CHAPTER FOURTEEN

3 0 0
                                    

M I L L E R

The smell of the lavender essential oil in a form of mist welcomed my morning as soon as I opened my eyes. This felt like my old home. Amoy ng bahay na araw-araw nililinis at inaasikaso ng kasambahay. Ang amoy ng fabcon ng bagong labang bedsheet, at kurtina. Ang amoy ng aircon na ka-spe-spray lang ng air freshener. 'Yung amoy malamig. Amoy malawak. Amoy malinis. That is how I felt the moment I woke up and consciously breathed the air around me.

"Mom?" I uttered as I suddenly got the urge to call her.

Ah~ This really felt like home. Kagaya noong mga panahon na malaya pa akong gawin ang lahat. Noong nakukuha ko pa ang mga gusto ko. Noong maayos pa ang buhay ko.

How... strange.
I don't really remember cleaning my place well enough to make it smell like my luxurious place before.

Hm?

Dali-dali kong binuksan ang aking mga mata. At kagaya ng inaasahan ko ay wala ako sa maliit at 3 in 1 kong boarding house. Imbes ay nasa loob ako ng malawak na puting silid na may gintong crown molding sa kisame at mamahaling mga gamit sa bahay. May lamesa at sofa na kulay berde sa tabi ng kama ko. Sa ibabaw ng lamesa ay may nakapatong na kulay beige na vase na gawa sa mamahaling proselana, at may nakalagay na kulay pink at pulang mga rosas. Mala-gatas din ang kulay puting kurtina ng malaki at mahaba na bintana. Sa haba nito ay pwede nang maging pinto ng mismong silid patungo sa labas.

Bumangon ako para makita pa ng maayos ang kabuohan ng kwarto. There's an oblong-shaped mirror on the left side wall of the room. It has white moldings and an expensive white table underneath and a chair. May pinto rin sa harap ko at isa naman sa gilid. The one in front of me has a mosaic window. Clearly, it is the comfort room. So, the other one must be the door out.

Maliban sa mga gamit na nabanggit ko ay wala ng ibang bagay pa na nasa loob ng silid. This must be a spare room. Isa pa, wala ring orasan sa paligid kaya hindi ko alam kung anong oras na. Kung sumikat na ba ang araw o madilim pa rin ba sa labas. Hindi ko rin naman matansya ang oras dahil nakababa pa ang kurtina. It seems that it is not only milk-like but also has a high quality thick cloth sanhi para hindi basta-basta na lumusot ang sikat ng araw sa labas.

Ano ba ang nangyari kahapon at nandito ako sa lugar na ito?

"What the hell," bulalas ko.

Oo nga pala. I healed Axel Wesley. I let him drink my blood pero pagkatapos nun ay wala na akong maalala

Just when I thought of leaving the room. Noong pababa na sana ako sa kama ay biglang bumukas ang pinto sa kaliwang bahagi ng silid.

"Ah, mabuti naman po at gising na po kayo," bungad sa akin ng pumasok na lalaki.

He is wearing a black long sleeves and slacks. He looks like someone who has just arrived from his office. Kulang na lang ay suit para masabing nagtatrabaho siya sa opisina.

"Where am I?" Syempre, inuna ko nang itanong ito sa kanya.

"Nasa mansyon ka ni Master," sagot nito.

Sa nakikita kong puting kulay ng buhok at asul na mga mata niya. Idagdag pa ang maputlang kulay ng kanyang balat, this person is not a Filipino. Sa palagay ko ay taga-ibang bansa siya but his Tagalog accent is too local that if I did not see his appearance I might think that he is not a foreigner.

"Master?" sabi ko, "Sinong master?"

Now that I think about it... nasaan na ba si Axel?

"Wait," kaagad kong wika kahit hindi pa man siya nakaka-sagot sa tanong ko. I got the feeling that I must ask this first. "Nung dinala niyo ako rito. I was with a man... uh, he is a few inches shorter than me with white fair skin, long lashes, and... gorgeous face ... for a man. And he got red lips, waaay too red," I paused, should I tell them it was red because he drank blood or not?

Taming the VampireWhere stories live. Discover now