Chapter 13

34 6 0
                                    


Bumangon ako at binuksan yung bintana gabi na pala,napasarap ata yung tulog ko.Naisipan kung buksan yung mga shopping bag ,gusto ko kasing maligo at pipili ako nang susuotin ko ngayon.Binuksan ko yung kulay yellow shopping bag,saktong-sakto yun yung mga damit na pambahay na at nagbukas rin ako ng ibang bag para kumuha ng sabon.

Infairness,branded yung mga damit na binili ni Kobe. Ang problema ko naman ngayon eh kung saan ako maliligo,hindi ko pa naman kabisado ang mga kwarto dito.May apat na room kasi dito,pero hindi naman siguro masama kung maliligo ako sa isa sa kanila.Kahit nalilito ako kung saan ako papasokk,pinili ko parin yung nasa gitna.

Pinihit ko ang doorknob at pumasok sa loob,isinira ko ito ngunit hindi ko ini-lock .

"What are you doing here Gar?"lumingon ako at nakita si Kobe na na pinupunasan ang kanyang basing buhok at towel lang ang nakabalot sa beywang niya.Napalunok ako dahil sa ganda ng view na nakikita ko ngayon.

"A-ah pasensya na mali yung kwarto na pinasukan ko"dali-dali akong tumalikod para buksan yung pinto.

"Wait Gar"tawag sakin ni Kobe.

Paglingon, papalapit na ito sakin"Ano yung Keo?" tanong ko sa kanya.

"Dito ka na maliligo sa kwarto ko and also put all your things here

in my wardrobe follow me"ani niya at lumakad papunta sa isang malaking cabinet.

Binuksan ito ni Kobe ,tumabad samin ang maraming damit niya.Nasa kanan lahat nakalagay yung mga damit at sapatos ni Kobe habang yung sa kaliwa naman ay walang laman. "Put all your things here" aniya

"Pero kwarto mo to diba? At saka wala nabang ibang closet dito para lagyan ng mga damit ko?"tanong ko.

"Bobo kaba o tanga?"naiinis na tanong ni Kobe.

"Huh anong connect?"nalilitong tanong ko sa kanya.

Napahilot si Kobe sa kanyang sentido.

"Gar you're my wife and beside,when everytime I need your body,hindi na ako kailangang pumunta sa ibang kwarto kasi you're here"seryosong tugon ni Kobe.

Parang may kung anong tumusok sa dibdib ko dahil sa sinabi ni Kobe,pero okay lang pambayad lang naman ako ng utang ng mga magulang ko sa kanila.

"When you're done Gar, eat and sleep, I'll go somewhere"aniya at kumuha ng damit.

Pumasok ako sa banyo dahil magmumukha akong bastos kung papanunoorin ko siyang magbihis.

Iwan ko na talaga kung anong silbi ko dito sa mundo.

Pagkalabas ko sa banyo,nandoon parin si Kobe.

"You know how to cook Gar?"seryosong tanong ni Kobe.

"Oo naman!Anong gusto mong lutuin ko?"tanong ko kay Kobe.

"Your choice Gar"tipid na tugon nito.

Lumabas ako sa kwarto at pumunta sa kusina.Pagdating ko sa kusina,binuksan ko yung ref.

"Ano kaya yung pwedeng lutuin dito?"tanong ko sa aking sarili."Ano kaya kung chicken kaldereta nalang"

Kinuha ko yung mga ingredients para sa lulutuin ko at inilagay sa mesa.Binuksan ko rin yung freezer para kunin yung karneng manok.Binabad ko muna ito sa tubig para matunaw yung ice na nakadikit sa karne.

Ilang minuto ang lumipas medyo lumambot na yung karne,hiniwa-hiwa ko ito.Nang matapos akong magluto ng chicken kaldereta,hinanda ko yung mesa.Naglagay ako ng table cloth at mga pinggan.Naglagay narin ako ng kanin at ulam sa mesa pati narin yung tubig na nilagay ko sa petsel.

Nang matapos kung ihanda lahat,pumunta ako sa living room dahil baka nandon si Kobe.At tama nga yung hinala ko nandon siya,nakaupo sa sofa habang nakatingin sa cellphone niya.

"Keo handa na yung pagkain!"aniko.

Tumingin ito sakin at tumayo,nauna itong maglakad patungong kusina.Pagkarating namin ni Kobe sa kusina nabangga pa ako sa kanyang likuran dahil bigla ito huminto.

"I'll change my mind, sa labas nalang ako kakain"biglang ani ni Kobe

"Ah ganon ba?"medyo nahiya ako dahil sa sinabi niya dahil akala ko kasi magkasabay kaming kakain.

Masakit yung dibdib ko pero isinaliwalang bahala ko ito at umupo sa dining table.

Ngumiti ako sa kanya"Kakainin ko to lahat ha"paalam ko sa kanya at pumikit para magdasal.

Pagdilat ko wala na si Kobe sa kusina,narinig ko yung  tunog sasakyan niya na papalayo.

"Ayos lang ako nalang ang kakain "

Nilagyan ko ng kanin at ulam yung pinggan ko,nagsimula akong kumain.Masarap yung niluto ko at paniguradong mabubusog ako nito.Napangiti ako ng maalala sina Nanay at Tatay,sila palagi yung kasabay ko noon tuwing kainan na.Mahilig kasing magluto si Nanay noon ng chicken kaldereta kaya yun yung palaging ulam namin na kahit kailan ay hindi ako nagsawa.

Kahit pagod na pagod sila sa trabaho,hindi sila nagkulang sa pag-aalaga at pagmamahal sakin.Magkasabay kami palagi tuwing kumakain,pero ngayon ako nalang yung mag-isa.Na miss ko tuloy sila,sana magkaroon rin ako ng sariling pamilya,sana masaya kami kagaya ng buhay ko noon ng kasama ko pa sina nanay at tatay.

Nang maubos ko yung pagakain na nasa aking pinggan ,kumuha ako ng isang slice ng water melon.Pagkatapos kung kumain,niligpit ko na yung mga pinggan at hinugasan ito.Pagkatapos kung hugasan ang pinggan,nagsimula akong maglinis sa kusina pinunasan ko yung oven pati narin yung mga cabinet.



Pumunta ako sa living room para kumuha ng mga damit,kinuha ko yung mga shopping bags at dinala sa kwarto ni Kobe.Pabalik-balik ako dahil hindi ko kayang dalhin lahat ng bags.Pagkatapos kong dalhin lahat ng mga bags sa kwarto,nagsimula akong isabit lahat ng mga damit sa hanger. inuna  ko yung mga panlakad na damit saka ko isinunod yung pambahay.Inilagay ko rin sa mga shoe organizer yung mga sapatos ko,isinunod ko yung mga pabango inilagay ko ito sa maliit na glass cabinet.

Dalawang oras rin bago ko matapos yung ginawa ko,umupo ako sa kama dahil masakit yung likod ko.Tumingin ako sa paligid,malaki pala yung kwartyo ni Kobe."Ba't nagyon ko lang to napansin?".

Kaamoy ni Kobe yung kwarto niya,mabanho ito."Saan na kaya si Keo ngayon?".

Tumingin ako sa orasan,11:00 pm na pala ng gabi.Naisipan kong matulog dahil nakakapagod yung ginawa ko .Hihiga na sana ako pero may napansin akong isang malaking bintana na tinakpan ng isang malaking puting kurtina.Nilapitan ko ito at hinawi yung kurtina,isa pala itong terrace.Binuksan ko ang glass door,sumalubong sakin ang isang malamig na hangin.Umupo ako sa isang upuan na nasa terrace.Napaka rami ng bituin sa kalangitan,naalala ko si Eloise.Palaging bukang bibig niya si Chris sa tuwing mag-uusap kami.

Inlove na inlove yung bruhang yun kay Chris,sana magkatuloyan silang dalawa.

"Ano kaya yung feeling na ma inlove sa isang tao"?biglang tanong ko sa aking sarili.

Bigla akong natawa dahil sa tanong ko sa aking sarili,grabe talaga yung epekto ng antok sa katawan ko pati utak ko ay naapektuhan na.

Bumalik ako sa loob dahil malalim na ang gabi at inaantok narin ako.Humiga ako sa kama at niyakap ang unan,maya-maya dinalaw na ako ng antok.












.......

Thank you for reading my story...good night:)


DO THE HARD SOFT?(Goneloleñtis #2)R-18- ongoingWhere stories live. Discover now