CHAPTER TWO

27 0 0
                                    

M I L L E R

"Aaw. Wala raw si Axel? Inagahan ko pa naman today para magkatabi kami."

"Bakit daw?"

"Excuse daw kasi may sakit."

"Talaga? Oh no! Do you think we can visit him?"

"Pwede naman siguro pero hindi ko kasi alam address niya, eh."

"Oh, right. Wala palang nakakaalam kung saan siya nakatira."

Ang aga-aga ay ganitong usapan ang madadatnan ko sa classroom. It seems Axel is absent today and the girls are disappointed about it. 70% ng klaseng ito ay mga babae at lahat sila ay pinili ang oras na ito dahil nandito si Axel.

But it's kind of fine for me, at least isang subject lang kami magkasabay ng schedule. I don't have to deal with these girls all the time. Ito ang unang beses na naging magkaklase kami. And I assure that this will be the last one since I know how troublesome it is to be that person's classmate.

Napakusot ako ng mata nang bigla na lang lumabo ang paningin ko. Malamang ay sanhi ito ng kulang ko sa tulog. Inalis ko ang salamin ko sa mata para tingnan kung may dumi ba dito, at nang may nakita akong maliit na fingerprint ay kaagad ko itong pinunasan gamit ang dulo ng t-shirt ko. Minsan kasi ay sinusuot ko ito lalo na sa umaga.

"Miller?"
Napahinto ako sa pagpupunas nang marinig ang pangalan ko. Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko para makita kung sino itong tumatawag sa akin.

"Hey, OMG. Ang gwapo mo pala kung walang salamin," she said, attempting to start a conversation.

Kung tama ako ng pagkakatanda ay isa siya sa mga miyembro ng grupo na inimbitahan ako sa group assignment namin noong isang araw.

Kahit na saglit ko lang nakita ang mukha ng babae ay sigurado ako na isa siya sa mga taong iyon. Lalo na kung suot-suot niya ang puting Converse shoes na sapatos na suot niya rin noong araw na iyon.

I guess they haven't given up yet.

"A-Ah... S-Salamat," sagot ko tapos ay umiwas ng tingin sa kanya.

"May nakaupo na ba dito?" tanong niya sa akin.

Wala akong pakialam kung uupo man siya sa tabi ko tutal wala naman talagang nakaupo roon. Pero pakiramdam ko ay hindi na niya ako titigilan pa sa sandaling payagan ko siyang umupo sa tabi ko ngayon.

Ladies are dangerous. If you show them a little bit of kindness, they will stick on you like a leech.

"M-Meron na. Pumunta lang siya ng banyo saglit," pagsisinungaling ko.

"Oh. S-Sige... doon na lang siguro ako kina Hanna," sambit ng babae sa dismayadong boses.

Nakahinga naman ako ng maluwag nang tuluyan na niya akong iniwan mag-isa.

Ilang sandali lang ay dumating na ang professor namin. Nabanggit niya ang tungkol kay Axel pero hindi ko ito gaanong narinig dahil abala ako sa pagbibilang ng budget ko ngayong linggo.

Marami akong gastusin. Magtatapos na ang linggo pero wala pa akong naiipon na panghulog sa utang ko. Kulang pa ako ng tatlong libo para sa lingguhan kong hulog at limang daan para sa inuupahan ko. Isa pa, wala akong sideline mamaya pagkatapos ng duty ko sa convenience store. Sa madaling salita ay gipit na gipit na ako.

"Wala na akong mauutangan," anas ko sa sarili habang nakapatong sa lamesa ang ulo ko.

Patuloy lang sa discussion niya si Ma'am. I would love to listen to her if only I have less problem to think. Nakakawalang gana lang kasi talaga itong wala tayong pera.

Taming the VampireWhere stories live. Discover now