CHAPTER NINETY-FIVE

2 0 0
                                        

M I L L E R

Hindi ako makapaniwala na mapapakinabangan ko ang pagiging eksperto ko sa pasikot-sikot ng red light district. At least I can teleport in short distances sa tuwing pakiramdam ko ay nalalapit na sila sa akin.

Pero hindi naman unlimited ang energy ko, kaya nagsisimula na akong makaramdam ng pagod. Kasalanan ito ng lalaki na nagtawag ng mga kasama nila.

"... DAKPIN NIYO SIYA!" sigaw ng lalaki sa mga kasamang nabulabog sa lakas ng boses niya.

Na-alerto naman ang lahat at sabay-sabay na tumakbo, naglakad, at lumundag patungo sa akin. I was really in a near death situation. Buti na lang at naka-teleport ako sa tamang oras. Tumungo ako sa labas ng Golden Palace. Saktong-sakto na nasa tapat lang ako ng magara nitong entrada.

I don't want to spend too much energy on long distance teleportation. Mabuti naman at tama ang naging desisyon ko dahil kahit papaano ay tumagal pa ako.

Nasa mga dalawang minuto na ang lumipas mula nung nagsimula na nila akong habulin.

"Excuse me. Excuse me!" Hindi ko akalain na napakarami pala ng mga tauhan ni Ronaldo dito sa red light district. Lumusot ako sa isang mini night market.

Ito kasi ang entrada ng middle part ng district. Sa gitnang bahagi na ito ay may night market na dinadayo ng marami. It's a little bit crowded. Pero ipinag-siksikan ko na ang sarili ko para lang makalayo sa mga kalaban.

Pero hindi pa man ako tuluyang nakalabas ng night market ay may nagsisigawan na.

"AAAH!"

"HOY! Ano ba!"

Lumingon ako at nakita ko na nasa night market na rin pala ang mga humahabol sa akin. Nagsiliparan ang mga stalls at nagsitakbo sa takot ang mga tao.

"'YUNG MGA PANINDA KO! HOY!" Sigaw ng isang babae nang natumba ang mga paninda niyang accessories.

Oh. Sh*t. Dumami pa ata sila lalo.

I ran as quickly as I could. Kailangan ko na atang limitahan ang pag-teleport ko. Lumakas pa ang sigawan ng mga tao sa likod. Nagkakagulo na rin ang mga nasa harapan ko. It seems like they know na ako ang pakay ng mga nanggugulo ng mga paninda nila at agad na lumayo sa akin.

"ANO BA!"

"Sorry!" paghingi ko ng depensa nang may masagi akong isang stall dahil sa panay kong paglingon sa mga naghahabol sa akin.

I was towards the end of the night market when a pack of vampires blocked my way. Mga nasa lima lang naman sila. Nahinto ako sa pagtakbo. I stepped back and was about to turn back when the guys following me finally caught up. Lumingon ako from left to right, hoping for another way to escape pero may tig-dalawang tao na nasa kaliwa at kanan ko.

I am trapped!

Lima sa harap, apat sa likod at dalawa sa kaliwa't kanan.

Napakuyom ako ng kamao tapos dahan-dahan na pomusisyon at naghahanda para sa tiyak na masakit sa katawan na bakbakan. I just hope that none of them are carrying that vampire-threatening tool they used to me last time. Or I just have to avoid getting stab. I have to be alert. Ganun din naman ang mga tao sa paligid na nagsimula ng tumakbo palayo sa parte kung saan nakapalibot ang mga kalaban.

"Wala ka ng matatakbuhan pa."

"You're going with us, young man."

Pagbitaw ng lalaking nasa harap ko ng mga katagang ito ay naramdaman ko naman ang paggalaw ng mga nasa likuran ko. I swiftly turned around and stretched my legs to kick the first person coming. This time ay nilakasan ko na. Hindi na pwede ang magpa-kampante they are vampires as well after all.

Taming the VampireWhere stories live. Discover now