Chapter 19

47 7 1
                                    

Maaga akong gumising kaninang umaga, naghanda ako ng agahan ni Kobe para may makakain soya bago pumasok sa kompanya. Pagkatapos kong ihanda ang lahat ng kailangan niya, maaga akong pumasok sa trabaho para hindi ako makita ni Kobe ngayong araw. Inuna kong nilinisan yung office niya, para hindi na ako pupunta doon. Nahihiya ako dahil binigyan ko ng ibig-sabihin yung nangyari saming dalawa ni Kobe kagabi.

Inisip ko kasi na ginawa namin yun dahil mahal namin ang isa't isa kahit alam kong malaking katangahan yun. Kung pwede palang pagsabihan ko yung puso ko na wag mahalin si Kobe siguro nawala natong nararamdaman ko para sa kanya. Hindi ko alam kung ba't ko minahal so Kobe eh wala namang pakialam sakin yun.

Siguro magiging katulad ako ni Ruby na tanga sa pag ibig,siguro sobrang nahihirapan si Ruby dahil sa sitwasyon niya.

Napabuntong hininga nalang ako at ipinagpatuloy ang pag ma mop sa sahig. Wala pang masyadong tao dito dahil alas otso pa ng umaga yung oras ng duty nila dito.

Naglakad ako ngayon papalabas sa kompanya, bibili kasi ako ng makakain. Hindi pa kasi ako kumain kaninang umaga.

Napahinto ako dahil nakita ko so Kobe papasok s entrance, may kasama itong babae na nakakapit sa braso niya. Sumilip ako para makita ang mukha ng babae, hindi ito si Nicole. Maganda at maputi ito,mukhang galing ito sa mayayamang pamilya. Siguro siya yung babae na sinabi ni Nicole sakin.

Swerte naman ng babae nato dahil nahahawakan niya si Kobe sa maraming tao,hindi gaya ko na kailangang ilihim na kasal kami. Napailing nalang ako at lumabas para bumili ng pagkain. Mamaya na ko babalik sa kompanya dahil 1:00 pm pa ako babalik sa paglilinis.

Pumunta ako sa karenderya para doon kumain, ito lang kasi yung kaya ng pera ko. Omorder ako ng gulay at kanin, umupo ako sa upuan at hinintay yung inorder ko.

Nandito ako ngayon sa mall,hindi ko alam kung ba't ako pumunta dito,dito ako dinala ng mga paa ko habang naglakad-lakad ako para lumanghap ng sariwang hangin. Habang naglalakad ako may nakita akong picture frame maganda ito at simple.

"Ano kayang picture na ilalagay ko dito?"bigla kong naisip ang picture ng kasal namin ni Kobe. Hiningi ko kasi yun s photographer pagkatapos ng kasal namin.

Para pag nagkita ulit kami ni Chelone, ipagmamayabang ko sa kanya na nakasali ako sa film. Kasyang-kasya ito dahil pareho sila ng sukat. Ayos lang naman kung ilalagay ko yun sa picture frame, hindi naman makikita ni Kobe dahil sa damit ko ito itatago. Napangiti ako dahil sa aking naisip,ang talino ko talaga, sabi ko sa aking sarili.

Binayaran ko yung frame at lumabas na,bumalik ako sa kompanya. Pagbalik ko marami ng tao.Saan na kaya yung dalawa? Hindi ko alam kung bakit naiinis ako kapag naalala kung paano kumapit yung babae sa braso ni Kobe,parang ang sarap niyang suntukin sa mukha. Buti nalang hindi ako nakita ni Kobe pero wala lang naman sa kanya iyon.

Pumunta ako sa cr para mag emote , maya-maya lang ay may narinig akong mga babae na nag uusap. Binuksan ko ng kunti ang pinto ng cr par makita ko kung sino yun. Base palang sa mga suot nila, dito sila nag tatrabaho sa kompanya.

"Alam mo girl,yung babaeng kasama ni sir Kobe kanina bagay silang dalawa"ani nong isa.

"Oo nga noh, alam mo hindi ako nakarinig na may jowa yang si Sir Kobe"tugon nong isa habang naglalagay ng makeup.

Hindi ba nila alam na may jowa yan si Kobe?

Isinarado ko ang pinto dahil ayaw kong marinig ang usapan nila, puro naman yun papuri sa kasama ni Kobe kanina.Napantig yung tenga ko ng marinig ko yung pangalan ko.

"Saan mo naman nakuha yung pangalan niya girl?" narinig kong sabi ng babae.

"Tiningnan ko kasi yung ID niya kaya ayon. Pero alam mo sipsip yun sa boss natin, palagi ko siyang nakikita na pumapasok sa office ni sir Kobe."

Hoy tanga! Janitor ako kaya normal lang na papasok ako sa office para maglinis ng mg kalat ng magaling niyong amo! Gusto kong isigaw sa kanila yung sinabi ng utak ko ngunit pinigilan ko yung sarili ko at huminga ng malalim.

Sarap kalbuhin ng mga buhok nila. Naku kong hindi lng ako mabait siguro sinugod ko na sila. Binuksan ko ang pinto at lumabas na parang wala akong naririnig. Bahala sila,yung ulo lang nila yung sasakit hindi sakin.

Biglang nag ring yung cellphone ko,kinuha ko ito sa bulsa. Lumaki yung mata ko dahil si Kobe yung tumawag. Nagdalawang isip ako kung sasagutin ko ba to o hindi "wag ka ngang oa May"sabi ko sa aking sarili at sinagot yung tawag.

"H-Hello sir Kobe "kinakabahang ani ko.

"Come to my office "seryusong tugon nito at pinatay yung tawag. Napalunok ako dahil mukhang galit ito,ano naman kaya ang nagawa ko? O di kaya nabitin sa ginawa ng babae na kasama niya kanina at nagalit kaya sakin ibabato yung galit niya?

Habang naglalakad ako papuntang office ni Kobe ay iniisip ko kung yun ba talaga yung dahilan na nabitin siya o baka naman may mali akong nagawa. Sumakit na yung ulo dahil sa kakaisip kung ano ba talaga yung ginagawa kong mali kanina.

Nang makarating ako sa pintuan ni Kobe s pintuan sa office ni Kobe,huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pinto. Kumatok ako ng dalawang beses pero walang sumasagot. Binuksan ko ang pinto at pumasok sa loob. Nadatnan kong kalmadong nakaupo si Kobe sa office chair niya.

Ngumiti ako ng pilit,kahit kinabahan ako ay lumapit ko sa lamesa.
"Anong kailangan mo?" magalang tanong ko kay Kobe.

"Did you throw the paper that I put here?"seryusong tanong ni Kobe.

"Hi-"bigla kung naalala yung papel na tinapon ko kanina,dahil kasi sa pagdadrama ko kanina hindi ko na binasa yung mg papel na tinapon ko.

"Did you?" tanong ulit nito sakin.

" O-Oo, a-ano ba kasi yun?"tanong ko.

"You just lost a 100 thousand billion" kalmadong saad niya.

"Huh! 100 thousand billion?paano?"gulat na tanong ko

"One of my business partner own that Gar,why did you throw that paper?"

"A-Akala ko kasi wala lang yun, h-hindi ko kasi binasa"nauutal na tugon."Pero sandali lang babalik ako"ani ko at dali daling lumabas sa office. Halos lakad takbo yung ginawa ko papunta kung saan ko tinapon yung mga papel na nasa office ni Kobe. Pero pagdating ko doon wala na yung mga basura na nandoon kanina.

Pano nato ngayon? Bumalik ako sa office ni Kobe "wala don yung mga basura"ani ko.

"Pano yan, mabibigyan kita ng parusa"malungkot na tugon ni Kobe.

"Tatanggapin ko yun"ani ko.

Umangat ang gilid ng kanyang labi."Your punishment is so simple Gar"ani nito at tumayo. "You have a two options "dagdag pa niya habang papalapit sakin.






















Malapit na tayo sa exciting part 😂 jk
Btw thanks for reading 😊

DO THE HARD SOFT?(Goneloleñtis #2)R-18- ongoingWhere stories live. Discover now