CHAPTER FIVE

7 0 0
                                    

M I L L E R

"Natapos mo na 'yung pinapagawa sa'yo ni Marie?"

"Oo. Ayos na. Sa'yo ba, medyo mahaba 'yung part mo 'di ba?"

Ah. There are two girls are ahead of me while I am on the way to the classroom. Kaklase ko rin sila sa subject na ito at mukhang pinag-uusapan nila ang tungkol sa group assignment ng lecture ngayong araw.

Oo nga pala, wala nga pala akong kagrupo. At kailangan ko pa pala na tapusin ang lahat ng gagawin na papers ng mag-isa.

Luminga-linga muna ako sa labas ng classroom bago pumasok. I wonder if Axel Wesley is already inside... just when I thought about it, I saw him inside the classroom with the usual number of crowds around him. He is as popular as ever.

"Ang aga ni Axel ngayon."

Usapan na naman ng dalawa kong kaklase na nasa harapan ko, and yes, it is still about Axel Wesley.

Before, I found it annoying to hear things about that guy. Wala na ba silang alam na pag-usapan maliban sa style ng buhok ni Axel Wesley, sa kulay ng suot niya, sa kung maaga ba siya o late pumasok sa school, o sa may kagrupo ba siya sa group assignment namin? Wala ba silang sariling mga buhay? But then, noong nagtagal, specifically about three months after I returned to college, I got used to it.

Alam ko naman na ganyan lang talaga ang nangyayari kung masyadong magaling mag-socialized ang isang tao at may high quality visuals pa. Every girl would probably flocked into him asking for his attention. There's no doubt about it dahil ganyan din ako pagkaguluhan dati nung may panahon at oras pa 'ko para sa sarili ko.

Well, at least I have my job where I can still flex my manly looks all night. I am not totally deprived in social life and attention.

"Okay, settle down everyone!" pagtawag atensyon ng professor namin na kararating lang.
Hinampas niya kaagad ang whiteboard at umupo sa teacher's table. Hindi pa man tuluyang nakakaupo ang lahat ay kaagad na niya kaming inutusan na, "Is there anyone of you who can do a recapitulation of our discussion last meeting?"

Nang marinig ng lahat ang sinabi ni Ma'am ay biglang tumahimik ang magulo namin na classroom.

"No one?" tanong niya.
Except with the tick tock noise of the wall clock, wala ng iba pang ingay na maririnig sa loob ng classroom. "If that's the case, shall I call someone then?"

Napansin ko ang sunod-sunod na malalim na paghinga ng dalawa kong katabi sa lamesa. Again, no one wants to be called.

"Okay, Mr. Wesley," tawag ng professor namin nang makita ang nakataas na kamay ni Axel Wesley.

"OMG. Axel saves the day!" mahinang tili ng dalawang babae sa harapan ko.

"In the last meeting, we had a discussion about Socrates, about his philosophy of self. After which we read the Allegory of the Cave, a book by Plato, who is also a student of Socrates..." Nagpatuloy si Axel sa pag-isa-isa sa mga ginawa namin noong nakaraan.

"Okay. Thank you, Mr. Wesley for the brief and clear recapitulation which your classmates can't even do despite being present on the same day." Tumayo si Ma'am then she sighed, "So, today we will be talking about another Philosopher and his philosophy about self. And after, I will be giving you another paper to do as a group and so on until we reach James William, the last Philosopher to discuss this sem..."

Nagpatuloy na nga sa lecture niya si Ma'am. Sa sandaling ito ay tinuturo niya sa amin ang pilosopiya ni Aristotle. A not so foreign name for us as we always hear his name to almost every academic subjects in.

Sa kabilang banda, while the professor is continuing her lecture, my mind is also wandering somewhere... and that is obviously none other than Axel Wesley and about the things that I cannot remember.

Taming the VampireDonde viven las historias. Descúbrelo ahora