Chapter 26

92 6 0
                                    

Pagkarating ko sa bahay,ipinalagay ko lahat nang binili ko sa guest room dahil hindi ko yun kayang bitbitin lahat.Pagkatapos nilang ilagay lahat nang binili ko, umalis na sila.Nagpasalamat rin ako sa kanila dahil mababait sila at siguro kung hindi nila dineliver yung gamit ko siguro Malaki yung magagastos ko.Wala naman talaga akong nagastos at dahil yun sa card ni Kobe.

Sinimulan kong buksan yung ang mga box.Mamaya ko nalang siguro ililipat yung mga gamit ko dito,uunahin ko muna ang mga gamit ng babay ko.

Nagsimula akong magwalis sa sahig para walang alikabok.Pagkatapos kong magwalis,inasemble ko yung crib, medyo nahirapan ako kahit may manual pa ito dahil dapat kasi dalawayung gagawa nito eh ako lang naman mag-isa kaya ako nahirapan.

Ilang minute ang lumipas natapos ko yung crib, nilagay ko ito malapit sa couch.Nilagayan ko ng mattress,unan at saka teddy bear.White lahat yung binili ko dahil hindi ko alam kong ano ang gender ng baby ko.Inayos ko yung mesa kong saan ko papalitan ng diaper yung baby.Pagkatapos kong ayusin yun, nilagay ko yung stroller sa gilid nng wardrobe.Nilagay ko rin yung mga binili kong damit ni baby sa organizer bago ko ito inilagay sa wardrobe,para rin makasave sa space.

Ihiniwalay ko yung mga gamit ko katulad ng breast pump sa damit gamit ng baby ko dahil sakin yun.Nilagayan ko ng health essentials yung mga organizer na nilagyan ko ng pacifier, petroleum jelly, lotion at iba pa.Sa bedside table ko nilagay yung mga baby soap dahil may cabinet yung bedside table dito.

Nang matapos kong ayusin lahat pati na rin yung mga binili ko na design para sa kwarto,umupo muna ako sa kama at kinuha yung French fries at burger na nasa kama ko inilagay kanina.Hindi ko alam kung ba't hindi ako nakaramdam nang pagod ngayon eh marami yung ginawa ko,pero energetic parin ako.,nakakagutom nga lang.

Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuhan ng kwarto,Maganda yung kinalabasan hindi ito masakit sa mata.Mabuti nga may wardrobe at banyo yung guest room dito,Malaki rin yung space saktong-sakto ito saming dalawa ng magiging baby ko.

Ano kaya yung magiging routine ko kapag may baby na ako?siguro nakakapagod.

Nangmatapos akong kumain,sinimulan kong ilipat yung mga gamit ko sa guest room,medyo natagalan ako dahil marami rin yung mga gamit ko.Tanging gamit nalang ni Kobe yung natira don.Siguro makakatulog nay un nang maayos.

Pagkatapos kong maligo,nagluto muna ako nang hapunan dahil gabi na at para rin makakatulog na ako dahil may trabaho pa ako bukas.Uminom muna ako ng gatas bago matulog dahil para rin may vitamin yung baby na nasa sinapupunan ko.

Pagkarating ko sa kompanya, kumunot yung noo ko dahil nakared silang lahat.

Anong meron?

Tumingin ako sa date ng cellphone ko,February 14 pala ngayon?

Kulay puti yung sinuot ko,kaya para akong alien dito.Biglang may kumalabit sakin kaya lumingon ako.

"Absent po ba kayo kahapon?"tanong ng babae sakin.

"Ahm sa hapon po...may pinuntahan po kasi ako...Anong meron ba't parang bihis na bihis sila?"ani ko.

Mamimigay kasi ng flower at chocolate si Sir Kobe,kapag ikaw yung Napili,ikaw yung makakatanggap sa pinakamagandang bouquet at may chocolate at teddy bear pa...diba ang ganda non?"masayang tananong niya.

''Okay...sige mauna na ako ha" paalam ko sa kanya at iniwan yung babae.

Umupo ako sa isang upuan, marami na naman akong e-a-arrange nito.

"Everyone proceed to the event area" rinig kong announce sa speaker.

Nang marinig nila yung announcement sa speaker,nagmamadali silang pumunta sa itaas.Sumunod nalang ako sa kanila dahil hindi ko naman alam kung saan gaganapin yung event.Pagkarating ko don nandon na lahat yung mga trabahante sa kompanya.May Nakita akong isang bakanteng upuan na nasa pinakahulihan.Mabuti na rin dahil nakakahiya kapag tatabi ako sa kanila ako nalang yung nakasuot ng white.

DO THE HARD SOFT?(Goneloleñtis #2)R-18- ongoingWhere stories live. Discover now