Iminulat ko ang aking mata, umaga na pala. Lumaki yung mg mata ko nang makita si Kobe na nakasubsob sa dibdib ko. Parang naputol yung hininga ko dahil ramdam na ramdam ko yung mainit na hininga ni na tumatama sa balat ko. Tinapik-tapik ko yung balikat niya para gumising siya.
"K-Keo gising umaga na," nauutal na ani ko, wala kasi itong damit pang itaas. Nabigla ako nang biglang pumaibabaw sakin si Kobe. Nakangiti siya para bang may binabalak na gawin, hahalikan na niya sana ako ngunit biglang bumukas yung pintuan ng kwarto. Napatingin kaming dalawa ni Kobe sa pintuan, nakatayo si ma'am Claire, Gel, at Liam doon.
Silang dalawa lang yung gulat habang si ma'am Claire naman ay matamis na nakangiti. Nang mapagtanto ko na nasa ibabaw pala sakin si Kobe, malakas ko siyang tinulak at bumangon sa kama.
"M-Magandang umaga sa inyo," nahihiyang bati ko sa kanila. Tumikhim si Liam at napaiwas ng tingin.
"Good morning dear, how's your sleep?" lumapit siya sakin " you didn't wear a bra," kahit walang lumabas na boses sa sinabi ni ma'am Claire pero alam ko na yung ibig sabihin non. Dali dali kong tinakpan yung dibdib ko gamit ang aking kamay.
"A-Ayos lang naman po yung tulog ko," awkward akong ngumiti.
Bumaling yung tingin niya kay Kobe " Ikaw Keo ha umagang-umaga pa," pabirong ani niya kay Kobe. Hindi ko alam kung nong sinabi ni Kobe pero lumiwanag yung mukha ni ma'am Claire. " Make it two," masayang ani ni ma'am Claire.
Nandito kmi ngayon sa kwarto nina ma'am dahil binibihisan ko si Airon. Uuwi na kasi kami dahil may gagawin daw si Kobe. Sabi nga ni ma'am Claire na dito na daw muna kami tatambay, peri sabi ni Kobe isasama daw niya kami pauwi. Habang pinapasuot ko si Airon ng diaper, napansin kong tahimik lang si Gel, kahapon pa siya tahimik.
"Gel ayos kalang?" tanong ko sa kanya
"Oo may iniisip lang,"nakangiting tugon ni Gel.
Napaisip tuloy ako kung totoo ba yung sinabi ni kobe sakin kagabi o di kaya dahil yunf sa kalasingan niya. Mukhang hindi naman siguro magagawa ni Gel na gamitin yung perfume ko at saka hindi naman kasi kami magkaamoy.
Kahapon nga lang naamoy ko yung perfume ko sa kanya pero hindi naman ibig-sabihin na ginamit niya iyon para akitin si Kobe. Ano namang kinalaman non sa perfume ko para maakit si Kobe? Baka palusot lang yun ni Kobe para itago yung relasyon nilang dalawa.
"Gel may boyfriend kana ba?" tanong ko bigla sa kanya
"Wala, pero malapit na," tugon niya
"Talaga? Mabuti naman"
"Oo nga eh, at sisiguraduhin kong maging akin siya," tugon niya sakin.
Hoy amega hindi mapapasayo si Kobe dahil may girlfriend na yun! Mas maganda yun kesa sayo noh, ani ko sa aking isipan. Managinip ka nalang ng gising.
Ngumiti ako sa kanya " Sana maging kayo noh para makabuo ka na rin ng sariling pamilya,"
"Oo masisiguro ko yun May" nakngiting tugon niya. Nag thumbs up ako sa kanya.
Ilang araw na ang lumipas nang umuwi kami sa bahay. Bumalik na naman sa dating gawi at hindi kailangang magpanggap. Sabi ni ma'am Claire sakin na summa daw siya ni Liam dahil may gagawing business daw si Mr. Zaragosa sa Spain. Oh diba ang bongga nila. Mabait naman yung Liam na yun, makikita mo talaga sa mukha niya.
Nasa baba sina Gel at yung anak ko pati na rin si Walty. Kakatapos lang kasi naming kumain ng agahan. Napadaan ako ako sa kwarto ni Kobe, gaya nong dati may kausap ito sa cellphone niya kaya nakinig muna ako saglit.
Narinig kong tumawa si kobe kaya mas lalo ko pang dinikit yung tenga ko sa pinto ng kwarto niya.
"I love you, bye," yun lang yung narinig ko.
Siguro binaba n aniya yung tawag. Bumaba n ako dahil baka mahuli pa ako ni Kobe sasabihan pa ako ng chismosa non. Parang nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko ng marinig ko ang boses ng aking anak. Pinapatawa ito ni Gel.Mabuti naman at hindi nagbago ang trato ni Gel sa anak ko. Kahit masakit isipin na tinuklaw ako ni Gel, isinawalang bahala ko iyon dahil itinuturing ko siya na aking pamilya.
Kahit sino naman talagang babae ay nagkakagusto kay Kobe dahil para itong Greek God na mababasa mo sa mga libro. Kahit ako nga patay na patay sa kanya si Gel pa kaya.
Nang makaalis na sa bahay si Kobe, naisip long sundan siya.
"Gel gala tayo," yaya ko sa kanya.
"Sige"sang ayon niya
"Ay ano kaya kung dito ka nalang dahil pagod kana, kami nalang yung mamamasyal kung ayos lang sayo," ani ko
"Ayos lang sakin yun, iidlip nalang ako," tugon niya.
Sumakay agad kami ng taxi para pumunta sa plaza, gusto ko ring makalanghap ng sariwang hangin kasama yung anak ko at si Walty. May lugar kasi soon na tambayan ng mga tao para makalanghap ng sariwang hangin, baka makita ko rin si Kobe doon.
Nang makarating kami sa plaza umupo muna kami doon at magmumuni-muni saglit. Nagmumuni-muni rin si Walty, ano kaya ang iniisip ng aso nato? Habang nagmumuni ako dumedede rin si Airon. Kaya siguro sobrang taba nito dahil palaging gutom. Sarap talga maging ina. Ipinikit ko ang aking mga mata ng dumampi saking balat ang sariwang hangin.
Nawawala yung mga problema ko dito. Naglakad lakad muna kami saglit, hindi ko alam pero parang hinihila yung mga paa ko. Napadpad kami sa isang cafe. Bigla kong naalala si Eloise, ito rin yung trabaho niya non habang nag aaral pa siya.
Mapait akong ngumiti ng makita yung asawa ko at yung girlfriend niya sa loob ng cafe.
"Tingnan mo yung ama mo anak, kasama niya yung babaeng mahal niya," ani ko kay Airon. Hinalikan ko yung pisngi ng anak ko. Hindi naman niya ito maintindihan dahil baby pa siya."Ang saya nila anak,"nakangiting ani ko. Sa Jollibee nalang kami kumain ng tanghalian dahil nagugutom na ako. Pagkatapos naming kumain umuwi na kami sa bahay. Gaya nga ng sinabi ni Gel natutulog na siya. Hindi ko na siya ginising at nagluto nalang ako ng pagkain niya para paggising niya kakain nalang siya.
Thank you for reading
Don't forget to vote...