Chapter 5

48 9 0
                                    

Habang kumakain kami,napansin ko si Tiya Aya na balisa.
"Tiya ayos kalang?"tanong ko sa kanya.

"Ayos lang ako May may iniisip lang"tugon ni Tiya Aya at ngumiti.

Naninibago ako sa kanya kasi hindi naman ganito si Tiya Aya noon.

"Matulog kayo ng maaga ha,ako na ang maghuhugas ng pinggan,wag na kayong magchichismis ni May Chel  para hindi na kayo mapupuyat"ani ni Tiya Aya.

Nagkatinginan kami ni Chelone at tumawa.

"Nay pupunta kami sa ilog sa susunod na araw"paalam ni Chelone kay Tiya.

"Ano naman ang gagawin ninyo don Chel?"tanong ni Tiya.

"Maglalaba kasi kami ni May don nay at maliligo narin"

Matagal bago sumagot si Tiya Aya para bang may iniisip ito.

"Sige basta mag-iingat kayo don at dapat maaga kayong pupunta don"saad ni Tiya Aya.

"Ba't naman nay eh wala namang masyadong naliligo sa ilog"tugon ni Chelone.

"Basta sumunod nalang kayo sa sinabi ko"maikling ani ni Tiya Aya.

Pagkatapos naming kumain natulog na kami ni Chelone.Hindi na kami nagkwentuhan kasi baka marinig kami ni Tiya.

Alas sais na ng umaga ng magising kami ni Chelone.Nandito ako ngayon sa hotel,busy ang mga tao dito dahil may malaking event dito sa hotel.At mamaya marami naman ang lilinisin ko.

Nakaupo ako sa isang upuan na nasa gilid ng pinto.Ngayon pa kasi ako natapos sa paglilinis.Iwan ko ba kung saan si Chelone baka busy ron yun.Ang nakakaadvantage sa pagiging janitor ay may oras kung kailan ka magsisimula maglinis ulit.At hindi mo kailangang asikasuhin ang mga guest kasi janitor ka nga lang at walang gusto sa janitor.

Naiisipan kong umidlip sandali dahil para paggising ko,nawala na yung pagod sa aking katawan at wala namang taong dadaan dito kasi nasa hall sila.Mamaya ko nalang hahanapin si Chelone.

Unti-unti kong pinikit ang aking mga mata at nilamon na ng dilim.

Pagdilat ko ay parang humiwalay yung kaluluwa ko sa aking katawan dahil sa gulat.Isang asul na mga mata ang nakatitig sakin.Dali-dali akong tumayo at binati yung lalaki."Good morning sir"nakayuko kung saad.

Tahimik akong nagdadasal na sana ay hindi ako nito papagalitan.Ay pero tika
hindi naman ito yung boss ko ba't naman ako papagalitan nito.

"You're sleeping like a pig, it's not a break for you to sleep"masungit na ani nito.

Inangat ko ang aking ulo at ngumiti sa kanya."Janitor po ako dito sir mamaya pa po yung oras ng trabaho ko, pagkatapos po ng event dito don pa po ako ulit magsisimulang maglilinis"magalang na ani ko.

"Tsk...what a bitch"ani ng lalaki at umalis.

Napailing ako,grabi naman pero ayos lang natural lang talaga yan dito pag ganito yung trabaho mo.

Maya-maya ay dumami na yung tao,kaya sumilip ako sa event.Hindi ako nagpapakita ng mga guest dito dahil baka huhusgahan na naman nila ako.May nahagilap akong isang grupo ng mga lalaki,nakahawak sila ng baso na may lamang wine.Sa hitsura palang nito ay puro sila mayayaman.

Nagulat ako ng may nagsalita sa likuran ko"Yan yung anak ni Mr. Zargoza"nilingon kung sino ito,si Adriel lang pala.
"Saan dyan?"tanong ko

"Yung naka black tuxedo siya ang anak ni Mr. Zargoza May"

Zargoza pala yung masungit na gwapong yun.Siya yung  nagsabi sakin na you're sleeping like a pig.Ang ganda naman ng baboy pag kasing mukha ko.

"Kung iniisip mong hindi siya mabait May,well mabait yan pero palagi lang seryoso"ani ni Adriel.

DO THE HARD SOFT?(Goneloleñtis #2)R-18- ongoingWhere stories live. Discover now