nito,Kinabahan ako dahil nakapikit lang si Kobe.Dali dali akong bumaba sa kama at tumayo.

"P-pasensya na Keo a-akala ko kasi u-unan yung nahawakan ko"nauutal na sabi ko habang nakatingin sa gwapong mukha  niya.

"Tsk.. you're enjoying it anyway"walang ganang tugon niya at tumayo.Napayuko ako dahil sa hiya."Pasensya na talaga h-hindi na mauulit"

"Let's go bath together Gar"ani niya.
"Huh?ano ikaw nalang yung mauna"ngumiti ako ng pilit.Hindi ito nagsalita at pumasok sa banyo.

Kumuha ako ng damit sa wardrobe at lumabas,sa kabilang kwarto nalang ako maliligo.Pagkatapos kong maligo, dumiretso ako sa kusina para magluto ng umagahan.
Nagluto ko ng friend chicken at itlog,nagtimpla rin ako ng kape,inilagay ko lahat iyon sa mesa. Biglang umupo si Kobe sa upuan, kinuha ko ang pinggan at inilagay sa mesa. Nilagyan ko ng kanin at ulam yung pinggan niya.Pagkatapos kong maglagay ng pagkain sa pinggan niya,umupo ako at nilagyan ko ng pagkain yung pinggan ko. Pumikit ako at nagdasal,pagdilat ko ay kinabahan ako dahil nakatitig lang si Kobe sa'kin.

"May problema ba Keo?"tanong ko

"Why are you doing this?"tanong niya

"Ang alin?"

"This"turo niya sa kanyang pinggan..
 

"Ah yan ba? Pasensya kana ha nasanay lang kasi ako.Yan kasi yung ginagawa ni nanay kay tatay nong nabubuhay pa sila" nakangiting tugon ko sa kanya. Hindi ito umimik at nagsimulang kumain. Nagsimula narin akong kumain.

"Gusto mo ng kape?" alok ko sa kanya tumango naman ito. Inilagay ko sa tabi ng plato niya yung kape ay bumalik sa pagkain. Nang matapos kaming kumain hinugasan ko yung mga plato na ginamit namin at nilinisan ko yung mesa.

"Aalis kana?"tanong ko kay Kobe pero hindi ito sumagot."May hinanda akong baon para sayo pwede mo yang dalhin"nakangiting ani ko.

"No magpapabili nalng ako sa secretary ko"malamig yung tono ng pananalita ni Kobe.

"Pwede ba kitang yakapin?" nahihiyang tanong ko.
Hindi ito sumagot pero sabi nga nila silence means yes kaya niyakap ko soy ng mahigpit.
"Mag-iingat  ka ha"ani ko.Kumalas ako sa pagyakap dahil baka magalit pa ito.

Umalis n si Kobe habang ako naman ay naglilinis.Kakainin ko nalang mamaya yung hinanda kong baon para kay Kobe. Pagkatapos kong maglinis,naisipan kong pumunta ng flower shop para bumili ng bulaklak. Plano ko kasing magtanim ng mg bulaklak dito sa bahay ni Kobe par naman may sariwang hangin.

Pumara ako ng taxi saka sumakay.
"Saan ang patungo niyo ma'am?" tanong ng taxi driver.
"Sa flower shop po manong yung kulay violet yung pintura" tugon ko . Habang tumatakbo ang sasakyan,tinitigan ko ang card na binigay ni Kobe." Ilan kay ang laman nito?" tanong ko sa aking sarili.

Maya-maya ay parang may naamoy akong kakaiba, tatanungin ko pa sana si manong mung saan nanggagaling yung amoy nayon, pero unti unting bumigat ang pakiramdam ko at nilamon ako ng dilim.

Pagising ko nas loob parin ako ng sasakyan.
"Gising na po kayo ma'am...nandito napo tayo"ani ni manong driver.

Tumingin ako sa bintana at nakita ko yung flower shop."Salamat po manong...ito po yung ng bayad"bumaba ako sa taxi at pumasok s flower shop.

Pumunta ako sa lugar kung saan nakalagay ang mga bulaklak sa flower pot,may mga seedlings rin ito. Pinili ko yung mga seedlings par mailipat ko ito,nilagay ko sa isang cart yung mga bulaklak.Kumuha na rin ako ng money tree  kasi swerte raw iyon. Nang mapuno na ang lagayan ko,lumipat ako sa garden tools par naman madali lang yung pagtatanim ko. Pagkatapos kong bilhin lahat nga mg kailangan ko s pagtatanim ay umuwi na ako sa bahay. Pagkauwi ko, tumingin ako sa orasan, nagtataka dahil tatlong oras lang naman ako sa shop at 9 am ako umalis sa bahay.  Ang bilis naman ng oras.

Pumunta ako sa kusina para kumain. Binuksan ko yung baon knina ni Kobe at inilipat sa plato. Umupo ako sa upuan at nagdasal muna bago kumain.

Masarap talaga yung niluto ko kanina,mag-iisip na naman ako mamaya kung ano ang kakainin ko sa hapunan.

Hindi nanaman siguro sasakay sakin si Kobe,siguro kumain na yun sa labas.
Inilagay ko ang mga seedlings sa isang cartwheel itinulak ko ito papunta sa garden. Pagkarating ko sa garden bumalik na naman ako sa loob para kunin yung mg garden tools.

Nagsimula akong maghukay sa lupa para  doon ko itatanim ang mga bulaklak. Inilagay ko sa isang line ang mg rose. Isang linya yung mga red,sa isang linya rin yung ibang kulay ng rose. Inayos ko yung lagayan ng mg bulaklak para kasi itong tray na kulay puti. Para itong kalesa ni Cinderella ganon kalaki yung binili ko,dito ko kasi ilalagay yung mga bonsai. Medyo nahirapan akong ayusin pero kaya ko naman.

Nilagyan ko ng lupa yung mga maliliit na flower pot para sa bonsai at itinanim ko ito isa isa marami kasi ito at iba iba ng hitsura nila.
Pagkatapos kong itanim lahat inilagay ko ito sa karwahe ni Cinderella, maganda yung kalabasan nila well arrange yung hitsura nila.

Isinunod kong itanim yung mga daisy, maraming klase ang binili ko para pag namulaklak na sila iba iba yung kulay.Pagkatapos kung itanim lahat ng mga bulaklak diniligan ko ito para hindi malanta. Kahit hindi masyadong mainit, kailangan paring madiligan yung mga bulaklak para may mainom yung mga ugat nila.

Nagpahinga ako saglit kasi napagod ako sa pagdidilig  sa mga bulaklak. Tumingin ako sa araw medyo hindi mainit yung sikat niya.Kinuha ko yung walis na binili ko kanina at nagsimulang walisan ang bakuran,medyo malaki yung bakuran kay matagal akong matapos sa paglilinis. Gagawin ko itong fertilizer sa mga tinanim ko na mg bulaklak. Sa pagwawalis ko, napadpad ako sa likuran ng bahay.May nakita akong malaking swimming pool,maganda ito at malinis yung tubig.May mesa at mga upuan rin.Madili na nang matapos kong linisan ang paligid kaya medyo napagod yung katawan ko.

Naligo muna ako bago nagluto ng pagkain
,para akong lantang gulay, ang lawak naman ng nilinisan ko pero dapat masanay ako dahil ito na yung araw-araw kong gawain. Wala naman itong pinagkaiba sa hotel kaya alam kong kaya ko to. Pagkatapos kong magluto ng pagkain,umupo ako sa sofa.May tv dito pero hindi ako nanood dahil pagod yung katawan ko.Naalala ko na hindi ko pala binuksan yung mg ilaw sa labas,kaya bumangon ako at binuksan yung mga ilaw.Lumabas ako para tingnan yung garden. Nilagyan ko kasi ito ng mga ilaw at napakaganda nito. Totoo pala yun sinabi sakin ng babae kanina na lalong  gaganda ang karwahe ni Cinderella pag lagyan ng mga ilaw.





















••••
Thank you for reading 😊

DO THE HARD SOFT?(Goneloleñtis #2)R-18- ongoingWhere stories live. Discover now