Chapter 4

55 10 0
                                    

Inuna naming lagyan yung mga kwarto sa first floor,para hindi kami pabalik-balik at para madaling matapos.

"Adriel ilang buwan kanang nagtatrabaho dito?" tanong ko habang inaabot sa kanya yung sanitizer.
Siya kasi yung taga lagay ng sanitizer sa kwarto,habang ako ay sa labas lang naghihintay.

"Isang taon na akong nagtatrabaho dito May" tugon niya.

"Grabi ang tagal mo na pala dito no"

"Oo at kabisado ko na lahat ng sulok ng hotel dito "ani ni Adriel.

"Adriel matanong kulang,may underground ba dito?"usisa ko.

"Wala tong underground May,at saka ba't mo naman na tanong?"tanong niya pabalik sa akin

"Baka kasi may taong ahas dito"biro ko kay Adriel at tumawa ito.

"San mo naman nakuha yan May?"

"May napapanood kasi akong ganon kaya nagbabakasakali ako baka meron din dito"nilibot ko ang aking paningin sa kabuohan ng hallway.

"Sya nga pala ka ano-ano mo si Chelone?"biglang tanong niya

"Pinsan ko si Chelone, ba't mo na tanong?"

"Wala"

"Magkaibigan ba kayo ni Chelone?"tanong ko

"Hindi, madalas ko lang nakikita si Chelone na nagdadala ng mga pagkain"tugon niya

"Ilang taon kana ba May?"

"20 palang ako,ikaw ilang taon kana Adriel?"pabalik kong tanong.
Ngumiti ito.
"24 na ako May "

"Nag-aaral ka ba?"usisa ko kay Adriel

"Hindi"

"Ba't naman?"

"Long story"tipid na sagot ni Adriel

"Ay ganon ba"






Dalawang oras na ang lumipas bago namin malagyan  ng sanitizer ang lahat ng kwarto sa hotel.Mabuti nga at tinulungan ako ni Adriel dahil kung hindi aabutin ako ng gabi.
"May kilala mo ba si Zairo ?" biglang tanong ni Chelone.

"Zairo,yung nag aya sa atin ng tanghalian?"

"Oo yun nga"

"Hindi bakit naman?ang alam ko ay dito siya nakacheck-in sa hotel "ani ko

"Gaga, hindi mo alam siya yung manager dito"ani ni Chelone
Lumaki yung mata ko

"Hala diba babae yung manager dito?"

"Hindi na ngayon,pinalitan na raw"

"Sandali...sino naman ang nagsabi sa'yo niyan chel?naki chismis ka na naman noh?"ito talagang babaeng to kahit saan mapunta may dalang chismis.

"Sus narinig ko sa kasamahan ko kanina"sagot ni Chelone.

"Sabi na nga ba!"napailing ako dahil sa pagiging marites ni Chelone

"Pero may good side rinnaman yang pagiging chismosa mo"tumawa lang ito

"Ngayon hindi na tayo makikipag-usap kay Zairon kasi baka kung ano pang sasabihin ng mga stuffs dito" ani ko

"Oo nga eh baka sasabihan pa tayo ng mga linta" pagsang-ayon  ni Chelone

"Hoy May kanina ano yun?"siniko ako ni Chelone.

"Ang alin?"tanong ko

"Yung kanina... nanligaw ba sa'yo yun"kinikilig at nanunuksong saad ni Chelone

Binatukan ko ito"wala noh..ano bang pinagsasabi mo? friends lang kami non"tugon ko.

DO THE HARD SOFT?(Goneloleñtis #2)R-18- ongoingWhere stories live. Discover now